HINDI naging madali ang lahat. Umiyak nang husto ang mamang niya nang malaman ang kaniyang sinapit ‘sa Maynila.’ Sinisi pa nga nito si Vince dahil hindi raw iyon mangyayari kung hindi ito huminto ng pag-aaral. Dapat daw ay nabantayan siya nito kung hindi ito umuwi ng San Simon. Tahimik naman si Lolo Vito at hindi kumikibo man lang. Tahimik ding lumuluha si Manang Simang habang hinahagod ang likod ng kaniyang ina. Naiyak na rin siya. Habag na habag siya rito. Tila patalim sa dibdib niya ang bawat hikbing nagmumula sa kaniyang mamang. Pero pinilit niyang kumbinsihin ang sariling panindigan ang kaniyang desisyon. Si Uly ang ama ng kaniyang dinadala at iyon ang dapat malaman ng lahat. Wala siyang pakialam kahit sabihin pa ng mga taong walang kikilalanin ang kaniyang magiging supling. Ang ma

