“HINDI mo dapat basta-basta iniiwan si…ang bata sa kung kani-kanino, Caroline…” Marahas ang naging paglingon niya kay Vince. Sino ito para sabihan siya ng ganoon? Para pangaralan siya kung paano ang tama at mali pagdating sa ‘kanilang’ anak? Ano ang alam nito gayong ni hindi nga nito natatandaan kung paanong nabuo si Caloy? Bumagsak ang mga luha niya sa magkabilang pisngi. Madali niyang pinahid ang mga iyon habang nakatingin ng matiim kay Vince. “Ano ba ang pakialam mo sa aming mag-ama, Vince? At bakit ka naririto?” asik niya. Tila papanawan siya ng ulirat sa samut-saring alalahanin na may kinalaman sa kaniyang anak. Katatapos lang niyang kausapin ang doktor na tumingin dito at ayon sa mga pagsusuri ay may dengue si Caloy. “Tingnan mo nga ang ugali mo. Maysakit na ang anak mo at hindi

