NANINIBAGO talaga siya sa mga taong nasa paligid. Si Lolo Vito ay hindi siya masyadong kinausap nang makita siyang dumating. Maging si Manang Simang at Aling Celeste ay gayundin. Si Thea naman ay gaya pa rin ng dating kibuin siya dili. Marahil ay dahil iyon sa maselang paglilihi nito. Nang sabay-sabay silang kumain ng hapunan ay wala pa rin kahit isang nagbukas ng anumang usapan. Napailing siya. Nakakapanibago talaga. “May problema ba?” Nang hindi makatagal ay naitanong na niya sa harap gitna ng pagkain. Bahagya pa siyang napaubo bago sabihin iyon. Saglit na nagtinginan ang mga kasalo sa hapunan at matapos ay isa-isa ring nagbaba ng tingin sa mga pinggan nito. Maya-maya ay nagsalita si Thea. “Problema? Wala. Walang problema, hindi ba Lolo? Kayo ‘Mang, Manang, may problema po ba?” Paran

