Chapter 70

1022 Words

“O, BAKIT ganyan ka kung makatingin?” Pinigil niya ang mapangiti nang makita ang labis na pagtataka sa anyo ni Vince. “Sino ang dapat kong pasalamatan sa mga ginagawa mong ito?” “Pasalamatan? Ako lang dahil ako lang naman ang narito, hindi ba?” Saglit siyang tumawa at saka ipinagpatuloy ang pagsasalang ng sinaing sa kakalanan. “Bakit, Caroline?” Kunwa ay abalang-abala at wala siyang naririnig na ipinagpatuloy lang ang kaniyang ginagawa. Hindi niya pinansin ang tanong na iyon ni Vince dahil ang totoo ay hindi rin naman niya alam kung paano iyong sasagutin. Okay na sana kung hindi lang niya naramdaman ang mga kamay ni Vince sa kaniyang balikat. Saglit siyang napatigil sa ginagawa dahil doon. “Caroline…” “Vince, please. Hayaan mo na lang ako. Puwede namang gawin ko ang mga ito dahil l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD