Chapter 69

1436 Words

KUNG hindi dahil sa matinding pakiusap ni Lolo Vito ay bakit ba niya pupuntahan ang bahay ni Vince? Kung maaari lang ay matapos na ang isang Linggong bakasyon niya sa San Simon upang makabalik na siya ng Maynila. Naiinip na siya kay Caloy at kung maaari lamang hatakin ang mga araw ay ginawa na niya upang makasama na ang anak. Napapadyak siya nang maramdaman ang mahahapding kagat ng langgam sa kaniyang mga binti. At lalo pa siyang nainis nang mapansin na namumula na ang mga iyon. Kung bakit kasi napakalawak naman ng San Simon ay doon pa sa pinakasulok ng baryo nagpatayo ng bahay ang mga magulang ni Vince! Kung hindi ay hindi sana siya nahihirapan ngayon. Ilang sandali pa ay narating na niya ang bahay ng mag-ina. Napatigil siya sa paglalakad nang matanaw mula sa malayo si Aling Nancy na n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD