CHAPTER 16

2092 Words
CHAPTER 16 Tanghali na nang magising si Vito dahil sa tawag ni Chino. Napansin din niyang na sa apartment siya ni Cassandra at may benda ang mga kamay. As he stood up, he also checked the bathroom if Cassandra was around. "Cassy?" Sa katatawag niya kay Cassandra, napatingin na lang siya sa lamesa. Nag-iwan ng pagkain at papel si Cassandra. 'Good morning. Kumain ka nang maigi bago pumasok sa trabaho.' Ngumiti na lang si Vito at binalot ang pagkain na niluto ni Cassandra. Agad siyang lumabas ng apartment pagkatapos magdamit. Hanggang sa pag-uwi ni Vito sa kanyang bahay, dito niya kinain ang niluto ni Cassandra. Dahil sa walang naalala si Vito sa pangyayari, muli niyang ni-rewind ang recorded video mula sa surveillance kagabi. Ngiting-ngiti si Vito nang makita niya kung paano siya alagaan ni Cassandra. Tuwang-tuwa rin siya na pati pag-alis ng damit ay ginawa ni Cassandra. Hanggang sa nagtaka na lang siya sa inasal niya. He paused the video for a while and put on his earplugs. Napakagat labi si Vito nang marinig ang bulong niya. Hindi siya nagkakamali na may sinabi siya sa unang parte. Asar siya sa sarili dahil hindi niya marinig ng maayos ang sinabi na naging rason ng pag-iyak ni Cassandra. Pinanood niya pa lahat-lahat at nakita niyang hindi natulog si Cassandra. Magdamag lamang itong nakatitig sa kanya. Mabilis na tumakbo si Vito papasok sa kanyang banyo upang maligo. Gusto niyang bumawi para kay Cassandra kaya inayos niya ang sarili at sa paglabas ng bahay pumunta siya ng flower shop. Pagtigil ng sasakyan ni Vito, "Psst, bata! Ipadala mo nga ito sa loob. Pagbalik mo rito may pera ka. Sabihin mo para kay Cassandra galing kay Mr. Pogi," ani ni Vito at sumunod naman ito. Sa pagtakbo ng bata papasok sa emergency room, nakasalubong nito si Dr. Floyd. "Para kanino iyan bata?" "Kay Cassandra raw po, galing kay Mr. Pogi." "Sige, iaabot ko na lang." Tumango naman ang bata at tumakbo pabalik kay Vito. "Ano, kumusta? Kinuha ba niya?" "Nakasalubong ko po ang isang Doctor, medyo mayabong po ng konti ang buhok tapos matangkad." Asar na dinampot ni Vito ang sumbrero at inabutan ng isang libro ang bata. "Umuwi ka na, huwag kang magsugal kung ayaw mong 'di na tumubo ang ngipin mo," pananakot ni Vito at tumakbo na lang ang bata. Sa paglalakad ni Vito, binaba niya ng konti ang sumbrero pagkatapos ay nilibot niya ang mga mata upang hanapin si Cassandra. Mula sa paglabas ni Cassandra dahil nanggaling siya sa locker room, nakasalubong niya si Dr. Floyd at inabot ang bulaklak sa kanya. Nagtinginan ang mga ibang nurses at nagkaroon ng bulung-bulungan sa paligid. "Hmm, ay thank you, Doc." "Not from me, but someone gave this to you. From Mr. Pogi sabi ng paslit na may bitbit niyan." Agad lumingon si Cassandra sa paligid hanggang sa mamataan niya si Vito na nakapamulsa at masama ang tingin sa kanya. Nagmadali si Cassandra na lapitan si Vito pero napakabilis ng paglalakad nito kaya nakaabot siya hanggang sa labas ng ospital maabutan lamang niya ang nobyo. "Vi—sungit!" Sigaw ni Cassandra at natigilan si Vito nang makaharap na niya ang sasakyan. "Did you expect the roses came from that bastard? Ang laki ng ngiti mo, abot langit." "Hindi, ano ka ba naman? Bakit 'di ka nagsasabi na pupunta ka. Nabigla ako." "Nabigla really? Bakit may tinatago ka ba para mabigla?" Napalunok si Cassandra at hindi napigilan ang inis, "Pinaghihinalaan mo ba ako? Nagtatrabaho ako ng maayos dito, Vito." "Really? Ang saya mo nga, pati mga bulung-bulungan ng mga kapwa mo nurses ay pinagtatambal kayong dalawa ng jologs mong Doctor. Dahil sa walang sapat na tulog si Cassandra, hinampas niya sa braso ni Vito ang bulaklak. "What?! Kung ayaw mo, itapon mo!" Singhal ni Vito at pulang-pula ang mukha sa sobrang galit. "Sinabi ko bang ayaw ko? Ano ba ang problema mo at bakit ka nagagalit sa akin? Nagalit ba ako nang ibang babae ang binanggit mong pangalan kagabi? Hindi diba? Kaya huwag mo akong pagbintangan na may ginagawang mali kung ikaw naman mismo ang bumabanggit ng ibang pangalan kapag natutulog!" Galit na sinabi ni Cassandra at binato sa dibdib ni Vito ang bulaklak. "Wala akong sinasabi," pagsisinungaling niya. "Talaga? Sinong Issa? Number one mo? I just realized that Issa was a woman's name. Kung naawa ka lang sa akin kaya pinakikisamahan mo ako, lumayo ka na lang," biglang lumuha si Cassandra at pinunasan niya ito kaagad. "Hindi iyong panakip butas la—" Natigilan si Cassandra sa pagsasalita nang sunggaban siya ng halik ni Vito. A deep and hot kiss that could make her knees melt. Bigla kumawala si Vito at pinunasan ang mukha niya. "Issa was my my Mom's name, pagseselosan mo ba ang Nanay ko?" Pagdadahilan ni Vito upang hindi magalit si Cassandra. "Mama mo?" Tila nahiya si Cassandra at bahagyang lumayo. "Yes, she's my mom. I am sorry about last night. Marami lang problema kaya ganoon na lang ako at nagpakalasing." "Talaga ba?" pagkumpirma ni Cassandra at tiningnan si Vito. "Yes, mukha ba akong sinungaling?" tugon nito. Kinagat ni Cassandra ang ibabang labi habang nakatingin kay Vito. "She looks hot. Bakit ba iba ang dating ng babaeng ito sa akin. Kayang-kaya niyang buhayin ang dugo ko," bulong ni Vito. "Kumusta ang kamay mo? Kinain mo ba ang niluto ko?" "I am fine and kinain ko naman." "Masarap ba?" "Yes, like you. Sweet na medyo maalat." Hinampas ni Cassandra ang dibdib ni Vito dahil siya ang nahiya sa sinabi nito. "Biro lang naman, nagagalit ka agad... by the way, hindi kita masusundo mamaya. Marami kaming trabahong tatapusin." "O-okay. Pero pupuntahan mo ba ako sa apartment?" "Let me try. Umuwi ka agad, bawal ang matigas na ulo, understand?" "Baka sumama ako kay Colin." "No." "Why? Kasama ko naman siya." "Just go home before eight. Alam mong delikado pauwi." Tumango na lang si Cassandra, "Bye, ingat ka," saad ng dalaga at itinaas ang kaliwang kamay upang simbolo ng pagpapaalam. "Hep?" pigil ni Vito. Nagtataka si Cassandra at hindi agad nakuha ang ibig sabihin ni Vito. Hanggang sa tinuro ni Vito ang pisngi kaya tumingkayad si Cassandra para humalik. "Okay, full battery na naman ako. I'll go now, I love you." Sa paghalik ni Vito sa kanyang noo pabalik, sumakay na ito sa sasakyan at tuluyang umalis. Cassandra felt happy at halos sumabog ang mukha sa sobrang kilig. Hanggang sa pagpasok ng emergency room, hindi mawala-wala sa pisngi niya ang labis na pamumula. "Aba, blooming ka sis?" Tanong ni Colin at hinampas ang puwitan ni Cassandra. "Ha? Hindi naman. "Kanino galing ang flowers ha? Umamin ka!" "Ha? Ano?" "Huwag kang mag taingang kawali! Kanino nga galing?" "Kay Vito." Bumilog ang mata ni Colin at tinakpan ang mukha gamit ang dalawang palad. Pigil na pigil ang tili nito habang nagpapadyak sa tuwa. "Huy, ano ka ba naman? Mas kinikilig ka pa sa akin?" "Syempre! Pagkatapos ng ilang taon mong paghihirap sa buhay, ngayon ka lang nagka-time umibig!" "Tone down your voice! Baka akala kung ano ang pinag-uusapan natin!" "Cassandra Valentin na ba? Balitaan mo ako kapag na first blood ka ha?" Kurot lamang ang naging tugon niya kay Colin dahil wala itong alam tungkol sa naranasan niya sa sariling ama. "Oo nga pala, Cassandra?" "Ano iyon?" "Naalala mo pa ba noong tinawagan kita tapos ang sabi ko manunuod kami ng October Music Festival?" "Yes?" "Cassandra may lalaki akong nakilala." "Colin! Huwag mo sabihin na nakipag-one night stand ka?!" "Hindi! Pero gusto ko, kasi type ko siya! Ang bango pa!" "Kahit kailan at napaka liberated mo! Baka gusto mong masabunutan sa Mama mo kapag 'di ka nagtino?" "Cassy, ang bango niya. Tapos nakapa ko may muscle kaso 'di naman ako ginalaw! Nakakainis!" Hindi nakapagpigil si Cassandra at kinurot sa tagiliran si Colin. "Malandi ka, tusukin kaya kita ng injection?" "Sus! If I know, baka nga nagtusukan na kayo ni Vito? Umamin ka?!" Namilog ang nga mata ni Cassandra dahil sa labis na kahihiyan kaya umiwas siya sa kaibigan ngunit patuloy siyang iniinis hanggang sa magsawa na ito. "Cassy?" tawag ni Dr. Floyd. "Yes , Doc?" "Are you free tonight?" "Ah, eh. Aalis po kami ni Colin." "The Lightbulb Bar?" "Wala po siyang sinabi? Sabi niya lang po live band." "Ah, good. Oo nga pala... these are your patients to be monitored," ani ng Doctor at tinapik ang balikat niya. As Cassandra opened her locker, nagulat na lang siyang napakaraming pagkain sa loob. Everything was from Dr. Buenaventura. Napangiti na lang ang dalaga dahil maraming tao ang nagmamalasakit sa kanya. ***** Sa pagdating ni Vito sa DLPA, sinalubong siya ni General Jacob upang ibalita ang ilan pagkakawala ng mga batang paslit sa kalsada. "Vito," bungad nito. "Yes, Gen?" "Mas lalong naging laganap ang mga pagkuha ng mga bata sa kalsada. Siguradong mas marami ang batang sindikato sa darating na panahon," wika ni General Jacob habang naglalakad papunta sa opisina. Sa kanilang pagpasok, naabutan nilang dalawa si Police Chief Officer Dion Perez at mula sa Philippine Narcotics Department na si General Director Rustan Purisima pati na si Lieutenant General Carlo Alvaro. Agad nakipagkamay sila Vito at General Jacob. Habang nasa kalagitnaan ng pagpaplano ang mga kataastaasan sa iba't ibang departamento, pailalim na nag-iiwan ng mensahe si Vito kay Chino pati na kay Tristan. He can't stop smiling while reading the facts. "Pinaplano pa lang ng mga ito, kumikilos na ang mga tao ko," he whispered and smirked. Magandang balita ito kay Vito dahil dalawang beses na niyang naudlot ang transaksyon ng Black Umbrella Organization. From the party drugs at sa sapilitang pag-kidnapped sa mga batang paslit. Chino even sent an information to the Philippine Police Department regarding the syndicate. Pinahuli rin niya sa mga tao ang naglilider-lideran sa grupo upang mapagsalita. "Vito, what can you say about the plan?" Tanong ng General Director of PND na si Rustan Purisima. "Nakaantabay naman kaming DLPA. Just in case that this syndicate is related to terrorism in Mindanao, hindi kami magdadalawang isip na tumulong." "We have the same thoughts. But for now, kailangan natin mahanap ang warehouse kung saan nila tinatapon ang mga bata. Hindi lang iyon, pati na kung saan nila tinuturuan ng ilegal ang mga bata," tugon ni Lieutenant Carlo Alvaro ng DLPA. Tinapos ni Vito ang usapin tungkol dito at tuluyan ng nagpalit ng sasakyan upang mapuntahan ang El Asesino Mafia. Nagkalat muli ang mga dugo sa dinadaanan niya. "Bakit ang kalat?" tanong ni Vito kay Tristan. "Boss, nanlaban po ang isa sa mga miyembro ng small time syndicate." "Bakit ka nandito? I told you to report but you need to secure Cassandra?" "Eh boss, tinawagan ako ni Chino." "You go to Cassandra now. Make sure na uuwi siya ng eight in the evening." "Copy,boss." Sa pagpasok ni Vito sa kaloob-looban ng warehouse. Nasisigawan ang mga presong bagong dakip, samantala ang mga noon pa na bilanggo ay tahimik lamang dahil ayaw na nilang mabaril. "Boss, ito ang pasimuno ng riot dito," wika ni Chino at basta na lang sinipa ang isang lalaki. Nasubsob ito sa semento na puno ng dugo. "Hi? Welcome to the jungle!" Bati ni Vito at bahagyang lumapit. Hindi halos akalain ni Vito na susugurin siya nito at may nakatagong lanseta sa kamay. Vito got a small knife scar on his cheek. "Tang ina mo ha!" Sigaw ni Chino at binatukan ang lalaki gamit ang revolver gun. "Psst, don't," suway ni Vito at tiningnan ang nanlilisik na mga mata ng preso. Sinensyasan ni Vito ang dalawang galamay at pinaupo ito sa bakal na upuan. Iniikutan siya ni Vito hanggang sa tinapyas nito ang tainga ng preso. Umalingawngaw ang sigaw nito dahil sa sobrang sakit. Vito can't stop laughing at hindi nakuntento at inalis ang kabila. "Tell me, who is your boss?!" "Hindi ako magsasalita!" Isang tanggi ay pinutulan ni Vito ng kaliwang hintuturo ang lalaki. Mas lalo itong sumigaw at umiyak sa sobrang sakit ng dinaranas. "Gusto mo bang maubos ang daliri mo? Come on, magsalita ka at bubuhayin kita." "Hindi—ah!" Sigaw nito dahil pinutol ni Vito ang dalawa pang daliri na parang naghiwa ng patatas. "Oo na! Magsasalita na ako! Tama na! Maawa ka... si Big Boss ang dahilan ng lahat! Ang Black Umbrella lahat ang may pakana rito! Napag-utusan lang ako na maging lider! Maawa ka, huwag mo akong putulan ng mga daliri!" Tumayo si Vito at tinusok ang palad ng lalaki gamit ang kutsilyo. "We'll see if you are telling the truth... igapos niyo iyan ng patiwarik," he commanded at naglakad si Vito papasok sa kanyang opisina. "Makikilala rin kita kung sino ka talaga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD