“LABAG sa loob ko ang desisyong ito, Vince. Kaibigan kita kaya hindi ko nais na makulong ka sa buhay na hindi mo pinili. Pero ano ba ang laban ko sa katigasan ng ulo ni Lolo?” Napabuntong hininga siya matapos magsalita. Tinotoo ng matanda ang sinabi at sa ikatlong pagkakataon sa araw na iyon na nagmaktol ito at hindi kumain ay nagsimula na itong panakitan ng sikmura at ulo. Natakot siya at napaiyak nang kagalitan ng kaniyang ina. Nalaman pa nito ang ipinagsisintir ni Lolo Vito nang magkuwento si Manang Simang. Naidaing niya kasi rito ang kondisyon ng matanda na kakain lang kung magbabago ang pasya niya at papayag nang magpakasal kay Vincent. Dahil doon ay mabilis nitong ipinatawag si Vince nang hindi muna siya tinanong man lamang. Basta sinabi nitong pakasalan niya ang kababata at tapos

