Chapter 56

1285 Words

HINDI na siya mapakali sa kinauupuan pero hindi naman niya magawang magtanong. Nakainom na si Uly at kapag ganitong may halo na ng alcohol ang isip nito ay nagiging makulit at unreasonable na ang lalaki. Naiisip niya si Vince. Tiyak na sa mga oras na iyon ay nag-aalala na ito para sa kaniya. Pupuntahan naman niya ito talaga kanina pero nang magpaalam siya kay Uly ay umalsa ang boses nito. Nabigla siya dahil sa unang pagkakataon ay nagawa nito sa kaniya ang ganoon. Pero wala na siyang panahong mag-isip dahil agad na siya nitong pinasakay sa kotse at pinasibad ang sasakyan palayo sa unibersidad. Dinatnan na nila sa bahay nito si Macia at Rina. Pero bukod sa mga ito ay wala nang ibang tao roon. Wala ang mga kagrupo nilang inaasahan niyang makakasama sa pag-eensayo. Si Luke naman daw ay maa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD