bc

Ruled Through Life And Death

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
adventure
dark
family
self-improved
bxg
mystery
brilliant
genius
weak to strong
lonely
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lamang si Aelin nang magkaroon siya ng kakaibang kakayahan na tanging ang katulad lang niya ang kayang makakita at makaintindi sa kalagayan niya. Mahirap kay Aelin na makakita ng mga multo lalo na sa tuwing nasa dilim siya ay bigla-bigla na lamang nagpapakita ang mga ito, upang guluhin siya o di kaya humingi nang tulong sa kani’ya. Naging gano'n ang buhay ni Aelin na nakasunod sa kan’ya ang mga kaluluwa na gusto s’yang abalahin, ngunit nagbago ito nang makilala niya si Benedict na matagal nang palakad-lakad na kaluluwa dahil hindi magawang makasama sa puting liwang.

Sa hindi inaasahanang araw ang kanilang landas ay nagtagpo. Ang dalawang tao na magtutulungan para sa kanilang ninanais sa buhay. Si Aelin nagustong maging normal ang kan’yang buhay habang si Benedict ay gusto nang sumama sa liwanag upang matahimik na. Kaya ginawa nila ang lahat upang pareho silang magtagumpay, kahit na ang bawat isa't-isa ay unting-unti nang nahuhulog sa isa't-isa.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan. Pagbilang kong tatlo nakatago na kayo. Isa! Dalawa! Tatlo! Game?!" tanong ko sa mga kalaro ko ngayon. "Game..." Ngumiti ako bago ko inalis ang braso ko na nakatakip sa mga mata ko at tsaka humarap upang simulan ko ng hanapin ang mga kalaro ko. Tahimik ang ground ng school at tanging nakikita ko lamang ang mga ibang estudyante na nag-aaral rin dito sa school. Sinimulan ko nang hanapin ang mga kalaro ko. Pinupuntahan ko sila sa CR, library, at classroom, na pwede nilang pagtaguan. Pero hindi ko sila makita, masyado silang magaling magtago. Hanggang sa mapadaan ako sa principal office namin at doon may nakatayong dalawang tao na nakaharap sa bintana. Napangisi ako at dahan-dahan na pumasok sa loob upang walang ingay na maririnig sila, oras na mahuli ko sila. Hindi na ako ang magiging taya sa susunod dahil may nahuli na ako. Dahan-dahan ako naglakad papunta sa kanilang dalawa at aakmang gugulatin sila ng biglang may lumitaw sa harapan ko na dalawang tao ang humarang sa akin, dahilan upang mapatigil ako sa pang gugulat sa kalaro ko. Dahan-dahan kong inangat ang paningin ko at nakita ko na nakalutang ang mga paa nila, kaya kinabahan ako dahil alam ko na hindi sila nabibilang sa amin. Sa aming mga humihinga at nabubuhay sa mundo. Inangat ko pa lalo ang ulo ko at agad akong napatakip ng mata dahil sa nakita ko. Puro dugo ang kanilang mukha nang makita ko ang itsura nila. Nanginginig na ako sa takot dahil sa kanila. Hindi pa talaga ako sanay na bigla-bigla na lamang silang susulpot sa harapan ko at haharap sila kung ano ang naging dahilan sa pagkamatay nila. "Huwag kang matakot, hija. Hindi ka namin gagawan nang masama ng aking asawa." "H-hindi po ako naniniwala sa inyo," tugon ko, habang nakatakip pa rin ang mata ko gamit ang palad ko. "Maniwala ka sa amin, hija. Narito lamang kami para sana masabi mo sa mga anak namin na mahal na mahal namin siya. Kaya huwag ka nang matakot, hija." Sa tono ng boses nilang dalawa ay mabait nga sila. Kaya inalis ko sa mata ko ang nakarahang na palad ko upang makita sila. Nagbago na ang kanilang anyo. Wala nang dugo sa mga mukha nila at malinis na tignan ang mga ito, habang nakangiti sila sa akin. "Sino po ba ang mga anak niyo?" tanong ko sa magalang na boses. Ngumiti sa akin yung babaeng multo sabay sabi nang, "makikilala mo ang aming anak sa tamang panahon, hija. At sana masabi mo rin na mag-iingat silang dalawa sa kanilang uncle." Naguluhan naman ako sa sinabi ng babae sa akin. "Po?" "Bilang na ang oras namin, hija. Pasabi na lamang sa dalawa naming anak na mag-iingat sila at palagi kaming nakabantay sa kanila anumang mangyari." "Dadating ang panahon ay makikilala mo ang aming anak at sana ay tulungan mo siya. 'Yon lang ang gusto namin, hija. Thank you." Kahit na naguguluhan ay tumango na lamang ako at kasabay no'n ang pag-ilaw ng liwanag sa kanilang likuran na unting-unti na lumamon sa kanilang dalawa, habang may ngiti sa labi nilang mag-asawa. It's been a year. I was in grade seven at that time at hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang sinabi ng mag-asawa sa akin, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa dalawang anak nila. Hindi manlang nila sinabi kung sino ang dalawang anak nila, para naman masabi ko. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa sinabi nang babae sa akin na makikilala ko ang anak niya at oras na makilala ko raw ay tulungan ko. "Ang weird, talaga." "Yeah, kasing weird mo." Napatingin ako sa kaklase na bigla-bigla na lamang nasa harapan ko. Akala ko pa naman ay puro kaluluwa ang bigla-bigla na lamang susulpot sa harapan ko. Tao rin pala na nabubuhay pa. "Anong kailangan niyo?" tanong ko sa mahinahong boses. "Wala naman kaming kailangan sayo, pero gusto lang namin malaman kung kailan ka dadalhin ng magulang mo sa mental," sabi niya sabay halakhak nila. Tinignan ko lang sila habang tumatawa sila. Normal na sa akin na masabihan ng ganon. Kung kailan raw ako dadalhin sa mental. Umalis na lang ako at lumabas ng classroom. Wala na akong magagawa kung ang tingin nila sa akin ay baliw. Nakakabaliw naman talaga ang makakita ng kaluluwa na hindi nila makita, kahit na ako ay nababaliw na rin kakaisip kung kailan ko ba mararanasan na magkaroon ng normal na buhay. 'Yon lang naman ang gusto. Ang normal na buhay. Tahimik akong umiyak dito sa CR ng pambabae. Naawa ako sa sarili ko, naawa ako na hindi ko manlang magawang maipagtanggol ang sarili ko. Sino ba naman ang maniniwala na nakakakita talaga ako ng taong pumanaw na at hindi ako nababaliw na kinakausap ang sarili ko. Pagkatapos kong umiyak ay pinunsan ko na ang pisngi ko at tsaka huminga ng malalim. Okay na nalabas ko na ang nais na ilabas at kailangan ko ng pumasok sa next class ko. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa cubicle at tsaka ako naghilamos ng mukha upang hindi mahalata na galing ako sa iyak. Pagkatapos ay pinunasan ko na rin ang mukha ko gamit ang tissue na meron ako sa bag. Naglakad na ako papunta sa harapan ng pinto at hinawakan ang door knob. Aakmang pipihitin ko na sana nang bigla may nagsalita sa likuran ko. "Tulungan mo ako..." Literal na napatigil ako at dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa pagkahawak sa door knob at hinarap siya. Napasinghap at napapikit ako nang bigla na lamang siyang lumapit sa akin. Bumuga siya ng malamig na hangin mula sa hininga niya at tumama 'yon sa mukha ko. Ganito na lang ba? Ganito na lang ba ang role ko sa mundo? Ang tulungan ang mga kaluluwa na nais na humingi ng tulong sa akin? Paano naman ako? Paano naman ang nais ko na normal na buhay? Na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad. Gusto ko lang naman ng normal na buhay katulad nila. Hindi ba pwede 'yon? 'Yon lang naman ang gusto ko. Ayun lang... Breaking News. An heir of the Cristosmo empire is now d**d at the age of 20 because of the fatal accident in which he was involved last Monday. More updates. Just stay tuned.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Succubus Queen

read
27.1K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
43.3K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Wife For A Year

read
70.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook