LIMANG araw na ibinurol si Lola Mela. Nagdatingan ang mga kapatid at malalapit na kamag-anak nito at sa buong durasyon ng mga huling araw ni Lola Mela sa mundo ay kasama niyang nagluksa si Vince. Hindi maiwasang magkailangan sila ng binata pero dahil hinihingi ng pagkakataon ay pinilit niyang gawing natural ang pakikitungo rito. Nag-uusap sila nito at sa mga pagkakataong nag-iisa siya at nalulungkot ay umaalalay naman ito. Subalit hanggang doon lang sila. Hindi nila pinag-usapan ang ‘bagay’ na naganap sa kanilang pagitan. At ni banggitin ang tree house ay hindi yata nila ngayon magawa. Tila may kung anong hatak ang lugar na iyon na ibig man nilang pag-usapan ay kapwa naman sila umiiwas. Habang inihahatid sa huling hantungan ang kaniyang Lola Mela ay nagbalik sa kaniyang alaala ang hulin

