“Caroline, tanawin mo ang nanay at kanina pa siya dumaraing na masakit ang kaniyang dibdib. Sasaglit lang ako sa bayan para puntahan si Dr. Lim.” Napaunat siya nang marinig ang tinig ng kaniyang ina. Napatingin siya sa hawak nitong malaking payong. At noon lang niya napansing malakas pala ang ulan sa labas ng bahay. Mula sa kaniyang pagkakatayo ay dapat na alam niya iyon dahil nakatunghay siya sa bukid na abot tanaw niya. Pero tila malayo ang narating ng kaniyang imahinasyon at hindi nga niya iyon napuna. “Huwag mong hihiwalayan ng tingin ang lola mo, Caroline. Saglit lang ako ha. Kung bakit kasi ngayon pa umulan eh. Hindi ko tuloy maisama ang nanay sa bayan.” Napabuntong hininga ang nanay niya matapos sabihin iyon. Tumango naman siya para iparating ditong nauunawaan niya ang sinasabi ni

