CHAPTER 13
Hanggang sa pagpasok ng kwarto, tahimik lamang si Cassandra. Hiyang-hiya pa rin siya sa sinagot kay Vito kanina.
"Pwedeng matulog muna tayo? Pagkatapos doon tayo maglibot sa night market?" wika ni Vito at nahiga sa kama.
"Yeah, sure. Inaantok din ako."
Sa paghiga ni Cassandra, tumagilid lamang siya ng pwesto. She's expecting that Vito would hug her from the back. Pero hindi ito nangyari. Naramdaman niyang kumilos ang binata pero hindi pa rin siya hinagkan. Until she felt something on her nape. Isang mainit na halik sa batok ang iniwan ni Vito. Naririnig niya ang paghinga nito hanggang sa ang braso nito ay pumatong na sa baywang niya
"Nangingilabot ako," reklamo niya dahil paulit-ulit na inamoy ni Vito ang leeg niya
"Paksiw."
"I washed my body before going to bed, excuse you," asar na sinabi ni Cassandra. Akmang kakawala ang dalaga pero hinatak siya ni Vito palapit. She felt it, the bulge part that touches her butt.
"Cassandra, huwag kang manyakis. Hindi ibig sabihin na gusto ko nang baby boy ay gagawin na namin ito ngayon!" Bulong ng dalaga sa sarili. Pinagsisigawan niya ito sa kanyang isip hanggang sa manlambot nang tuluyan ang binti niya.
Muli niyang naramdaman ang mainit nitong palad na lumislis sa kanyang blusa. He's massaging her breast down to her core.
"Vito, we are both tired. Huwag na muna."
"I want you now."
Tila nahumaling si Vito kay Cassandra. Gustong-gusto niyang iparamdam kay Cassandra ang init. Pagkatapos ng anim na taon, ngayon lamang niya ulit ito naramdaman sa isang babae. Ni minsan magmula nawala sa piling niya si Marissa, hindi na siya umibig at tumikhim ng ibang babae. Si Cassandra lang ang nagpabuhay sa puso niya.
Vito successfully removed her pants, naramdaman na lang niya ang banayad nitong galaw papasok sa kanya.
"Ooh, my-ugh. Vito!"
Napakapit na lang si Cassandra sa naglalakihan nitong braso hanggang sa maabot niya ang mayabong nitong buhok at sinabunutan.
"Scream if you want to."
Pilit man pnipigilan but Vito wants to hear her lovely voice while screaming his name.
"Ahh! Don Vito–oh."
She's soaking wet down there. Ilang beses niyang narating ang sukdulan at ang malamig na klima ay naging kabaligtaran. Pinagpapawisan si Cassandra sa sobrang init ng mga pabigla at pabaon na pagbayo ng binata sa kanya.
"Cassy, come with me."
"Y-yes, go deeper!"
Hindi nagtagal at tuluyang bumigay ang katawan ni Cassandra. Pareho silang naghahabol ng hininga habang ang pawis sa sentido ay tumulo sa pisngi.
"Let's sleep," aya ni Vito.
"Malagkit," bumangon si Cassandra at dinampot ang damit. Mabilis siyang nagkulong sa banyo at tinago ang labis na kilig.
"Sana palagi tayong masaya. Sana huwag ka nang madestino sa malayong lugar. You give me hope to live."
******
Tindig pa lamang at pawang katatakutan na ng lahat ang pagpasok niya sa loob ng isang madilim na silid. Nakapalibot ang iba't ibang kalalakihan na may hawak na kutsilyo at mga baril.
"Boss is back!" Sigaw ng mga kalalakihan.
Nagkasiyahan ang lahat. Bumukas ang puting ilaw at natagpuan ng mga kalalakihan ang sandamakmak na pagkain.
"Enjoy! Kumain kayo at magpakabusog. Marami-rami tayong papatayin," utos niya.
"I am back for you El Asesino Mafia Lord. 'Di kalaunan at makikilala rin kita. 'Di kalaunan at tatapusin ko na ang buhay mo nang tigilan mo na ang mga transaksyon ko."
Dumating sa Pilipinas ang isang cargo vessel at lulan nito ang iba't ibang klase ng baril. Lahat ito ay hindi rehistrado at gawa sa ibang bansa para gamitin ng mga terorista. Hindi magpapahuli ang ilang gramo ng shabu, cocaine at party drugs na kanilang ibebenta.
"Handa na ba ang buyer sa party drugs?" Tanong ng Big Boss habang nakaupo sa lamesa at nangunguyakoy.
"Yes, Big Boss. Maraming mga mall concerts at bagong bukas na bar ang pwedeng pagbentahan ng mga droga. Mukhang hinihintay na ito ng mga kabataan."
"Good job. Balitaan mo ako kung kinakailangan pa natin dagdagan, so that we could provide enough drugs for them."
"Yes, Big Boss!"
Halakhak ng demonyo ang kanilang narinig habang nakatitig sa kanila ang Big Boss. They continued to eat at halos ng mga kalalakihan dito ay wala na sa tamang pag-iisip dahil sa droga.
GABING-GABI nang lumabas si Vito at Cassandra papunta sa night market, nang biglang marinig ng binata ang tawag mula sa kabilang linya.
Bahagyang lumayo si Vito at hinayaan na mamili si Cassandra. "Chino, anong balita?"
"Sir, I have bad news. The leader of Black Umbrella Organization is finally back. Hindi ko alam kung paano ito nangyari. Tristan and his group found out that the illegal cargo vessel successfully entered the country! DOC (Department of Customs) didn't know about this! Malakas ang kutob namin na inside job na naman ito o may nagmamando para makapasok ang ilegal na kargamento."
"Hangga't wala kami ni Cassandra. Hanapin niyo kung sino ang tao sa likod ng pangyayaring ito sa DOC. I will finish his or her life."
Mula sa hindi kalayuan na pwesto, kitang-kita ni Cassandra ang nag-uumapaw na galit ni Vito. Namumula ang mukha nito at nagtatagis ang mga panga.
"Vito, are you okay?"
"Yeah."
"Sino ang tumawag at bakit ka nagagalit?"
"Wala naman. Stress lang sa trabaho."
"We can go home if they need you at work."
"No. Mamili ka nang gusto mo," tugon ni Vito at naunang naglakad.
Hindi naman nakakibo si Cassandra at pinagmasdan lang ang kilos ni Vito hanggang sa lumapit na siya sa nobyo.
"Pinagkakatiwalaan mo ba ako?"
"Ano bang tanong iyan?" Bakas sa tono ni Vito ang pagka-iritable.
"Bakit hindi mo sabihin sa akin ang problema mo?"
"'Di mo kailangan problemahin ang problema ko."
"We are couple pero sinosolo mo pa rin."
"Respect my decision. Problemahin mo ang iyong pag-aaral. Shall we go now?"
Hindi na lang sumagot si Cassandra at iniwan si Vito. Bumuntong-hininga na lang si Vito dahil ayaw naman niyang magtalo sila ni Cassandra. Lalong ayaw niyang may malaman ni isang porsyento ng ideya si Cassandra sa El Asesino Mafia. Alam niyang ilegal pa rin ang pagpaslang nang walang due process mula sa batas ng bansa. Pero dahil mabagal ang proseso para sa katarungan ng mahihirap, ito ang itinuloy niyang kapalaran.
Sa pagdating nila sa hotel, tahimik lang na nagpahinga si Vito. Pinalipas ni Cassandra ang ilang minuto bago tuluyang lumabas ng mag-isa. She felt sad while walking alone. Hindi niya maintindihan ang kanyang papel sa buhay ni Vito.
"Our relationship is secret, pati ba naman sa problema sikreto? Alam kong alam niya lahat ang tungkol sa akin. He's bright, at hindi maloloko ng basta."
Sa paglabas ni Cassandra ng hotel. Diniretso niya ang kahabaan ng Harrison Road. She bought bibingka, dahil 'ber' months na, ito lang ang paborito niyang kinakain. She's enjoying the dancing lights in the streets, dagdag pa ang lamig ng klima. Napadaan ang dalaga sa isang printing shop at naisipan na ipa-print ang kinunan niyang mukha ni Vito.
"Magkano po?"
"Tatlong piso lang."
Pagkatapos nito, agad inilagay ng dalaga ng mukha ni Vito at pinitik. "Sungit! Para kang nasa menopausal stage!"
MULA sa loob ng hotel room, biglang gumalaw si Vito upang kapain kung katabi niya ba si Cassandra.
"Cassy?" banggit niya at bumangon para hanapin ang nobya. Wala ito sa comfort room at sa terrace ng kwarto. "Damn, where is she?"
Napalabas bigla si Vito at tinatawagan ang numero ni Cassandra ngunit walang sumasagot. Mas lalong kinabahan si Vito.
Until he reached Harrison Road. Nagkakasiyahan ang mga turista sa paligid kahit alas dies pasado na ng gabi. Hanggang sa nakita niya si Cassandra na namimili ng camouflage jacket.
"Ate, magkano ito?"
"Eight hundred po."
"Limang daan mo na lang, bibilhin ko na."
"Lugi naman po ako sa tawad mo, ma'am."
"Six hundred, pwede? Ireregalo ko lang sa asawa ko. Paborito kasi niya ang ganitong disenyo isa pa at mukha kasing action star," wika ni Cassandra.
Dinig ito ni Vito at hindi niya naiwasan na ngumiti habang nagmamasid sa kilos ng nobya.
"Sige na nga, Ma'am."
"Hay salamat ate!" Masaya niyang sagot at tuwang-tuwa na tinitigan ni Cassandra ang jacket.
Muling naglibot si Cassandra at kung ano-ano pa ang pagkain na kanyang binili.
"She loves eating pero hindi tumataba. Saan ba napupunta ang nutrisyon ng kinakain niya? Sa noo, pisngi, pwet o boobs?" Malokong pag-iisip ni Vito.
Kalaunan, habang nakasunod si Vito kay Cassandra napansin niya ang isang binata na sumusunod dito. Maagap at agad hinatak ni Vito ang kamay nito.
"What do you want?" Pananakot niya.
"Nalaglag po ang wallet niya," pinakita nito ang pitaka ni Cassandra. Ngumisi lang si Vito at kinuha ito pagkatapos ay inabutan niya ng isang libo ang binata.
"Go home totoy, mahahamugan ka na," he said.
Sa patuloy na paglalakad ni Vito binuksan niya ang pitaka ni Cassandra at laking gulat niyang nandito ang kanyang mukha. It was his picture while sleeping. Natigilan siya sa paglalakad at
kinalkal pa ang pitaka nito. Nakita niyang barya na lang ang laman nito. Hanggang sa dumukot ang binata sa kanyang pitaka at inilipat ang pera kay Cassandra. Muli siyang naglakad at nilapitan na si Cassandra.
"Vito? Kanina ka pa nand'yan?!" Gulat na tanong ni Cassandra pagkatapos ay tinago niya ang biniling jacket
"Ngayon lang. Bakit iniwan mo ako?"
"Nagutom ako."
Naupo si Vito sa tabi ni Cassandra at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. "I am sorry for not telling you everything about me. I have dangerous business at work. Rule number one, ayokong madamay ang personal na buhay ko nang dahil sa trabaho. Rule number two, ayokong masaktan ka. I hope you understand. Kung tinatago man natin ang relasyon na ito. It's because of your safety. Hindi ako 24/7 na nakabantay sa'yo. Pwede akong i-destino sa malayong lugar. Hindi sapat ang mga gwardya ko para bantayan ka. Kaya sana huwag mong ikatampo kung ayaw kong magsabi sa mga ginagawa ko."
Para bang nakikinig ng musika si Cassandra habang tutok sa boses ni Vito. Napakalaki ng boses nito, buong-buo pero napakalambing.
"Naiintindihan ko na. Pasensya na kasi nag-aalala lang ako sa'yo."
"You will understand me once you enter the DLPA. Kung hindi man ako makabalik ng buhay, always remember how much I care for you."
Napatingin na lang si Cassandra at unti-unting hinarap ang kaliwang kamay.
"Gift ko sa'yo. Sorry, hindi branded at mamahalin tulad ng mga suot mo."
Umawang ang magagandang pares ng ngipin ni Vito habang tinititigan ang binigay ni Cassandra.
"Thank you. Hindi naman kailangan ng mamahalin. Tsaka hindi mo na rin kailangan na bilhan ako ng gamit. Just be healthy and finish your studies."
Hinagkan ni Cassandra si Vito kaya nakakuha ito ng tsempo upang hawakan ang puwitan ng nobya at sinuksok ang wallet.
"Bakit hinawakan mo ang puwit ko?!"
"Malaki kasi."
"Manyakis!"