MALAYO pa ay nakita na niya agad na makakasalubong nila si Vince sa hallway ng gusaling iyon. Kasama niya at kakuwentuhan habang naglalakad ang dalawang kasama sa Dance Beat na sina Luke at Macia. May bahagyang tampo pa siya dito pero hindi naman tamang hindi niya ito pansinin ngayong makakasalubong niya ito. Kaya’t nang makalapit ay agad niyang ipinakilala ang kaibigan sa dalawa. “Guys, si Vince, kaibigan ko…. Vince, mga kasama ko sa Dance Beat, sina Luke at Macia.” Tumango si Vince at tumawa naman si Luke. “Ikaw si Vince?” tanong ni Luke na halatang hindi makapaniwala. Nang tumango ang lalaki ay nagtawa ito. “Wala naman palang rason para mag-isip ng kung ano-ano si Uly, Carol.” Napaawang ang labi niya sa pagkabigla. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ni Luke. “Bakit? Guwapo na

