CHAPTER 12

2430 Words
CHAPTER 12 Unang tinrabaho ni Chino ang tungkol kay Cassandra dahil alam niyang espesyal ang dalaga sa kanyang amo. Magaan din ang loob ni Chino kay Cassandra dahil paunti-unting bumabalik sa mga labi ni Vito ang tunay na saya. Magmula nawala si Marissa Valentin, nagkaroon ng matinding galit si Vito sa mga taong pinagtataksilan ang kabaitan niya. He became monster at mas matindi kung magparusa kesa kay satanas. Kung dati'y pinapatay lamang niya ng diretso ang mga nagkasala, ngayon na pinaparusahan niya ito hanggang sa tuluyan sumuko ang nagkasala o tuluyang mamatay. Walang sinasanto dahil kahit babae o lalaki, matanda o bata ay hindi makakaligtas kay Vito. Sa pagpapanggap ni Chino bilang isang loan shark sa lugar ng bahay nila Cassandra, natagpuan niya ang ilang pusher sa tabi-tabi. Lantaran ang pagkalat ng droga at laking gulat niya nang inabutan din siya isang binatilyo. "Ah, excuse po. Kilala niyo po ba si Alfred Cordova at Cassandra Cordova?" "Oo! Kaso matagal nang hindi umuuwi ang mag-ama rito. Baka tinanan na ni Alfred ang anak niya," nagtawanan ang mga lasing sa labas hanggang sa nakitawa rin si Chino. "Aba'y sino ka ba?" "Ah, may utang siya sa akin. Ilang taon na rin kasing hindi nagbabayad at sobra na ang palugit." "Hindi na magbabayad iyon! Nagpapakaligaya na iyon kasama ang anak niya." Kunot noo si Chino habang iniintindi ang mga tawanan o nakakalokong kilos ng mga kapitbahay nila Cassandra sa estero. "Bata, halika rito!" Utos ng medyo may katandaan na babae. Sumunod naman si Chino. "Nagtatago si Alfred dahil isa siya sa mga nasa listahan ng drug watch list. Hindi lang iyon, ang alam namin ginahasa rin niya ang mismong anak noong nasa edad katorse anyos pa ito dahil sa pagkakalulong sa droga. Kinatatakutan dito iyon dahil iba kung mag-isip. Madalas siya ang mitsa ng riot dito." "Maniniwala ba ako sa adik na ito?" Bulong ni Chino sa sarili. "Maniwala ka man o hindi, nagsasabi lang kami ng totoo kahit mga lasinggero ang ilan ng mga tao rito sa kalye." Tumango lang si Chino at nagmadaling umalis. Tinawagan din niya ang ilang kasamahan upang tulungan siya tungkol kay Cassandra. Kung saan-saan lupalop siya ng ospital pumunta makahanap lang ng sagot sa kanyang katanungan. Ngunit sa tatlong oras mahigit na kanyang paghahanap, napunta si Chino sa Women and Children's Help Desk. As he found out, nandito ang pangalan ni Cassandra. 'Cassandra Cordova, fourteen years old victim of accused s****l assault by her father Alfred Cordova.' Nagsitaasan ang balahibo ni Chino dahil sa ilan pang nabasa. "Mabuti na lang at pinapatay ka na ni Sir Vito. You didn't deserve your life on earth, Alfred Cordova." Agad niyang ipinadala ang lahat ng impormasyon kay Vito. Siguradong sasabog na naman ang ulo nito sa sobrang galit. Kalaunan, habang nakatutok si Vito sa kanyang laptop. Bumalandra sa kanya lahat ng ebidensya kung bakit ganito ang kilos ni Cassandra. Naliwanagan si Vito at halos mabasag na ang hawak niyang bote ng alak. "I will make sure na wala ng nakakaulit sa pananakit sa iyo. You are fragile, Cassandra. I will protect you no matter what." ****** Nagdaan ang dalawang araw at nanumbalik ang sigla ni Cassandra. Balik internship at sinusubukan niyang lakasan ang loob na sumabak sa mga duguan na pasyente. "Cassandra Cordova, you will be under the supervision of Dr. Buenaventura. Lahat ng gagawin mo ay naka ayon sa kanya." "Okay po, salamat." Sa paglapit ni Cassandra kay Dr. Buenaventura— ngiti ang salubong niya. Halos mapaatras si Cassandra nang biglang hawakan ng Doktor ang ilalim ng mata niya at ibinaba ito. "What are you doing, Doc?" "I just checked if anemic ka pa. Natutulog ka ba sa oras?" "Ah ngayon po—oo. Noong mga nakaraan buwan kasi nakaduty po ako ng ilang oras sa convenience store." "You should finish your internship healthy. Hindi pwedeng ikaw ang maging pasyente rito." "Okay po, Doc. Ano po pala ang susunod kong gagawin?" "Come here, monitor these patients." "Okay po." Bago tuluyang tumalikod si Cassandra, muli siyang tinawag ni Dr. Buenaventura. "Cassandra, may kasabay ka ba nang lunch break?" Tila nag-isip muna ang dalaga kung susunduin siya ni Vito o hindi. "Ah wala naman po. Bakit po?" "Sabay na lang ako sa'yo. Sige na at puntahan mo na ang mga pasyente." Tumango na lang si Cassandra at tuluyang naglalakad papunta sa mga pasyenteng ibinigay ni Dr. Buenaventura MULA sa loob ng kampo, may panibagong pinagpaplanuhan ang buong PPD, PND at DLPA laban sa malaking cargo vessel na lulan ang mga ilegal na kargamento tulad ng droga at iba pang smuggled firearms. Pinaplano pa lamang ng mga kasamahan ni Vito ang lahat ngunit ang 'di nila alam nauna na ang El Asesino na tugusin ang laganap na pagkalat ng ilegal sa bansa. Dumating ang ala una ng tanghalian, tila nalipasan na ng gutom si Vito dahil sa dami ng kanilang ginagawa. Lalo na ang kaliwa't kanan na pag-imbestiga niya sa pamamaril na naganap sa kanyang bahay. Still, wala pa rin kumpletong impormasyon bukod kay Mark. Gusto niyang malaman ng detalyado ang pangyayari nang maubos ang buhay ng mga taong nasa likod nito. Naiinip at kating-kati na ang mga kamay ni Vito na patayin ang ulo nito. "General Jacob," bungad ni Vito. "Lalabas lang ako for lunch. I'll be back." "Okay, you take care. Marami tayong kalaban." Tumango si Vito at lumabas ng DLPA office. Limang sasakyan ang nagbabantay sa kanya. Sinisiguro na walang dapat mangyari sa lider ng El Asesino Mafia. Papalapit nang papalapit si Vito sa ospital kung saan ang internship ni Cassandra. Sa pag park niya sa gilid, napansin niyang palabas ang nobya kasama ang ang isang lalaki. Agad dinampot ni Vito ang cellphone at tinawagan si Cassandra. "Where are you?" bungad niya. "Palabas, mag-lunch out kami ni Doc." "Sinong Doc?" "Ah iyong head ko. Si Dr. Hans Floyd Buenaventura." "Kayo lang?" Bakas sa tono ni Vito ang pagseselos habang nakatitig kay Cassandra. "Ah kasama si Colin." "Really?" Tugon ni Vito at bumaba ng sasakyan pagkatapos ay sinuot ang sumbrero "Oo, na saan ka ba?" "In front of the hospital looking at you and that man." Napalunok si Cassandra at pinagmasdan ang paligid hanggang sa makita niya si Vito na nakatayo. Binaba ni Cassandra ang tawag at tumingin kay Dr. Buenaventura. "Let's go?" aya ng Doctor pagkatapos ay hinawakan ang baywang ni Cassandra. Napaiwas bigla ang dalaga dahil alam niyang nakatitig si Vito sa kanya. "Doc, next time na lang may pupuntahan po ako. Salamat po," agad niyang sinabi at nagmadaling bumaba ang dalaga. Ngunit sa pagpunta niya sa puwesto ni Vito. Nakita na lang niya na paalis na ang sasakyan nito. "Vito!" Sigaw niya. Naiwan na nakatayo si Cassandra habang hawak ang cellphone. "Nagselos ba iyon?" She dialed Vito's number, "Pick up the phone," bulong niya habang kagat-kagat ang ibabang labi "What?" "Bakit mo naman ako iniwan? Tinawag kita." "You are going to have lunch out right?" "Hindi na, bumalik ka rito. Nagugutom na ako," reklamo ni Cassandra. "Wala akong ganang kumain. Kumain na lang kayo." "Vito na—" Naputol ang linya at gigil na gigil si Cassandra sa nobyo. "Napaka seloso at walk out King naman ng lalaking ito!" Bulalas niya. Sa kanyang paglalakad, natagpuan niya si Colin na mukhang kakain din sa labas. "Cassy! Kumain ka na ba?" "Hindi pa, sama na ako sa iyo." Sakay si Cassandra ng sasakyan ni Colin. Napansin naman ng kaibigan niyang wala ito sa tamang timpla at magkasalubong ang dalawang kilay "Okay ka lang?" "Oo." "Magmula nang hindi na kayo nagkita ni Mr. Blonde, naging ganyan ka na. Ngayon naman na Boss mo siya ulit, ganyan ka pa rin. Iyong totoo, ano ba ang estado niyo ni Vito?" Hindi nakakibo si Cassandra. Walang ni isang alam na detalye si Colin tungkol sa relasyon nila ni Vito. Napakalaki ng epekto ni Vito kay Cassandra. Mula sa mood at pag-uugali ng dalaga. "Hindi na tayo nakakapagbonding, madalas hindi kita natatawagan. Saan ka ba nagsusuot? Hindi kita matsempuhan sa apartment palaging walang tao." "Kailangan kong kumita ng pera kaya madalas na hindi mo ako maaabutan sa bahay." Halatang iwas sa pagsagot si Cassandra kaya tuluyan na siyang hindi nagtanong. Ilang minuto ang nakalipas at nakuha nilang makakakin sa isang karinderya. Mas lalong nanibago si Colin dahil palaging tulala at napakalalim lagi ng iniisip ni Cassandra. "Friend, kung kailangan mo ng kausap. Nandito lang ako ha?" Tumango si Cassandra at ngumiti kay Colin. Hindi maiwasan na sumagi sa isip ni Cassandra ang narinig niya sa loob ng kwarto ni Vito. "Sino kaya ang gusto niyang ipapatay at patayin? Legal ba ito o illegal na pamamaraan? Kilalang-kilala ko na ba si Vito?" Tanong niya sa sarili Kalaunan, natapos ang walong oras na internship ni Colin at Cassandra. Nagkakayayaan ang iba pang empleyado na magkaroon ng beer party. "Dr. Floyd! Sumama ka na!" Aya ng Head Nurse. "Sino ba ang mga kasama?" "Lahat ng intern at kaming malamapit ng mag-out." Napatingin si Cassandra kay Colin dahil ayaw naman niyang sumama. "Uuwi na ako, kayo na lang muna," tugon ni Cassandra at kinuha ang kanyang bag. "Ihahatid na lang kita sa inyo, Cassandra. Welcome party na rin ito para sa akin," wika ni Dr. Floyd. "Hindi ako pwede, I still have a job. Mauna na ako," wika ng dalaga at humalik sa pisngi ni Colin bago tuluyang lumabas ng ospital Patingin-tingin si Cassandra sa kanyang cellphone magmula pa kanina, wala siyang mapala ni isang reply kay Vito. Sa pagdating niya ng bahay, nagulat ang dalaga na bukas ang doorknob. Sa pagbubukas nito, halos atakihin siya sa puso nang makita ang nagkalat niyang gamit. Hindi lang ang apartment niya ang ninakawan dahil nakita rin niya ang ilang kwarto ng kanyang kapitbahay na bukas. Napaatras si Cassandra at dali-daling nanghingi ng tulong. Pumukaw ang paghingi niya ng tulong sa atensyon ni Tristan. Tumawag ito ng Pulis pagkatapos ay tinawagan ang kanyang Boss. "Boss?" "Yes? I am quite busy. What do you want?" "Mukhang ninakawan po ang apartment na tinutuluyan ni Ms. Cordova." "What?! Where's she?!" "Nasa labas po kasama ang mga kadarating lang na kapitbahay niya." Hindi na sumagot si Vito at nagmadaling tumakbo papunta sa kanyang sasakyan. Siguradong alam niyang ninenerbyos na si Cassandra sa sobrang takot. A few minutes later, parang snatcher na hinatak ni Vito ang braso ni Cassandra. "Vito!" "Are you okay? Nasaktan ka ba?" Umiling ang dalaga. "Ninakaw ang mga pagkain ko. Nilimas lahat, nakakainis," nagkakamot ng ulo si Cassandra. Napangiti si Vito at ginulo ang buhok ni Cassandra. "How about valuable things?" "Wala naman, as per my neighbors mga damit at pagkain ang ninakaw. Nandito naman ang phone at necklace ko," ipinakita ni Cassandra ang leeg kung saan nakasuot pa rin ang regalo ni Vito sa kanya. Agad yumuko ang binata at humalik sa kanyang leeg. "Let's go home." "Sa bahay mo?" "Of course." Sa pagsakay ni Cassandra, muli niyang tinitigan si Vito. "Nagseselos ka ba kanina?" "Ha? Selos?" "Oo, kasi galit ka. Iniwan mo pa ako." "Hindi ha? Tumawag lang sa opisina." "Weh? Nagseselos ka kaya!" "Hindi ako seloso. 'Di hamak mas gwapo ako sa Doctor na iyon. Sumobra lang sa glutathione kaya pumuti ng ilang porsyento sa akin. Kapag iyon nangitim, baka mas gwapo pa ang paa ko." Tumawa si Cassandra at inangat ang sarili upang mahalikan si Vito. "Thank you, Vito." "For what?" "For everything." Vito felt shy kaya hindi rin ito makatingin kay Cassandra. Sa ilang minutong pagmamaneho ni Vito, he decided to go to Baguio. Noon niya pa pangarap na pumunta rito pero hindi niya magawa. Since he was a kid, ito ang palagi niyang tinuturo sa kanyang Ina. Pero magmula nang namatay ito, tuluyan na niyang kinalimutan ang lugar na pinapangarap. "Cassy? Wake up." "Hmm," pagmulat ng mga mata. Napabalikwas si Cassandra nang makita ang mapunong lugar. "Where are we?" "Baguio." "What? So it means kanina pa ako tulog?" "Yes, let's go?" "Wala akong baon na damit and pocket money." "I am here." "Palagi na lang ba akong libre? Nakakahiya naman. Hindi naman kita jinowa para ilibre ako lagi." The word 'jowa' made Vito laugh out loud. Ito ang tawa na makatotohanan at ngayon lang muli niya ito naramdaman. "Mas gwapo kang nakangiti. I love you, Vito." Ang ngiti sa labi ng binata ay unting-unti nawala. Nagtaka si Cassandra dahil walang tugon si Vito. "Halika ka na," walang gana na sinabi ni Cassandra. Tinalikuran niya ang nobyo at naunang naglakad. "Hindi man lang nag I love you too," bulong ni Cassandra sa padabog na naglalakad. "I love you, Cassandra." Tumigil ang mundo ni Cassandra nang marinig niya ang baritono nitong boses. Kinagat niya ang ibabang labi at unti-unting ngumiti. "Come here," muling nagsalita si Vito. Humarap si Cassandra at pilit kinukurot ang balat niya sa likuran upang pigilan ang kilig. "Cassy, come here," pag-ulit niya at itinaas ang dalawang kamay. Agad tumakbo si Cassandra at hinagkan si Vito. "Sorry, I am not that sweet. Hindi cheesy, hindi rin sobrang masalita." "Tara na? Baka kasi langgamin tayo?" Aya ni Cassandra habang abot langit ang ngiti. Sabay naglakad habang magkahawak kamay ang dalawa. Cassandra is enjoying the weather in Baguio. Ginawin ang dalaga pero dahil sa maiinit na kamay ni Vito, nawawala ang lamig sa kanyang katawan. Nakuhang mapagod ni Cassandra kaya napagdesisyonan nilang umupo sa karinderya tapat ng Burnham Park. "I'll order food, d'yan ka lang," wika ni Vito pagkatapos ay hinubad ang suot na coat at pinatong kay Cassandra. Tumango lang ang dalaga at nagsimulang titigan ang mga bata na naglalaro. "I never experienced this kind of happiness when I was kid. Puro maagang paglako ng candy, sigarilyo at pagmamaltrato ang inabot ko. Gutom ang aabutin kung hindi ako kikilos para makakain. I've had a traumatic experience with my Father. At pakiramdam ko, ito pa rin ang bangungot ko hanggang ngayon. If will be given the chance to have a baby, mamahalin ko ito ng buo at hindi ko itutulad ang mga naranasan ko noon sa kanya. And it will be more nice kung si Vito ang magiging Ama," bulong ni Cassandra sa sarili habang tulala sa mga bata. "What do you want?" biglang tanong ni Vito habang bitbit ang toyomansi at toyomansi with labuyo. "A baby boy," wala sa wisyong sagot ni Cassandra. Pinigilan ni Vito na maubo. "Wala sa options iyon, I only have toyomansi with labuyo and without labuyo." Bigla naman napatingin si Cassandra at pilit na kinondisyon ang sarili. "Anything, okay ako." "What's on her mind? Gusto na niya bang magkaanak kami? I can give her a baby, pero wala pa sa hulog. Gusto ko na munang natupad niya ang pangarap," he whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD