CHAPTER 15
Sa pagbabalik nila sa Manila, hinatid lamang ni Vito si Cassandra sa apartment nito. Pagliko ni Vito ng sasakyan, agad niyang pinaharurot ang pagmamaneho upang mapuntahan si Chino at Tristan.
Few moments later, pinagbuksan ng naglalakihan gate si Vito at bumaba ng sasakyan. Sinalubong siya nila Chino at Tristan.
"How's Colin?" bungad ni Vito.
"Dinala ko po siya sa hotel at doon na iniwan," tugon ni Vito.
"Do you like her?"
"Ha? Hindi po Boss!"
Pigil na pigil ang tawa ni Tristan habang nakatitig kay Vito. Ilang sandali ay hindi rin napigilan ni Vito na humagalpak sa sobrang pagtawa.
"Are you a gay, Chino?" tanong ni Vito habang nagtatawanan sila ni Tristan.
"No, sir. Hindi ko lang po tipo ang babaeng mabisyo," seryosong sinagot ni Chino at natigilan naman sa pagtawa si Vito.
"Good. Both of you can have a girlfriend, baka kayong dalawa ang magkatuluyan ni Tristan kung 'di kayo iibig."
"Yuck naman boss," angal ni Tristan habang nakangiti.
"So tell me, what's the good and bad news?"
"Bad news, the Black Umbrella Organization came back with the newest Mafia Lord, Sir. Ayon sa mga kasamahan namin na tutok sa kanila, sila ang nasa likod ng Party Drugs sa October Music Festival. Good news is, nabantayan maigi ng mga Pulisya ang paligid kaya nalimas at nahuli ang mga kabataan na nagpupuslit ng droga. Plus, the Black Umbrella Organization was the talk of the town. Muling umilalim at hindi hinalungkat ng media ang El Asesino Mafia, good thing dahil nakialam si General Jacob sa mga PND at PPD. If not, I guess El Asesino Mafia ang ituturo," wika ni Chino.
"Good job. How about your news Tristan?"
"We have the same news sir. Pero base sa mga research ko at imbestigasyon, hindi lang sa senate ang lider. Marami po sila including Department of Customs, Philippine Police Department at Philippine Narcotics Department. Itong tatlong departamento ang mismong tinututukan namin. Hindi ko pa po alam kung sino ang miyembero ng Black Umbrella Organization. Marami-rami po ang anay sa gobyerno."
"Tristan found it, sir. And I have documents for you," tugon naman ni Chino.
Alam ni Vito ang titig ni Chino sa kanya at sinenyasan na lang niya ito na pumasok sa kanyang opisina.
"Sir, these are all the answers."
Sa pagbubukas ni Vito sa dokumento. Halos mabali niya ang hawak na lapis habang binabasa ang mga pinaggagawa ni Mark.
"Nilaro nga ako ni Mark," seryoso niyang sinabi.
"Sir, these are the complete details I've got. Before he died. Kapalit ng isang milyon droga, nakipag sanib pwersa siya sa small time human trafficking syndicate. Siya rin ang dahilan sa pagpapadala ng mga litrato ni Mrs. Valen—"
"Not my wife anymore. Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ko sa kanya."
"Sorry sir. Wala pong alam si Mark sa pagkamatay ni Marissa. Alam lang niya na si Marissa ang isa sa mga kahinaan mo kaya dinamay din niya si Cassandra. Wala siyang pinagsabihan na ikaw ang lider ng El Asesino. Mabuti at naagapan natin na hulihin siya dahil nakatakdang makipagkita si Mark sa lider ng human trafficking syndicate upang ikanta kung sino ka. It was a clear sabotage and Mark had the intention of having his own Mafia group in the Philippines."
"Tell me, Chino. Ginutom ko ba kayo para lokohin ako?"
"Hindi po. You gave us light and hope in order to live."
"Alam mong hindi lang si Mark ang nagtaksil sa akin. I have many friends who betrayed me front and back. And I don't understand why? Lahat binibigay ko, I even gave them a house and lot. But in the end, people don't have a contentment in life," he uttered with a sad tone of voice.
"We are still here to serve. Kung si Mark po ay hindi niya iyon nagawa. Nandito kami ni Tristan at nirerespeto lahat-lahat ng pagmamalasakit mo sa amin. Me and Tristan guarded you, pero heto at binigyan mo kami ng mga tao para na rin sa seguridad
naming dalawa. You aren't just a brother to us, but a Foster Father to us," naging emosyonal si Chino dahil hindi niya pa rin alam kung paano babawi sa lahat ng ginawa ni Vito sa kanya.
He had a violent and traumatic experience back when he was still a child.
"Kung mamatay man ako sa giyera o kahit anong labanan. You and Tristan will manage my organization. Alam kong pangangalagaan niyo ito... you may leave. I need to rest for a while," malungkot na sinabi ni Vito.
Sa paglabas ni Chino, pabugang hininga ang kanyang inilabas. Alam niyang kahit saan parte tingnan ang organisasyon nila ay lumalabas pa rin ilegal sa mata ng batas kahit ipinaglalaban nila ang hustisya para sa nga mahihirap.
Chino is just twenty years old at si Tristan na kasing edad ni Cassandra. Bata kung malalaman ang kanilang personal na pagkatao, pero sa tindig ng dalawang ito, mukha na silang nasa edarang treinta. Dahil sa hirap ng buhay maagang namulat ang dalawang binata at pinagtagpo ng tadhana nang kupkupin sila ni Vito.
Lahat ng tao sa El Asesino Mafia ay nasa murang edad lamang at iilan lang ang mga mas tatanda kay Vito.
Mula sa loob ng opisina, nakahalera ang apat na litrong alak sa harapan ni Vito. Tila nagpapakalugmok sa lungkot ang binata habang iniisip kung saan ba siya nagkulang sa mga taong pinagtaksilan siya.
"I am sorry, Dad. Hindi ko gustong mawala ang ala-ala ng warehouse natin kung saan tayo nagsimula. Kung saan nagsimula ang buhay natin. Kung saan natin nahawakan ang hustisya sa pagkamatay ni Mama. Patawarin mo ako, Dad. Hindi pa ako
ganoon katigas at may mga tao pa rin na nagpapalambot sa puso ko. Paano maging katulad mo? Paano maging pusong bato? My conscience is still bugging me. Paulit-ulit, gabi-gabi akong kinakatok ng nakaraan at pilit hinahanatak ang mga paa upang mabaon sa hukay. All I want is justice for everybody. The justice we never had in the Law of this country. Bakit hanggang ngayon pinapatay pa rin ako ng konsensya sa pagkamatay ni Marissa? Bakit parang ako pa ang may kasalanan? Bakit ako pa ang mali? Or is it because I have hopes that we should have a family? And now, bakit may iisang babae pagkatapos ng anim na taon ang tuluyang kong pinapasok sa puso ko? I want her, I need her, and I know that I love her more than my f*****g wife. Pero bakit natatakot ako? Natatakot ako na ako mismong ang maging dahilan ng pagkamatay niya!"
Napatayo si Chino at Tristan mula sa labas ng opisina ni Vito. Dinig nila ang pagbabasag nito at ilang sigaw sa loob.
Nagkatinginan ang dalawa at agad nag-iwas tingin si Chino.
"Baka anong gawin ni Boss. Nakakatakot pa man din siya kapag nagagalit. Baka agad niyang patayin ang mga nahuli nating pusher," pag-aalala ni Tristan.
Halos mapaatras si Tristan at Chino nang biglang sinipa ni Vito ang pintuan bitbit ang silencer gun. Duguan pa ang kamay ni Vito dahil sa ilang bubog na tumusok sa kanyang kamay.
"Boss!" Tawag ni Tristan.
"Huwag kang lalapit kung ayaw mong sumabog ang ulo mo!" Sigaw ni Vito at napasinghap sa takot si Tristan.
Tila bumaba ang dugo ni Chino sa sobrang nerbyos nang sundan nila si Vito at binuksan ang pintuan lulan ng mga preso na kanilang dinala rito.
"Pakawalan mo kami!"
"Wala kang mapapala! Nabentahan lang ako ng shabu!"
"Ako rin naman! Maawa ka na, boss!"
"Putang ina mo, pakawalan mo kami g duwag k—"
Hindi pinatapos ni Vito ang pagsasalita ng isang preso nang putukan niya ang sentido nito. Nagsigawan lalo ang mga preso sa loob ng rehas. Pilit nagsiatrasan pero isa-isang pinaputukan ni Vito ang mga napagtripan niyang patayin.
Hindi makakaila na kahit sobra-sobra na ang tama ng alak kay Vito ay diretso pa rin ang pagkakabaril niya. Asintado at napanganga na lamang si Tristan sa kanya.
Nang magsawa si Vito sa kinseng preso na pinatay niya, humarap siya sa dalawang alalay. Muling napasinghap si Tristan at nanginginig ang kalamnan sa mga titig ni Vito.
"Hayaan niyong katabi nilang matulog ang bangkay," utos ni Vito at pagewang-gewang na lumabas ng warehouse pagkatapos ay sumakay sa isa pang sasakyan.
Kinabahan si Tristan at Chino dahil baka bumunggo ang kanilang amo.
"Susundan ko si Sir, Chino! Baka ano pa ang mangyari sa kanya. Magpapa-escort ako sa iba pang kasamahan."
"Sure! Ako na ang bahala sa mga ito."
Sa treinta minutos na pagmamaneho ni Vito. Tristan secured the place. Tumigil sila sa apartment kung saan nakatira si Cassandra. They even turned off the lights nang hindi makita ng kung sino si Vito.
"I am okay, leave me," utos ni Vito dahil alam niyang nakasunod si Tristan sa kanya upang alalayan.
"Take care, boss."
"You too."
Sa pag-akyat ni Vito, agad niyang kilampag ang pintuan ni Cassandra. Mula naman sa loob ng apartment. Napabalikwas si Cassandra dahil sa sobrang takot.
"Cassy..."
Napatingin na lang si Cassandra sa orasan at nakitang alas tres pasado na ng madaling araw. Hindi na siya nagdalawang isip na buksan ang pintuan dahil sa boses ni Vito.
"Oh my gosh, Vito!" Bulalas niya at sinalo ang napakatangkad niyang nobyo.
Agad sinara ni Cassandra ang pintuan, kamuntik na rin silang masubsob.
"Cassy... my little lamb."
"Ano ba ang nangyayari sa iyo? Bakit duguan ang kamay mo?" Pagpa-panic ni Cassandra at agad kinuha ang first kid upang magamot si Vito.
"Umh..." ungol ni Vito nang hugutin ni Cassandra ang nag-iisang bubog na naiwan sa palad nito. She even put some agua oxinada to clean his wound.
"Cassy," banggit nito at hinawakan ang pisngi niya. Pilit na ngumiti si Vito habang si Cassandra na bahagyang umatras dahil nabahiran ng dugo ang maputi niyang pisngi. "Do you really love me?"
"Of course! Akin na at gagamutin kita ulit! Saan ka ba galing? Nag bar ka ba? Bakit lasing na lasing ka? Nakipag-away ka ba?!"
Hindi kumibo si Vito at lumaylay na lang ang ulo nito. Agad tinapos ni Cassandra ang paglalagay ng gamot at benda sa sugat nito. Kahit labag sa kalooban ni Cassandra na hubaran si Vito ay ginawa niyo ito. Hingal na hingal siya sa pag-alis ng mabigat nitong jacket pati na ang combat shoes.
Kinagat niya ang ibabang labi bago tuluyan alisin ang sinturon ni Vito at alisin ang pantalon.
"Sorry na, hindi naman kita mamanyakin."
Sa pagtanggal ni Cassandra sa maruming damit ni Vito. Hinayaan na lang niya itong topless habang suot ang boxer shorts. Pilit niyang tinulak si Vito upang umusog sa gitna ng semi-double sized bed niya. Tumayo ang dalaga at kumuha ng bimpo upang kuskosin pa ang ilang dumi sa mukha nito. Papunta sa tainga at dumako sa leeg ang basang bimpo.
"Every scar in your body has a deep meaning. The guns of pain in facing the sad reality, we don't have peace and unity in our country. That you need to risk your life just to fight for our rights. Ang hirap ng iyong trabaho, Vito. Ang dami mong sugat, pero sa ilang buwan na nakasama kita. Hindi kita nakita o narinig na nagreklamo. I wanna feel you more, I wanna know you more. Alam k—"
Natigilan sa pagsasalita si Cassandra nang biglang hawakan ni Vito nang napakahigpit ang kanyang kamay.
"Ah, nasasaktan ako."
"Issa..."
"Ha? Isa? Nagbibilang ka ba?" nagtatakang tanong ng dalaga
Hindi muling kumibo si Vito at nakita na lang ni Cassandra na lumuha ang mga mata nito. Hindi siya nagkakamali na umiiyak si Vito habang tulog.
"W–why? W–hy d—"
"Ha? Ano?"
Mas lalong na alarma si Cassandra dahil humikbi ng tuluyan ang nobyo habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.
"Don Vito, you are having a nightmare."
Pilit man niyang tapikin ang mukha nito ngunit mas mahigpit na ang hawak ni Vito. Nakita na lang ni Cassandra na mas umagos ang dugo sa kamay ni Vito. Tila napipiga ang sugat niya dahil sa pwersa nito.
"Vito, gumising ka."
Hinatak siya ni Vito at napahiga si Cassandra sa dibdib. Lumuluha pa rin ang mga mata nito habang magkasalubong ang mga kilay.
"I love you, but why?" huling salita na lumabas sa bibig ni Vito bago tuluyang lumuwang ang pagkakahawak niya sa kamay ng dalaga.
"Para sa akin ba ang huling mga sinabi mo? O para sa taong nauna sa akin?" bigla na lang nakaramdam ng kirot sa puso si Cassandra at humiga na lang sa tabi ni Vito. Tinalikuran niya ito at hindi maiwasan na umiyak. "Bakit ako nasasaktan? Hindi ko maintindihan? Mahal mo ba talaga ako o pinakikisamahan lang dahil naawa ka sa akin?"
Pagtapak ng alas siyete ng umaga, maagang bumangon si Cassandra upang ipagluto si Vito. Magdamag siyang binagabag ng mga salitang sinabi ni Vito. Agad siyang naligo upang maagang makapasok sa internship.
"Aalis na ako... mahal kita, Don Vito," she kissed him and left.
Nanatiling nagmamanman si Tristan kay Vito sa labas at hindi nagkakamali si Tristan na makita si Cassandra na umiiyak habang naglalakad.
"Ano kaya ang nangyari? Pinagbuhatan ba siya ng kamay ni Boss Vito?"
Carmelite Hospital.
Dukmo ang ulo ni Cassandra sa lounge dahil sa sobrang antok.
"Cassy? Are you okay?" tanong ni Colin dahil narinig niya singhot nito.
"Ah, sinisipon."
"Weh? Bakit namamaga ang mata mo? Umamin ka nga sa akin tungkol kay Vito?"
"Hindi naman tungkol sa kanya. Binabangungot lang kasi ako, kaya naiiyak na lang ako dahil 'di ako nakatulog ng payapa."
"Oh... nga pala, kinuha ni Doc Floyd ang number mo."
"Bakit daw?"
"Mukhang interesado iyon sa'yo. Lagi kang tinatanong. Akala mo naman hindi niya alam ang schedule mo rito."
"Eh, hindi naman siguro."
"Sus! Alam mo Cassandra Cordova. Maganda ka at matalino, sadyang tatanga-tanga lang madalas. Medyo lalampa-lampa rin, tapos pinapangarap mong maging sundalo?"
"Hindi imposible iyon dahil gagawin ko iyon after I graduate. Papasok ako sa training."
"Ay weh? Balitaan mo ako kapag nagsitigasan na ang buto mo."
Natawa na lang si Cassandra at pilit nilibang ang sarili para lamang malimutan ang mga katanungan na umiikot sa kanyang ulo.