Chapter 54

1015 Words

“BAKIT tahimik kang masyado? May dinaramdam ka ba?” Bahagya pang sinalat ni Carol ang leeg niya. Umiling siya at tumingin nang matiim dito. Kasalukuyan silang kumakain ni Carol sa kantina ng paaralan. Hindi ito pumayag na sa pinakamalapit na mall sila kumain dahil may practice daw ito ng sayaw sa bandang hapon. “Wala naman. Sino nga pala ang kasama mo mamaya sa practice?” “Ang buong grupo, sino pa ba?” Nakangiti ito habang sumusubo ng pagkain. “So, kasama si Uly?” Saglit na napahinto sa pagkain si Carol at sumulyap sa kaniya. “Hey! Anong klase bang tanong ‘yan? Siyempre naman ay kasama siya. Leader siya ng male group, ‘diba?” “At boyfriend mo siya.” Tumango ito nang bahagyang nakangunot ang noo. “Puwede mo bang ipangako sa akin na mag-iingat ka sa pakikitungo sa kaniya?” Bigla’y

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD