CHAPTER 6

2149 Words
CHAPTER 6 Pag gising sa umaga, tulala lang si Vito. Tila pinagsisisihan niyang magpadala sa nangyari kagabi. Sa pagbubukas niya ng pintuan halos tumalbog ang puso niya nang makasalubong si Cassandra. "Good morning, boss!" Bati ni Cassandra habang may bitbit na walis at feather duster. "May bisita po kayo sa sala, dalawang lalaki po," aniya pagkatapos ay ngumiti. Hindi nakakibo si Vito dahil buong akala niyang magagalit si Cassandra sa kanya. Nanlalamig ang mga kamay habang naglalakad pababa si Vito. Panay ang sulyap niya kay Cassandra at inaalam kung may naalala ba ito sa nangyari. "Tristan, Mark. What are you doing here?" tanong ni Vito. "Sir, we have a lead. Huwag kang pupunta sa Mindanao. Maliwanag na trap lang ito dahil alam nilang isa sa mga De Luna ang n—" Naputol ang pagsasalita ni Tristan dahil sa senyas ni Vito. "You tone down your voice. I am with Ms. Cordova. Alam ko ang dapat gawin sa Mindanao. All you have to do is to secure my house and—and Cassy. Habang wala ako," tugon niya. "Copy sir," sagot ni Mark. "But sir, it's more dangerous if Ms. Cassandra will stay here. Baka sundan at gawin siyang pa-in laban sa'yo." "No, she's safe here with you, Tristan and Mark. Stay close to her. Chino and I will go to Mindanao. Pwede na kayong umalis," utpos ni Vito at tinalikuran ang dalawang tauhan. Sa pagpunta ng binata sa kusina, narinig niya ang isang himig sa labas ng bahay. Unti-unting sumilip ang binata sa pintuan at natagpuan si Cassandra na naglalaba. Hanggang sa nagulat siyang hawak nito ang brief niya pati na ang mga boxer shorts. "Hey, hey. Not that things!" Suway niya. "Eh nilabhan ko na," tugon ni Cassandra at tinago ito sa kanyang likuran na parang sa kanya ang gamit. Tila inosente ito kung umasta at walang malisya sa lahat ng bagay. "Please, those are–a–re damn private. Hanggang t-shirt ka lang at pantalon. Besides, bakit ikaw ang naglalaba rito? May kumukuha ng mga damit ko ha?" "Eh hindi ko na pinabalik. Sayang ang laundry. Imagine, you are paying thousands tapos noong minsan amoy tulok ang t-shirt mo? Sayang ang pera kung pinaglololoko ka lang ng mga inuutusan mo," tugon ni Cassandra. Mas lalong nahiya si Vito dahil hawak pa rin ni Cassandra ang brief niya. "Kailan mo pa nilalabhan iyan?" "Weeks ago. Ano bang problema? Eh hindi ba't cleaner mo ako? It means, lahat lilinisin ko. Iyon na nga lang ang pambawi ko magrereklamo pa ba ako?" aniya at inirapan pa siya nito. Pasimpleng ngumiti si Vito at natutuwang makita ang isang babaeng walang hiya-hiya at kaartehan sa katawan. "Mas lalong bumibilog ang mga mata niya kapag nagagalit. Parang luluwa at kakainin ako ng buhay," bulong niya sa sarili. Matapos ang ilang oras, natapos ni Cassandra ang kanyang tinatrabaho. Bumalik siya sa kanyang kwarto upang ayusin ang gamit para sa pagpasok niya bukas. "Ay! Oo nga pala may assignment ako," tumayo agad ang dalaga at minabuting mapuntahan si Vito sa kwarto. "Boss? Vito? Kuya? Sir?" Tawag ng dalaga. "What?" Tugon mula sa loob "Can I connect to your wifi? I have an assignment kasi." "Come inside." Sa pagbubukas niya ng pintuan, natagpuan niya si Vito na nakaturo sa personal computer niya. "You can use my computer." "Wifi na lang. Personal things mo iyan diba?" "Use that, I don't have wifi. Connected lang ang internet ko sa computer." "Pwede ko naman ayu–" "No." Hindi na nagreklamo si Cassandra at umupo sa office desk ni Vito. Tila hindi makapag-focus ang dalaga sa pabalik-balik na kilos ni Vito mula sa kama pabalik sa cabinet bitbit ang mga damit. "Aalis ka na?" biglang tanong ni Cassandra. "Yeah, tomorrow." "Akala ko next month?" "Call of duty." "Edi maaga ang balik mo?" Napatigil sa pag-aayos ng gamit si Vito at nilingon si Cassandra. Para bang nakuryente ang dalaga nang titigan siya ni Vito. Nahiya at iniwasan na lamang niya ang tingin sa binata. "Ikaw na muna ang bahala sa bahay ko. Wala kang papapasukin na ibang tao rito. And please, always lock the doors and windows before you sleep." Parang kinabahan at nangilabot si Cassandra sa mga habilin ni Vito. Napatayo siya at biglang umupo sa tabi ni Vito. "Bakit?" Nagtatakang tanong ni Vito dahil sa pagdikit ng dalaga sa kanya. "Natakot ako. Parang papatayin naman ako sa mga sinasabi mo." Ngumiti si Vito at ginulo ang buhok ni Cassandra. "Don't be scared, para kang bata. Call this number if you need help," inabot nito ang isang calling card at tumango lang si Cassandra. "Para ba talaga akong bata?" Tanong ni Cassandra. "Yeah, like a little lamb." Tumawa naman ang dalaga, habang sa kaloob-looban ni Vito ay hindi na siya makatitig kay Cassandra. Sa pagbabalik ni Cassandra sa office desk ni Vito. Habang hindi nakatitig ang binata, she tried to research 'Don Vito Valentin'. Napanganga si Cassandra dahil anim na taon na pala itong naglilingkod sa bansa. Marami rin award ang binata at kilalang tao rin ito. Don Vito Valentin took the course Computer Science at pumasok sa pagiging militar pagkatapos grumaduate. Kilalang utak ng mga estratehiya pagdating sa Information Technology sa loob ng kampo. Siya rin ang utak sa mga drug watch list database sa bansa. Nabilib at napanganga na lang si Cassandra dahil hindi pala basta-basta ang kasama niya o ang amo na kanyang pinagtatrabahuhan. Totoong marami rin itong charitable institutions na tinutulungan. "Cassandra." Halos namutla si Cassandra at mabilis na binura ang browsing history. "Yes po?" "I need to go." "Sa Mindanao? Akala ko bukas?" "No, I'm gonna meet my comrades." Tumango na lang ang dalaga at mabilis na pinatay ang computer upang sundan si Vito hanggang sa paglabas nito. "Bye!" Kaway niya habang nakangiti. Hindi sumagot si Vito at nagpanggap na hindi nakita ang ginawa ni Cassandra. Sa pag-andar ng kanyang sasakyan, binuksan ni Vito ang monitor sa loob ng bulletproof gray Jaguar C-X75 supercar. Nakita niya ang bawat sulok sa kanyang bahay. Pinindot niya ang screen kung saan nagpunta si Cassandra. Hindi niya maiwasan na matuwa dahil sa ilang linggo niyang nakasama si Cassandra, palaging refrigerator ang pinupuntirya nito. Mula sa loob ng bahay, payapang kumakain si Cassandra habang nanonood ng TV. She cooked a popcorn cheese at pakiramdam niya'y siya ang may-ari ng bahay. "Ay teka, baka mahuli na ako!" Mabilis na tumayo ang dalaga at hinugasan ang mga pinagkainan. Nilinis niya muli ang paligid at bumalik sa sala kung saan siya nanonood. Tumapak ang orasan sa alas dose, bumagsak na ang ulo ni Cassandra sa sofa kahihintay kay Vito. ****** "Tama na! Wala sabi akong alam!" Sigaw ng isang lalaki na nakabitin patiwarik. Gamit ang baston, walang habas na hinampas ang binti pababa sa kanyang paa. Umiiyak at sumisigaw sa sobrang sakit ang lalaki. "Kahit saktan mo ako! Wala kayong mapapala sa akin! I will never tell you the whole f*****g truth about our group!" "Boss, ano na po ang gagawin natin?" tanong ni Chino habang hawak ang isang mahabang katana. "Cut his neck," utos ni Don Vito. Walang pagdadalawang isip at tinagpas ni Chino ang leeg ng isang miyembro ng kilalang drug syndicate sa Pilipinas. Ilang mga tao na ang kanyang pinatay pero wala pa rin kumakanta tungkol sa boss nito. "Get more leads about their leader! Naiinip na ako at gusto ko nang malaman kung sino sa mga Pulis, PND at De Luna Philippine Army ang lider nila!" Sigaw ni Vito at dinampot ang kanyang sumbrero. Puno ng dugo ang tagong warehouse na kanyang nilalakaran dahil sa mga adik, magnanakaw at iba pang gumagawa ng ilegal na kanyang pinaslang. Tunay na walang puso ang binata pagdating sa mga taong hindi rumirespeto sa batas. Sa pagpasok niya sa isang opisina, agad pinalitan ni Vito ang sapatos na may mga dugo at ipinalinis ito sa kanyang mga tao. Takip-takip pa rin ang kanyang mukha at walang bahid ng pagkakakilanlan. Sa kanyang pag-upo sa itim na swivel chair, binuksan niya ang cellphone na konektado sa mga CCTV sa kanyang bahay. Hinanap niya kung nasaan na si Cassandra. Bigla itong napatayo at dinampot ang jacket. "Chino, let's go." Agad sumunod ang kanyang right hand at nagmaneho ng sasakyan. Bente minutos lamang ang tinakbo ng oras nang marating niya ang bahay. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng bahay at natagpuan ang dalaga na nakahiga na sa carpet. Umawang muli ang ngiti niya dahil naalala niya kung paano niya ito nakitang nalaglag mula sa sofa. "Cassy? Wake up," wika niya at tinapik ang braso nito. Minulat ng dalaga ang mga mata at halatang naalimpungatan pa ito dahil bumangon ito pagkatapos ay sinandal ang ulo sa dibdib niya. Hindi nagtagal ay inilayo siya ni Vito. "Wake up." "Hmm… n-nandito ka na pala," bilang umatras si Cassandra at inayos ang sarili. "Bakit diyaan ka natutulog?" "Ah kasi nanood ako. Nakatulog na pala ako, sige papasok na ako. Good night…" Nagmadaling tumakbo si Cassandra sa kwarto at sinara ang pintuan. Few hours later. Madaling araw na at hindi pa rin natutulog si Vito dahil sa bangungot na paulit-ulit siyang binabagabag. Pawis ang buong katawan niya at ang puso na patuloy ang mabibilis na pagtibok. Sumasagi pa rin sa isip niya ang mukha ng dating asawa. Duguan at umiiyak sa harapan niya. "Please, leave me alone," bulong niya at hinilamos ang mukha gamit ang palad. Dahil hindi mapakali ang binata. He tried to open his monitor at pinanood muli si Cassandra. Payapa itong natutulog ngunit hindi niya gusto na makita itong walang saplot pang-ibaba. Tanging sando at underwear lang ang suot ng dalaga. "Bakit ko ba siya binobosohan?" bulong niya sa sarili at lumunok. He decided to take a quick bath pero 'di kalaunan at binabad niya ang sarili. Sa pagpikit ng kanyang mga mata, all he can see is Cassandra's naked body. Nakasandal ang binata at bumigat ang kanyang paghinga. Tila naririnig niya ang ungol ng dalaga na nagsisilbing musika sa kanyang tainga. "Ohhh, damn," bulong ni Vito at hindi niya naiwasan na hawakan ang p*********i. He played himself while thinking about Cassandra. Kinagat niya ang ibabang labi habang nakatingala. He can't stop m**********g, gustong-gusto niya itong kamtan pero naduduwag siya sa mga posibilidad. Ilang saglit at naramdaman niya na ang sukdulan. Binilisan niya ang pagligo at pagdadamit pagkatapos ay lumabas ng kwarto upang magpahangin. "Ano ang ginagawa at iniisip ko? I am fantasizing an innocent lady. What I did to her was a sin. Lasing siya, bakit pinagtangkaan ko iyon gawin? Bakit ako nagpadalos-dalos? Paano kapag naalala niya? Baka lumayo siya sa akin, baka pakiramdam niya'y niloloko siya. I know the feeling of being betrayed. At ayoko iyon gawin sa kanya," sa pagyuko ni Vito, napag-isip-isip niyang bumalik na sa kwarto. Ngunit sa kanyang paglingon, mukha ni Cassandra ang kanyang nakita. "What the hell is wrong with you?!" Bulalas niya. "Binangungot ako, I want to sleep in your living room. Ayoko sa kwartong tinutulugan ko ngayon," aniya habang bitbit ang unan. "You sleep inside my room," wala sa wisyong tugon ni Vito. "Ha? Hindi, dito na lang." Hindi nakaresponde agad si Vito at nag-isip ng isasagot. "You can sleep there, sa couch na lang ako. Don't worry, hindi naman kita ooperahan habang tulog. Safe pa rin naman ang kidney mo," wika ng binata at ngumiti. Napanguso naman si Cassandra at sumunod kay Vito. Nang marating nila ang kwarto, nahiga lang si Cassandra sa gilid ng kama at tinakpan ang sarili ng kumot. Pakiramdam niya'y napakagaan sa piligid. She felt safe and secured. Sinubsob niya ang mukha habang inaamoy ang pabango ni Vito. "Ang bango naman ng unan mo, ang sarap singhutin," bulong ni Cassandra sa sarili. Habang si Vito naman ay nakahiga sa couch at nakataas ang dalawang kamay. He felt awkward dahil kanina lang ay pinapantasya niya ang dalaga, ngunit ngayon na nakahiga na ito sa kanyang kama. Mas lalong narumihan ang kanyang pag-iisip at sa bawat pikit ng mata, si Cassandra lang ang nakikita niya. All he can imagine is her virgin body. Ang bawat ungol at hatak nito sa kobre kama ang kanyang naiisip. Pilit niyang pinipigilan ang sarili ngunit mas lalo lang nagbabaga ang nararamdaman niya. "Damn," he whispered. Umupo siya at sinabunutan ang sarili. Nakatitig lang siya sa balingkinitan nitong katawan habang nakatalikod ang dalaga. Naaaninag din niya ang maputi nitong balikat. "Hmm." Napatingin muli si Vito dahil hindi siya nagkakamali na marinig ang ungol ng dalaga. Halatang binabangungot ito hanggang sa hikbi na ang kanyang narinig. Maagap at tumabi si Vito sa kanya. He hugged her tight at hinagkan siya pabalik ni Cassandra. "Mama," mahinang sinabi ng dalaga. Ang mainit na balat ng dalaga na nakadikit sa kanya ang siyang nagpagising pa lalo sa kaluluwa niya. Magkayakap lamang silang dalawa at bago pinikit ni Vito ang mga mata, nag-iwan siya ng halik sa labi nito. "I'm sorry. I kissed you again while you were sleeping. Good night, Cassandra Cordova."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD