Chapter 65

977 Words

NAGUGULUHAN siya. Bakit siya nakadarama ng inis sa mga ginagawa ni Vince? Kung tutuusin ay siya pa nga ang nagtulak ditong lumayo. Wala naman itong ideya kung paano nila haharapin ang buhay mag-asawa hindi ba? Pero sa kaniya nanggaling na sa papel lamang ang bisa niyon. Siya ang nagtaboy rito palayo sa kaniya at palapit naman kay Samantha, sa isang banda. Hindi siya dapat nakadarama ng paninibugho ngayon. Ang dapat ay umakto siyang gaya pa rin ng dati na tila walang anuman sa kaniya ilan mang babae ang mapaugnay dito. Pero bakit sumasakit ang loob niya sa mga nangyayari? Bakit naiiyak siya sa tuwing maiisip na sa mga sandaling heto at nasa bahay siya ay maaaring kasama ng kaniyang asawa si Samantha? “Caroline…” Napadiretso siya sa pagkakatayo sa harap ng bintana. Madali niyang pinahid n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD