Chapter 68

1060 Words

IYON na ang huli nilang pag-uusap ni Caroline. Noong gabi ring iyon ay hindi na niya nagawang matulog kasama ito. Umuwi siya sa bahay ng ina at doon nagpalipas ng magdamag. Noong una ay nagtatampo siya kay Caroline pero sa huli ay nanaig pa rin ang damdamin niya para dito. Inasahan niyang makapag-uusap sila sa kinabukasan pero hindi na iyon nangyari pa. Wala na si Caroline nang magbalik siya roon. Hindi na natupad ang sinabi nito na Lunes lilisanin ang San Simon dahil nang makahanap ng pagkakataon ay agad na itong lumuwas ng Maynila. Samantala, taliwas sa inaasahan ay hindi naman naging malamig ang pakikitungo ni Aling Celeste at Lolo Vito sa kaniya. Ito pa nga ang humingi ng pang-unawa dahil sa ginawang paglayo ni Caroline. Masakit sa kaniyang ang nangyari pero wala siyang magawa kung hi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD