“HINDI ka pa ba titigil, Ikay? Bakit ba ayaw mo pang tigilan si Vince hanggang ngayon?” “May problema ba kung kausapin ko man siya? Just for old time sake…naging kaibigan ko rin naman si Vince, hindi ba?” Isang nakatutuyang ngiti ang ibinigay ni Precious. “Naging—meaning, past tense. Stop living in your past, Victoria. Hindi ka matutulungan ng habit mong iyan ngayon. Iba na si Vince. Hindi na siya ang dating Vincent na kaibigan mo. Matagal na ang panahong hindi kayo nagkita at sa tingin ko ay sapat na iyon para limutin ninyo ang isa’t-isa.” “Pero bakit? Ano ba ang problema kung—” “Umalis ka na.” Sunud-sunod ang ginawa niyang pag-iling. “Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung saan siya nakatira…” “Wala kang mapapala sa akin dahil kailanman ay hindi ko sasabihin ang gu

