CHAPTER 20
"It's nice to see you, Lieutenant Alvaro."
Isang mahigpit na yakap ang sumalubong kay Mr. Alvaro mula sa malapit niyang kaibigan.
"It has been a while, Tobias. Kumusta ka na?"
"Heto at patuloy pa rin ang transaksyon at pagsisiyasat kung sino ang lider ng El Asesino. Do you have any updates about the Mafia Boss?"
Umiling si Mr. Alvaro at nilapag ang baril sa lamesa pagkatapos ay itinaas ang dalawang paa.
"I've been searching for him. Hindi ko alam kung sino ang kalaban natin kung si General Jacob, Major Vito o ang iba pang lider, dumagdag pa ang El Asesino. Malinis kung kumilos ang Boss nito dahil ni isang bahid ng ebidensya ay wala kang makita. Even the warehouse, ni-raid ito ng PND kasama ang PPD. But everything was clear! Halatang matalino ang lider nito."
"Matalino dahil nasa loob ito ng gobyerno? I have high hopes that the leader of El Asesino is one of your comrades, Alvaro. Unless the President and Vice President are in favor of El Asesino. Ang daming mga ilegal na transaksyon sa bansa pero palaging Black Umbrella ang tinitira nila!"
"Don't worry. Kausap ko ang tao natin sa Customs. Handa siyang tumulong na ipasok ang mga kargamento nang hindi humaharang ang Pulisya at El Asesino."
"I'm gonna kill that city hunter. Limang milyong piso ang droga ang kinakailangan na dumating sa bansa. Papatayin na ako nila Mr. Lee kung hindi pa matupad ang pinag-usapan!"
"Yes. This is our business, kaya walang pwedeng makialam."
NAG-IINIT ang mga mata ni Vito nang mabasa ang hidden conversation ng isang DOC employee at ng isa sa mga tauhan ng Black Umbrella. Vito has the access to DOC system. Gamit ang IP address ng internet connection ng departamento, ang lahat ng konektado sa wifi o ano man internet access ay kanyang nababasa. Even a private message or zip file.
Walang makakaloko kay Vito pagdating sa teknolohiya. That's why his father helped him to finish Computer Science. Bata pa lamang si Vito, siya na ang utak ng kanyang ama pagdating sa ganitong bagay. Kaya naman dahil sa galing ni Vito, maaga siyang nabigyan ng ranggo sa DLPA.
Tila wala sa tamang timpla si Vito kaya pati ang mga katulong ay kanyang napag-iinitan. As he stood up, sumilip siya sa bintana at natanaw si Cassandra na palakad-lakad sa hardin.
"She looks fascinating and breathtaking. When I'm with her, she could heal the thousands of wounds in my soul. Her pouty red lips like a rose. Sweet scent like candy and her lovely eyes that could make me go crazy every time she's looking at me. I ain't perfect, but she's perfectly perfect for me. You are the bullet for my valentine, Cassandra."
Habang nakapamulsa si Vito at nakatanaw sa gandang taglay ni Cassandra, napansin ito ng dalaga pero inirapan lang niya
si Vito.
"Stubborn," bulong ni Vito at tumalikod upang puntahan si Cassandra.
Papalapit nang papalapit ang binata hanggang sa pumitas siya ng bulaklak.
"Cassy."
"Yes?"
Hindi sumagot si Vito at inilagay sa tainga niya ang kapirasong yellow bell. Napangiti na lang si Cassandra at alam niyang namumutok na ang mapula niyang pisngi.
"I'm sorry kung madalas akong galit. I have lots of responsibilities to face. But because of your presence, I feel fine," wika nito at tinalikod si Cassandra upang mahagkan niya ito patalikod.
Sinandal ni Cassandra ang ulo sa dibdib ni Vito habang nararamdaman ang palad nito na nakahawak sa sinapupunan niya.
"I want to marry you after you graduate. I want to give everything to you. From my name and my whole being."
"Gaano mo ba ako kamahal?"
"Since the first time I saw you crying in pain. Hindi naman masusukat ang pagmamahal ko sa'yo. With just one click, you captured my heart."
"Will you still love me tomorrow?"
"Everyday, Cassandra. Tatanggapin mo ba ako ng buo kahit sino pa ako?"
Kunot noo si Cassandra na humarap kay Vito.
"Sino ka nga ba bukod sa nakilala kong Boss Don Vito at Major General Valentin?"
Yumuko si Vito at hinawakan ang bullet necklace na kanyang binigay kay Cassandra.
"I am the person you could trust when no one believes in you. I can risk my life for you to be safe," yumuko si Vito at hinawakan ang magkabila niyang pisngi upang halikan. "I love you, Cassy. If killing is the only way to protect you, I will do everything for you."
"Vito! Don Vito!"
Natigilan ang dalawa at napaharap kay Manang Tunying dahil sa walang humpay na pagsigaw nito.
"What happened?"
"Pinasabog ang DLPA office ngayon lang! Maraming nasugatan at namatay! Malala rin ang lagay ni General Jacob!"
Napatingin si Cassandra kay Vito at pinigilan ang kanyang kamay.
"Vito, huwag kang aalis. Please, I am scared."
"Cassy, this is a call of duty."
"Vito, no. Dito ka lang, huwag mo akong iiwan," biglang umiyak si Cassandra at ayaw bitawan ang laylayan ng damit ni Vito pagkatapos siyang iwasan ni Vito.
"Cassandra, once you entered DLPA, ang isang paa mo ay nasa hukay para sa kapakanan ng buong bansa. It's my responsibility to protect our country and for everyone's safety."
"Sasama ako!"
"Cassy, please lang."
"No! I will go with you!"
Tumingin si Manang Tunying sa mga mata ni Vito na huwag isama si Cassandra.
"You stay here," seryosong utos no Vito kay Cassandra.
Walang nagawa si Cassandra kundi sumunod. Umiyak na lamang siya sa sobrang kaba para kay Vito.
"Manang, paano kung may mangyaring masama kay Vito?"
"Hija, hindi mangyayari iyon. Huwag kang mag-isip ng ganyan. Just pray for his safety. Isa pa't kilala ko si Vito. He was born to hold guns."
Hindi pa rin kontento si Cassandra sa mga payahag ni Manang Tunying. Nanatili siyang naghahanap ng paraan upang tumakas hanggang sa marating niya ang kwarto ni Vito. Pinakialaman niya ang gamit nito at nakita ang isang baril.
"His silencer," bulong niya at tinago ito sa kanyang sling bag.
Sa paglabas ni Cassandra naabutan niya na naglilinis ng sasakyan ang isang gwardya ni Vito. Walang pagdadalawang isip at tinutukan ito ni Cassandra.
"Drive me to Vito!"
"Ma'am, nakikiusap ako. Bawal po."
"Babarilin kita! Kumilos ka ngayon din!"
Natakot ang matandang gwardya pagkatapos ay sumakay sa sasakyan. Hindi pa rin binitawan ni Cassandra ang baril na nakatutok sa ulo nito.
MULA sa pagbaba ng sasakyan, kaliwa't kanan ang civilian guards ni Vito. Nagmamasid sa paligid at sinisigurado na walang pwedeng manakit sa kanya.
Kitang-kita ni Vito ang malaking sunog sa gusali.
"Major General Vito! General Jacob is in the hospital!" Saad ng mga sundalo na lumapit sa kanya
"We are glad na wala ka. Nagsimula lahat sa comfort room malapit sa iyong opisina ang pagsabog."
Hindi nakakibo si Vito at kumilos lamang ito upang makinig sa imbestigasyon hanggang sa kalaunan ay tumawag si Chino.
"Boss! The main reason was you. Ikaw ang target ng kalaban."
"Putang ina at hanapin mo ang tarantadong gumawa nito sa akin!"
Halos namula na ang mukha ni Vito sa sobrang galit. Iniisip niya kung sino ang taong gumawa nito sa kanya.
"You can't beat me. Hindi mo alam kung ano ang kapasidad ko. I'll make sure that I will cut your body into pieces kapag nagpahuli ka sa akin," bulong niya
Sa ilang minuto na pagbibiyahe ni Cassandra narating niya ang komosyon na nagaganap. Nakaharang ang mga tao sa paligid at mga pulis na sinarado ang kalsada.
Sa patuloy na pagmamasid ni Cassandra, hindi niya halos akalain na makita ang isang kulay pulang ilaw sa itaas ng mayabong na puno. Hindi siya nagkakamali at sinundan ang tutok na lacer sa batok ni Vito.
Napatakbo si Cassandra at hindi alam kung paano reresponde sa kanyang nakita until she hid herself inside the car at walang pakundangan na pinutukan ang lalaki sa puno.
Sa dalawang beses na pagputok ng baril, bumagsak ang lalaki mula sa puno. Mas lalong nagkagulo nang magpaputok ang lalaking punong-puno ng baril sa katawan.
Napadapa sa kalsada si Vito at pinalibutan siya ng mga kasamahang sundalo.
Lumaban pa ang sniper sa mga Pulis hanggang sa tinutukan ni Chino ng baril ang gunman gamit ang unregistered gun. He shoot him dead at bumulagta na lang ito sa kalsada.
Sa pagtatapos ng pagbaril ni Chino agad niyang kinuha ang cellphone upang tawagan si Vito.
"What?!" Sigaw ni Vito
"Ms. Cordova saved you."
"What? Where is she?"
"Iuuwi ko na po siya sa bahay niyo. Tristan killed the witnesses."
Sa pagbaba ng linya ni Chino, pinuntahan niya ang sasakyan kung nasaan si Cassandra. Akmang sisigaw ang dalaga ngunit tinakpan ni Chino ang bibig nito ng panyo.
"Mmh!" Sigaw niya ngunit 'di kalaunan ay tuluyan ng nanlambot ang buong katawan ni Cassandra at nakatulog sa bisig ni Chino.
"Sir, Chino patawad po."
"Drive now! Hindi na ligtas dito!"
Hinubad ni Vito ang suot na earplugs at inilagay sa loob ng kanyang bulsa. Hindi nakapagtiis ang binata na sumakay sa sasakyan upang mapuntahan si Cassandra. Habang nasa kalagitnaan ng pagmamaneho si Vito, nabigla na lang siya dahil sa tawag ni Tristan.
"Boss!"
"What?"
"DLPA isn't safe anymore. Isa sa mga kasama mo ang may pakana nito. I didn't recognize his body built pero may kuha ako ng ilang footage sa CCTV on how he left the bomb going to the comfort room near to your office."
Hindi pinatapos ni Vito ang pagsasalita ni Tristan at tuluyang pinatakbo ng napaka bilis ang sasakyan.
Pagdating ni Chino sa bahay ni Vito, binuhat na lamang niya si Cassandra dahil wala pa rin itong malay. Kinuha rin niya ang baril na ginamit at tinago sa kanyang likuran. Hindi mapalagay si Chino sa kanyang paglabas ng kwarto. This gun is registered to Vito. Isang pagkakamali lang at mabubutasan ang kanyang boss.
"Damn, silencer ito ni Boss sa DLPA? This is a one of a kind gun na rehistrado under his name. Ang alam ng lahat na kasama nila si Vito. And how could it be possible na isa siya sa bumaril kung napapalibutan siya ng mga sundalong witnesses?" bulong ni Chino sa sarili habang kinakabahan sa nangyari.
"Where is Cassandra?!" Tila dumagundong ang boses ni Vito at natakot ang kanyang mga empleyado dahil sa pa-bagsak nitong pagtabig sa pintuan.
"She's sleeping, Sir," salubong ni Chino.
"Is she hurt? Bruises, wounds or anything?" tanong ni Vito at pumasok sa loob ng kwarto.
"She's fine. Wala naman nanakit sa kanya. But Sir, Ms. Cordova used your silencer gun. Inunahan niya akong barilin ang sniper. She saved you, Sir."
Napatingin si Vito sa inabot ni Chino. Napalunok ang binata at tiningnan si Cassandra. Lalong hindi niya maiwasan na magtaka kay Cassandra. Tinuruan lang niya ito ng minsan, pero parang alam na alam na nito ang paggamit ng baril.
"Huwag mong pabayaan na makahanap sila ng ebidensya, Chino."
"Yes, Boss. I'll go now."
Nang maiwan sa loob ng kwarto si Vito kasama si Cassandra, hinawakan niya ang kamay nito at paulit-ulit na hinalikan.
"Thank God you're safe. Thank you for saving my life, Cassy," naramdaman na lang ni Vito ang mainit na luha na umaagos sa kanyang pisngi. Hindi niya napigilan na umiyak. He cried again because of pain and out of fear.
"Hindi ka pwedeng mawala sa akin, hindi ko hahayaan na maskatan ka nila. Mahal na mahal kita, Cassandra."