“HINDI ko maintindihan kung bakit kailangan mong pagtiyagaan ang babaeng iyan, Vince. Narito naman ako.” “Tama ka. Hindi ko rin nga maintindihan kung bakit ayaw mo pang tigilan ang mga ginagawa mong ito, Sam!” Nag-isang linya ang kaniyang mga mata na nakatingin sa dalaga. Sumasakit na ang ulo niya rito pero talagang sadyang napakahirap nitong kausap. “Bakit mo ba ipinagduduldulan ang sarili mo sa taong ayaw naman sa’yo? Hindi ka niya mahal, Vince! At sabi mo nga ay lasing ka nang may mamagitan sa inyo, so why do you need to oblige yourself?” Halinhinan nitong hinawakan ang magkabila niyang balikat at ang kaniyang mukha. Napailing siya. “Please, Sam. Huwag mong pababain ng ganito ang sarili mo. Tapos na tayo. May asawa na ako kaya itigil mo na ang lahat ng ito.” “Hindi! Ayoko! Kahit m

