Chapter 60

994 Words

INIANGAT niya ang kamay upang pahirin ang luhang naglandas sa kaniyang pisngi subalit walang iyong saysay. Patuloy sa pagbaha ang mga iyon na tila may sariling isip at ayaw huminto. “Thea, tama na ‘yan. Baka kung mapaano ka pa sa ginagawa mo eh.” Hindi siya kumilos sa pagkakayupyop sa isang sulok ng sofa set. Hindi siya nahihiyang makita ni Sachi sa ganoong ayos dahil hindi niya mapigil ang emosyong lumulukob sa kaniyang buong pagkatao. Malungkot siya. Malungkot na malungkot. At nasasaktan. “Thea, please. Bakit naman kasi hindi ka pa sumamang umuwi kay Vince sa inyo?” Noon pa lang siya umunat at saka dumiretso ng upo. Inabot niya ang Kleenex tissue na nasa lamesita at muling pinahid ang mga luha sa kaniyang mukha at leeg. Sa pautal-utal na paraan ay sinagot niya ang tanong ng kaibigan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD