“KUMAIN ka na muna, anak. Baka kung mapaano ka niyan.” Bahagya na lang nilingon ni Victoria ang ina. Ni hindi niya magawang alisin ang mga mata sa pagkakatingin sa walang buhay na mga labi ng tiyahin. “Bakit kailangang maagang mawala ang Tiyang? Napakabata pa niya…” Tumulo na naman ang luhang kanina pa niya pinipigilan. “Hindi natin kayang kuwestiyunin ang plano ng Diyos sa buhay natin, anak. Masakit din sa akin ang nangyari pero kahit paanom maluwag na ang kalooban ko dahil alam kong payapa na ang kapatid ko ngayon. Nasaksihan ko ang kanyang matagal na paghihirap.” “Kung hindi kaya ako umalis ng bansa, magkakaganoon kaya ang Tiyang? Baka sakaling naalagaan ko siya kung—” “Victoria, ano ba ang sinasabi mo, anak? Huwag ka ngang magsalita nang ganyan!” Niyakap siya nito ngunit lalo lang

