CHAPTER 7
Sa pagmulat ng kanyang mga mata, napalingon si Cassandra sa paligid hanggang sa makita niya ang isang sulat na may bulaklak sa lamesa tabi ng kama. Bumangon si Cassandra at binasa ang nakapaloob dito.
'Good morning, little lamb. Hindi na ako nagpaalam sa iyo, I really have to go. I promise, your boss will be back after two months. Be a good girl.'
Hindi alam ni Cassandra kung matutuwa ba siya sa tawag ni Vito sa kanya o malulungkot dahil hindi niya ito makakasama ng dalawang buwan.
Sa ilang linggo niyang nakatira kasama ang binata. Masasabi niyang parang nagkaroon siya muli ng pamilya. Kaya simpleng hindi pagdating nito sa oras ay agad siyang nag-aalala. Cassandra feels a brotherly love from him. Tunay na napakabait at wala siyang reklamo kahit paminsan ay nagsusungit ito.
Sa kanyang pagpasok sa paaralan, tahimik lamang siyang naglalakad habang nakahawak sa kanyang cellphone. Pakiramdam din niya'y espesyal siya dahil hatid sundo siya ng mga driver ni Vito.
"Huy! Busy sa cellphone ha?" Wika ni Colin habang bitbit ang reviewer.
"Huwag kang maingay, nanonood ako ng bilita."
Tila nagkaroon ng interes si Colin at nakisilip sa pinonood ng kaibigan.
'Ang kasunduan sa pagsuko ng terorista sa smuggled firearms ay nagaganap ngayon araw sa Mindanao. Nanatiling nagbabantay ang buong sandatahan ng De Luna Philippine Army upang magkaroon ng payapang pag-uusap sa pagitan ng dalawang kampo.'
"Wow! Kaya pala, si Papa Vito nand'yan?"
"Oo, eh. Kumusta kaya siya?"
"Wow na wow, nag-aalala? Boyfriend ba o asawa mo na?"
"Ano ba iyang bibig mo? Huwag mong bigyan ng kulay dahil kapatid ang turing niya sa akin. Kahit kailan at malisyosa ka!"
"Diyos ginoo. Hindi ako mamalisya, nagsasabi lang ako ng totoo. Kung ako ikaw baka bumigay na ako sa kanya. Napaka hot ni blonde hair!" Bulalas ni Colin habang kunwari'y nag-aaral ng leksyon.
Kalaunan, nagsimula na ang pagsusulit ni Cassandra. Hindi mawala sa paningin niya ang cellphone dahil nakikibalita siya sa lahat ng nangyayari sa Mindanao. Ilang saglit at tumayo na ang dalaga at pinasa ang test paper.
"Are you sure na tapos ka na, Ms. Cordova?"
"Opo, lalabas na po ako!" Pagmamadali ng dalaga at hindi na niya hinintay si Colin. Muli siya nakikonekta sa library wifi at hinihintay na bumukas ang bagong balita sa social media.
'Balita ngayon ang pagkakaroon ng hindi pagkakasundo ng De Luna Philippine Army at mga Terorista. Namataan ni Major General Don Vito Valentin ang patagong pagtutok ng mga sniper sa kanilang kampo. Nagkaroon ng putukan at kasama mismo si Major General Don Vito Valentin sa mga tinamaan ng bala mula sa mga Terorista.'
Napatayo si Cassandra at tila'y nanlamig ang buong katawan sa nangyari. Kusang pumatak ang kanyang luha habang nakatitig sa balita.
"Kumusta siya? Bakit tinamaan siya? 'Di ba siya nag-iingat? Paano ako lalapit sa kanya? Paano ako makakapunta ro'n?"
"Huy, Cassandra! Bakit umiiyak ka? Anong nangyayari?" giit ni Colin na kadarating lamang ng College Library.
"Si Vito, tinamaan. Paano ko siya pupuntahan?"
"Oh my gosh?! Malubha ba?"
"Hindi ko alam!" Bulalas ni Cassandra at hindi pa rin mapalagay. Ilang saglit ay naisip niya ang calling card na binigay ni Vito sa kanya. Agad nag-iwan ng mensahe ang dalaga.
'Major General, kumusta ka? Nabalitaan ko ang nangyari? Saan ka tinamaan? Malubha ba? Kailan ka uuwi? Pwede bang umuwi ka na lang?'
******
Nakahiga at galit na galit si Vito sa nangyari. Dahil sa hindi niya pakikinig kay Tristan at Mark, ito ang sinapit niya. Mabuti at daplis lamang sa braso ang kanyang natamo. Nagpapahinga si Vito sa loob ng ospital at nagbigay ang Commander/Presidente ng abiso na huwag na muna siyang sumabak. Nanatiling mainit ang panig ng mga sundalo at mga terorista. Maraming nasirang tahanan at inilikas na rin ang mga pamilyang apektado ng giyera.
"Can you get my phone?" utos niya sa nurse na naglilinis ng sugat niya.
Sa pagbubukas ng cellphone niya, puro mensahe mula sa unregistered number ang natanggap niya.
'Major General, kumusta ka? Nabalitaan ko ang nangyari? Saan ka tinamaan? Malubha ba? Kailan ka uuwi? Pwede bang umuwi ka na lang?'
'Magparamdam ka naman! Saan ka ba tinamaan? O tatamaan ka sa akin?'
'Boss, bakit hindi mo ako nirereplayan?'
Umawang ang ngiti sa kanyang labi habang nakatitig sa mga text messages ni Cassandra. Hanggang sa mabasa niya ang pinaka huling mensahe.
'Nag-aalala ako. Umuwi ka na lang dito.'
Napapikit si Vito at pakiramdam niya'y tuluyan siyang nahuhulog sa bitag ng dalaga. Habang siya'y nagpapahinga, bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang si Cassandra ang tumatawag sa kanya. Sa kanyang pagsagot, dahan-dahan niya itong inilagay sa tainga.
"Kumusta ka na? Saan ka tinamaan?"
"I am good. How's your exam?"
"It was fine. Saan ka nga tinamaan?"
"Sa braso lang, maliit na bagay," mayabang niyang sinagot.
"Whoa? Maliit na bagay kung napuruhan ka ha?!" Bulalas ni Cassandra.
"Why are you mad? Miss mo ba ako?" Wala sa wisyong tanong ni Vito.
"Hindi naman."
Tila nanlamig ang katawan ni Vito dahil ang bilis siyang tanggihan ni Cassandra.
"Ganoon ba? Sige na magpapahinga na ako," tugon ni Vito at basta na lang pinatay ang cellphone at inalis ang baterya.
"Bakit ba ako nagagalit? Should I expect her to miss me?" bulong ni Vito at umirap na lang sa hangin.
Ilang saglit at inilagay niya ulit ang baterya habang naghihintay ng tawag. Halos mabitiwan niya ito nang biglang
tumunog. Buong akala ni Vito na si Cassandra ang tumatawag ngunit si Tristan ito.
"Yes?"
"Sir, the drug Lord wasn't from the Military. He's from the Senate and different branches of the Government. They finance all the illegal groups in the Philippines. Mainit na po ang inyong pangalan nila General Jacob sa kanila. Please be safe, Sir Vito."
"You too. Please secure Cassandra. Make sure na walang makakakita sa kanya na naglalabas pasok sa bahay ko."
"Yes, sir."
******
Lumipas ang ilang linggo magmula ang huling pag-uusap nila ni Vito at Cassandra ay hindi na muling nagparamdam ang binata. Cassandra became more worried about him. Lalo na ngayon na umalingawngaw ang madugong giyera.
"Colin, uuwi na muna ko. Bukas pa naman magsisimula ang internship natin."
"Sige. Teka, bakit ang putla mo? Parang nawala lang si Bossing Pogi at namayat ka na naman."
"Hindi ha! Inaasar mo na naman ako. Aalis na ako," tugon ng dalaga at nagmadaling kunin ang kanyang gamit.
Mahigit kalahating oras na pagbibiyahe ay narating din nila ang bahay ni Vito. Walang kamalay-malay ang dalaga na nakabantay sa kanya si Tristan at Mark.
"Tristan, hanep si Boss no? Galing mamili ng babae," saad ni Mark habang hawak ang binocular at tinatanaw sa bintana si Cassandra.
"Huwag ka ngang mamboso kung ayaw mong mamatay ng maaga!"
"Diyos! Hindi naman alam ni boss. Kahit sa De Luna Philippine Army ang daming nahuhumaling sa kanya. Bata lang talaga siguro ang tipo niya," malokong sinabi ni Mark at mas tinutok kay Cassandra ang binocular.
"Tigilan mo iyan, Mark. Isang paglabag mo lang sa patakaran ni Mr. Valentin, pugot agad ang aabutin mo!"
"Unless isusumbong mo ako? Silip-silip lang naman, hindi ko naman kakantiin ang precious woman niya."
"Bahala ka nga r'yan! Maninigarilyo muna ako! Magtino ka, Mark ha!"
Tumango lang ang binata at pinanood muli si Cassandra habang nagpapalit ng damit. As a man, he felt erection on his manhood.
"Ang kinis, ang ganda ng pangangatawan. I wonder kung paano ka galawin ni boss?" bulong nito sa sarili.
Sa ilang minuto na naghihintay si Mark sa loob ng sasakyan, pasimple siyang tumingin sa paligid at sinindihan ang tinatagong sigarilyo. Hindi lang ito basta sigarilyo kundi isang dahon ligaw.
Ang dalaga na nasa loob ng kanyang kwarto ay walang ni isang saplot habang inaayos ang gamit. Inosente ang dalaga dahil hindi niya alam na pinagnanasahan na ang kanyang buong katawan. Buong akala niyang tinted glass window ito pero gamit ang binocular ni Mark, kitang-kita ang buong katawan niya
Ilang sandali at natanaw ni Mark si Tristan. Agad niyang pinalibutan ng umaalingasaw na pabango ang paligid at kumain ng tinatabing asukal upang hindi manganoy usok ang kanyang bibig. He also finished m**********g while fantasizing Cassandra's body.
"Wala naman bang nangyari?" Tanong ni Tristan kay Mark.
"Wala naman, halika na. Hindi naman malalaman ng kung sino-sino ang bahay ni boss. Buong akala lang nilang isa lang ordinaryo ang bahay na iyan."
"Hindi ako aalis, baka mapano pa si Ms. Cordova."
"Halika na nga! Ngayon lang tayo makakapaglibot! Kapag nand'yan na si Chino o si boss siguradong dukdok na naman tayo sa pagpatay!" Wala rin nagawa si Tristan at sumunod sa kasama niyang si Mark.
Dumilim ang paligid at nanatiling namamalantsa si Cassandra. She's very excited to work at Carmelite Hospital as an intern.
"It's my birthday tomorrow. Kumusta na kaya si Vito? Sila na lang ni Colin ang taong malapit at parang kapamilya na nagmamahal sa akin. Okay lang kaya siya?"
Malungkot na tinapos lahat ni Cassandra ang gawain sa bahay. Pabalik-balik din siya sa kwarto ni Vito sa tuwing binabangungot siya at ang unan nito ang kanyang hinahagkan. Tila gutom sa pagmamahal o aruga ang dalaga. Ngayon lamang niya naranasan na may tumuring sa kanya bilang isang tao bukod kay Colin. Puro maltrato at trauma ang inabot niya sa kanyang Ama na alipin ng droga.
Tumapak ang orasan sa ala una ng madaling araw, naisipan niyang buksan ang bintana at magbasa ng libro para antukin. Sa kanyang pag-upo, halos lumundag ang puso niya nang biglang mabasag ang flower vase ni Vito. Tumayo ang dalaga at dahan-dahan na tiningnan ang butas na nagmarka sa pader.
"T-tulo—aah!" Sigaw niya dahil naramdaman niya ang isang putok sa balikat na nagpabagsak sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ni Cassandra sa takot dahil nakarinig na siya ng ilang putukan sa labas ng bahay.
"Tama na! Tulungan niyo ako!" Paulit-ulit niyang sinigaw kahit napakakirot ng tama niya sa balikat.
Mas lalong nanginig si Cassandra nang makita ang duguan niyang braso.
"Vito! Tulungan mo ako! Vito!"
Ang mga tauhan ni Vito ay hindi tumigil na habulin ang dalawang kotse na nagpaulan ng bala sa bahay ng amo. Galit na galit si Chino dahil ito ang naabutan niya. Hindi rin niya nakita sila Mark at Tristan na nagbabantay kay Cassandra.
"Si Ms. Cordova?" Pagpapanic ni Chino.
"Sir, bukas po ang binatana niya pero hindi po namin alam kung tinamaan siya."
Nagmadaling tumakbo si Chino habang takip ng itim na mask ang mukha niya. Natagpuan niya ang dalaga na nakahandusay sa sahig at walang malay.
Hindi kumibo ang binata at tinawag agad ang private doctor ni Vito. Chino also closed the windows.
******
Nakadapa sa lapag si Vito habang kasama ang ilan pang sundalo na nakikipagbakbakan sa mga terorista. Hindi nagpaawat ang binata dahil magmula tinamaan siya ng baril, isang araw lang ang ipinahinga niya pagkatapos ay sumabak muli sa giyera.
Galit na galit na itinapon ni Vito ang bomba pagkatapos ay binuhat ang kasamahan niyang may malubhang tama. Lakas loob niyang tinakbo ang safe base nila at nakuha naman niyang mailigtas ang ilang kasamahan.
"Major General Vito, you have an emergency news coming from Manila."
"What? What is it?"
"Nagpaulan ng baril sa iyong bahay sa Rizal. Luckily walang mga gwardya ang timaan. We didn't know that you have a house there!"
"f**k!"
Inilapag ni Vito ang kanyang kasamahan at mabilis na dinampot ang cellphone sa kalagitnaan ng giyera. He can't control himself at inaalala niya si Cassandra. As he opened the CCTV monitor in his house. Pinag-aralan niyang maigi ang paligid hanggang sa makita si Mark na nakatanaw gamit ang binocular at nakatutok sa bahay niya.
He felt something wrong at hinanap niya si Cassandra sa kung saan man sulok ng kanyang bahay. As he found out that Cassandra was naked. Ang dugo ni Vito ay umakyat sa kanyang ulo. Agad niyang tinawagan si Chino.
"Chino!"
"Sir! We have a problem!"
"Where is Cassandra?!"
"Sir, I am sorry but she had a gunshot on her arm. She opened your bullet proof window kaya nagkaroon ng pagkakataon na matamaan siya."
"Dakpin mo si Tristan at Mark! Bring them to the warehouse now!"
Mula sa kabilang linya, tila namawis ng malamig si Chino dahil sa sobrang takot. Alam niyang parusa ang aabutin ng dalawa niyang kasamahan.
Nanginginig ang buong katawan ni Vito sa sobrang galit.
"Paano ba nila natuklasan ang bahay ko? Sa ilang taon kong tinatago ang lugar na iyon, empleyado ko lang ang pwedeng magturo sa lugar na iyon. No one will f*****g touch my woman!"