Chapter 72

1014 Words

TIRIK na ang araw nang magising siya. Unang pagkakataon yatang tinanghali siya sa higaan at ang huling beses na tanda niyang nangyari iyon ay noong bagong kasal pa sila ni Caroline at magkatabing natutulog. Biglang lumipad ang tingin niya sa higaan at bahagya pa siyang nanlumo nang wala nang anumang bakas ng asawa roon. Marahil ay umuwi na ito. Tumayo na siya at naghanda na sa pagharap sa panibagong umaga. MATAPOS makapagbihis ng damit pambukid ay agad niyang tinahak ang daan papunta sa bahay ni Caroline. Masigla siyang bumati kay Lolo Vito at Nanang Simang. Wala roon ang kaniyang biyenan at marahil ay nasa bayan upang mamili. Inilibot niya ang tingin sa paligid at wala rin kahit isang palatandaang naroon pa ang asawa. “Mahal mo, ‘no?” Napatingin siya sa nagsalitang si Lolo Vito. Nakangi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD