CHAPTER 21
Sa pagmulat ng mga mata ni Cassandra, nararamdaman pa rin niya ang epekto ng gamot na pinasinghot sa kanya. Napansin na lang ni Cassandra na ibang damit ang kanyang suot. Bumangon si Cassandra at inalis ang kumot ni Vito. Agad nahuli ng mga mata niya ang nobyo na nasa labas ng terrace. Naka pajama at hubad ang pang-itaas nito.
"Vito!" Tawag niya at hinagkan ito mula sa likuran. Kumawala si Vito sa kanya at mahigpit na niyakap pabalik si Cassandra. Paulit-ulit niyang hinalikan ang noo nito.
"Vito, ano na ang nangyari? Vito natakot ako, may nagpatulog sa akin."
"Cassandra, parang awa mo na at huwag ka nang magpupumilit na sumunod sa akin. Hindi ko kayang mawala ka. Napaka delikado ng trabaho ko, lalo na kapag nadamay ka. What you've done is a crime. Maaari ka nilang baliktarin kahit na tama ang ginawa mo. Hindi ka dapat basta-bastang nagpaputok ng baril. Paano kung kung hindi mo siya tinamaan? Paano kung gumanti siya at kayo ang binaril? Mawawala ka sa akin, at ayokong mangyari iyon. Ayokong mawalan pa ng mahal sa buhay dahil lang sa pinaglalaban ko. Makinig ka sa akin, alam ko kung ano ang makakabuti sa'yo."
Hindi nakasagot si Cassandra habang nakatitig sa mga mata ni Vito. Lumuluha ito at ngayon lang niya ito nakitang umiyak ng gising at harapan.
"I'm sorry dahil hindi ako nakinig. Natatakot ako, ayoko lang din naman na walang ginagawa at naghihintay lang dito. Huwag ka nang umiyak," tugon ni Cassandra at mahigpit na hinawakan ang braso ng nobyo. Para itong bata na iniwan ng Ina habang nakayakap at humihikbi kay Cassandra. "Tahan na, Vito "
"Dito ka lang palagi, okay? No one can hurt you. Papatayin ko ang mananakit sa'yo. And I don't f*****g care if it is legal or not."
Mas lalong tumalbog ang puso ni Cassandra sa mga binitiwan salita ni Vito. "Alam kong may mas hihigit pang rason kung bakit ganito ka. Gusto kong malaman lahat, Vito. Magpapakatatag ako nang hindi ako maging pabigat sa'yo," she whispered."
Maraming tinatagong sikreto si Vito kasama si Chino, habang si Tristan na paunti-unting nadiskubre ang mga bagay-bagay tungkol sa kanilang Boss. He even wants to protect El Asesino Mafia dahil sa baho ng mga Politiko at iba pang mga empleyado ng gobyerno na lumalabag sa batas. Kung kaya't pati sasakyan na ginagamit ay papalit-palit din ang binata.
"Vito, saan ka pupunta?" paghabol ni Cassandra dahil mukhang aalis na naman ito. Alas dies pasado na ng gabi at bitbit pa ni Vito ang kanyang baril pati na ang laptop.
"Work, matulog ka na."
"Sama na ako."
"Ang tigas talaga ng ulo mo, you stay here."
"Hindi rin ako makakatulog kung hindi kita katabi. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko dahil sa ginawa ko," giit ni Cassandra at pinakita ang mga palad kay Vito.
Hindi alam ni Vito kung ano ang magiging desisyon dahil kailangan niyang tulungan si Tristan at Chino sa pag-imbestiga bago malaman ng Forensic Ballistic kung kanino ang bullet cartridge at ginamit na pwedeng magturo sa kanya. Pero heto si Cassandra na hindi niya kayang iwanan.
"Stay please."
"I need to go for work. Please, huwag kang tatakas."
Yumuko na lang si Cassandra at hindi pinansin si Vito. Minabuting talikuran ang nobyo kesa pilitin pa itong sumang ayon sa kanyang kagustuhan.
"I'm doing this for you. Kaya sana huwag matigas ang ulo, Cassandra."
"Okay, just go."
Para bang ang bigat ng bawat pagtapak ni Vito palabas ng bahay. Alam niyang takot at may trauma pa na nararamdaman si Cassandra pagkatapos niyang bumaril sa unang beses.
"Chino, I will just work here. I can't leave her alone," giit ni Vito mula sa kabilang linya
"Much better, Sir. Mas mabuti na manatili ka na muna r'yan."
Sa pagbaba ng linya, agad lumabas si Vito at napatingin sa hardin kung saan naglalakad si Cassandra kanina. Pinagmasdan ang paligid at isang saglit ay tinawag ang mga katulong. He decided to make a surprise for Cassandra para kahit paano ay maibsan ang takot ng dalaga.
Isang oras ng tulala si Cassandra habang nakatitig sa orasan. Nagkulong lamang siya sa kwarto ni Vito habang inaamoy ang jacket nito.
"Umuwi ka na kasi! Ugh... nakakainis na!"
Bumangon ang dalaga at sinoot ang jacket ni Vito. Patuloy ang paglalakad ni Cassandra, binuksan niya ang front door at hindi siya nagkakamali na makita si Vito sa hardin. Inaayos nito ang isang lamesa na may puti at pulang tela. Isa itong midnight date. Nagmadaling bumaba si Cassandra at tumayo banda sa gitna. Pinanonood niya pa rin ang nobyo hanggang sa mapansin na siya nito.
Halatang nagulat si Vito at nahiya nang makita siya ni Cassandra. Pinunasan niya ang pawis pagkatapos ay lumapit kay Cassandra.
"Sorry, inabot na ako ng alas dos."
"Kadarating mo lang naman diba?"
Umiling si Vito, "Hindi ako umalis," tugon nito at biglang naghubad ng t-shirt sa harapan ni Cassandra.
"Vito! Aba'y bakit ka naman biglang naghuhubad. Baka malamigan ka."
"No, pinawisan na kasi."
Pinagmasdan lang ni Cassandra ang kilos ng nobyo hanggang sa dalhin siya nito sa gitna ng pergola.
There are fairy lights and yellow bells in the area. Nakadagdag pa ang paboritong kulay ni Vito, ang puti at pulang table cover.
"Niluto mo?" tanong ni Cassandra habang nakatitig sa steak.
"Oo, pero huwag mo nang kainin. Madaling araw na, baka hindi ka pa matunawan."
Tumawa naman si Cassandra at tumayo upang kumandong sa binti ni Vito.
"You are damn sweet, Mr. Valentin."
Hindi sumagot si Vito at hinawakan ang t'yan ni Cassandra.
"Gusto ko nang magkapamilya, Cassy," saad ni Vito habang hinihimas pa rin ang t'yan niya. "I want to hold onto my dreams. At ikaw ang pangarap ko dagdag pa ang anak natin. Mula sinabi mo sa akin na gusto mo ng baby boy, nagkaroon man ako ng pagdadalawang isip pero iba pa rin talaga iyong umuuwi ka at sinasalubong ang isang bata."
Biglang pumatak ang luha ni Cassandra habang nakatitig kay Vito. She feels uneasy and her conscience is bugging her. "Vito, I am not clean."
"Ha?"
"I–I was abused by my father, sexually abused. I'm sorry," tuluyang humikbi si Cassandra at yumuko.
"Ssh, there's nothing wrong with that. Hindi mo iyon kasalanan, lalong tapos na iyon. I know that you have been traumatized by him, and I will assure you that I will never hurt you."
"I love you, Vito. Ayoko ng bumalik sa buhay kasama siya."
"Yes, it will not happen again."
Lumipas ang ilang minuto ay inaya ni Vito si Cassandra na pumunta sa likuran ng bahay. Walang kamalay-malay ang dalaga na may lagusan papunta sa tree house ang lugar na ito. Full of yellow lights and trees.
"Come?" Lumuhod si Vito at tinuro ang likuran niya."
"Bakit?"
"Piggyback ride?"
Walang pagdadalawang isip at sumakay si Cassandra kay Vito. Mahigpit ang pagkakayakap niya at inamoy ang batok nito.
"Para kang aso? Baka masinghot mo na ako," pagbibiro ni Vito.
"Inaamoy ko lang kung nambabae ka!"
"K-9 dog, Cassy?"
Sa pag-akyat nila sa tree house. Tuwang-tuwa si Cassandra dahil ngayon lamang siya nakakita ng ganitong tulugan.
"Bakit may ganito ka?"
"I just like it. Let's sleep, Cassy. I am really tired, ang bigat na ng talukap ko."
At back of his mind para bang may kirot sa dibdib ni Vito. Matagal na niyang hindi binibisita ang pinagawang tree house magmula namatay si Marissa. Itong kinatitirikan ng tree house ang siyang unang bahay nila. Pero dahil sa sama ng loob ay pagbabago na ito ni Vito, i-pi-na-demolish at nagtayo ng bagong mansyon kung saan siya tumitira. Aminin man niya o hindi, ipinagawa niya ito dahil gusto niya ng magkaroon ng kumpletong pamilya noong mga panahon na iyon.
"How's your soul in hell, Marissa?"