Chapter 14

2018 Words
“SINASABI ko na nga ba at ikaw ‘yan eh!” Bahagyang nagulat si Vince sa biglang pagsulpot ni Ikay mula sa kanyang likuran, gayon man ay awtomatiko siyang napangiti. “Napadaan ka?” tanong niya rito kahit pa nga ang totoo ay kanina pa siya nagbabakasakaling makita ito. “Ah, oo…nagkataon lang na napadpad din dito…eh ikaw? Ano’ng ginagawa mo rito?” Ngumiti muna siya at saka ibinalik ang tingin sa malawak na bukirin. Parang kailan lang, pero isang linggo na pala buhat nang magkakilala sila ni Ikay. Isang linggo lang pero bakit tila napakatagal na niyon para sa kanya? Halos ay hatakin na niya ang panahon para muling mag-Sabado at marating niya ang lugar na iyon kung saan niya una at huling nakita ang dalagita. “May inihatid lang ako sa isang kakilalang nakatira hindi kalayuan dito at nakita ko itong puno kaya naisipan ko nang dumaan saglit. Pauwi ka na ba niyan?” Saglit na rumehistro ang pagkalito sa ekspresyon ni Ikay pero saglit lang iyon. Agad din itong ngumiti sa kanya. “Ah, oo. May pinuntahan lang ako kaya heto…pauwi na ulit sa mansiyon.” Mansiyon…Hindi niya maunawaan ang pagsingit na iyon ng isang kakaibang damdamin sa pagkakabanggit pa lang nito ng isang simpleng salitang iyon. Pakiwari niya ay napakatayog ng kaharap. Napailing siya sa sarili…may karapatan ba siya kahit ang kausapin lang nito? “Hindi ka ba nalulula sa bahay ninyo?” Inilahad niya ang isang kamay na madali naman nitong inabot. Inalalayan niya itong maupo sa kanyang tabi. Saglit pa ay dalawa na silang nakaupo sa lilim ng mayabong na punong iyon. “Ah eh..n-noong una…pero nakasanayan ko din naman.” “Huh? Noong una?” “Ah…ang ibig kong sabihin, hindi kasi ako talaga sanay sa sobrang laking bahay. Alam mo na…sa Manila ako lumaki at hindi katulad ng bahay ni Lolo ang bahay namin doon.” Napatango siya. “Ang yaman-yaman ninyo. Dapat, mayayaman din ang mga friends mo…hindi ka dapat nakikipag-usap sa akin.” “Ano ka ba!” Napalingon siya rito nang maramdaman ang pagbundol nito sa kanyang braso. “Huwag ka ngang nagsasalita nang ganyan. Wala naman sa yaman o hirap ang pagkakaibigan, hindi ba? Dapat, kung makikipagkaibigan ka, hindi mo titingnan kung mahirap o mayaman siya, dahil hindi naman nabibili ang friendship.” Sinulyapan niya ito at bahagya niyang naaninag ang lungkot na iyon sa mga mata ng katabi. Naaliw siyang haplusin ang cute nitong ilong na mabilis namang hinawi ng dalagita. Namula agad ito sa ginawa niya. “Nakakainis ka, Vince!” anito. Tila ito inis na inis pero duda siyang iyon ang nararamdaman ni Ikay…dahil umaasa siyang pareho sila ng damdamin sa mga sandaling iyon. “Kung ikaw kaya ang pindutin ko nang mariin sa ilong!” and she did. Pinindot nga nito nang mariin ang ilong niya at saka ito tumawa nang malakas. Nang akmang gagantihan niya ito ay madali itong tumayo at saka umikot pakubli sa malaking puno. Tumayo rin siya at madali itong hinabol. “Ikaw na bata ka, napakapilya mo pala!” aniya habang sige sa paghabol dito. They were laughing at the same time. Ang tawa nito ay tila musika sa kanyang pandinig. Ah, nababaliw na ba siya? Anong klaseng damdamin ang hatid ng batang ito sa kanya at gayon na lang ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon? “Habulin mo ‘ko!” panunukso nito habang patakbo-takbo sa paligid ng puno. Nag-isip siya kung paano niya ito mahuhuli nang hindi siya nito mahahalata. Unti-unti ay nakadarama siya ng emosyong higit pa sa salitang ‘excitement.’ He was so sure it was more than that. Kung hindi, bakit ang saya-saya niya? Iyong klase ng kasiyahang malayo sa mga nararamdaman niya noon? Sobrang kakaiba na kahit mismong siya sa sarili ay hindi niya halos maipaliwanag. Nang akmang tatakbo ulit si Ikay ay binilisan niya ang kilos para makahabol dito. Nang humawak ito sa katawan ng puno ay sinamantala niya iyon. Hinawakan niya ang kamay nitong nakakapit sa puno at tama ang kutob niyang iyon ang paraan para ito mahuli. Tawa ito nang tawa sa gitna ng paghahabol nito ng hininga habang siya naman ay titig na titig sa maamo nitong mukha. “Ang daya mo!” anito habang haplos ng kaliwang kamay ang tiyan nito. “B-bakit?” wala naman sa loob niyang tanong. “Bakit mo ako hinawakan sa kamay?” Noon siya napayuko at natuklasan niyang hanggang sa mga sandaling iyon ay magkahawak-kamay pa pala sila. Bibitiwan na sana niya ito nang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. He searched for her eyes and found them teasing. Dagli siyang kinabahan sa pilyang paraan ng pagkakangiti nito. Ang paghinga niya ay saglit ding nabitin sa ere. “Sorry…” “Anong sorry-sorry? Madaya ka talaga! Kung hindi mo ako hinawakan sa kamay ay hindi mo ako mahuhuli kaya heto ang sa’yo!” Hindi agad siya nakahuma nang bigla siya nitong kilitiin sa tagiliran. Awtomatiko siyang napakislot. “Ano? Ano? Kita mo, ikaw ngayon ang talo! Ang lakas pala ng kiliti mo!” tudyo ni Ikay habang tuwang-tuwa sa ginagawa. Hawak pa rin nito ang isa niyang kamay at lalo pang hinigpitan iyon. “Sige na, ako na ang talo!” pagpapatianod niya. Nang humupa ang tawanan nila ay iginiya na niya ito pabalik sa kaninang puwesto nila habang ang isa nitong kamay ay hindi pa rin niya binibitiwan. Nang nakaupo na sila ay bahagya siyang napakislot nang bumitiw si Ikay sa kanya at ilipat nito ang isang kamay sa ibabaw ng kanyang tuhod. “Alam mo, ang bilis mong tumakbo! Naabutan mo ako agad!” Nakatawa pa rin ito at tila aliw na aliw habang siya ay naglilikot ang isip sa pagmamasid at pakikiramdam dito. Tila hindi rin nito napupuna kung nasaan ang mga kamay nito. Siya ang hindi nakatiis at muling iyon ipinaloob sa kanyang palad. “Ikay, may sasabihin sana ako sa’yo pero huwag kang magagalit ha…” He found her intently looking at him, waiting for his words. “Ano kasi…ilang taon ka na ulit?” Umirap ito. “Iyon na naman?” “Huwag mong masamain…may kailangan lang akong sabihin sa’yo…” Mataman siya nitong tiningnan. “Twelve…ano ba kasi iyon?” “Twelve ka na at malapit ka nang mag-graduate ng Elementary. Ibig sabihin, nagdadalaga ka na…” “So, ano ngayon? Ano’ng gusto mong sabihin?” “Mas maganda siguro kung unti-unti ka nang kikilos nang naaayon sa edad mo…” “Ano naman ang ibig sabihin niyon? ‘Yung habulan ba ang tinutukoy mo? Ayaw mo ng habulan?” “Hindi iyon!” agap niya rito. This time, inabot na niya at ipinaloob sa kanyang palad ang kamay nitong nakadantay sa hita niya. Ilang sandali rin niya iyong tinitigan bago muling nagpatuloy. “Ang ibig kong sabihin ay ang pagkilos mo. Ayos lang na makipaghabulan ka…sa akin…dahil friends tayo…pero hindi sa lahat ng lalaki ay puwede mong gawin iyon.” “Paano kung friends ko din sila?” Saglit siyang nalito. Hindi niya mahagilap sa isip ang mga tamang salitang dapat sabihin dito. Was she that innocent? “Nasa iyo iyon pero kung tatanuningin mo ako bilang lalaki at bilang special friend mo, hindi ko magugustuhan kung ang trato mo sa akin ay kagaya ng din ng paraan ng pagtrato mo sa iba.” Saglit na natahimik si Ikay pero makalipas ang ilang saglit ay napangiti ito. “Ang paraan ba ng pagtrato mo sa akin ay hindi rin tulad ng paraan ng pagtrato mo sa ibang babae, Vince?” “Huh?” Siya naman ang natigilan. Kagyat na pumasok sa isip niya ang mga babaeng nagpaparamdam sa kanya… “Natural…iba ka eh. You’re special, Ikay…” Saglit na nagtama ang mga paningin nila ng dalagita. Kung susuriin ang puso niya, gamit ang stethoscope, ay tiyak na mareresetahan siya ng gamot sa mga sandaling iyon. Napakabilis ng t***k ng kanyang puso. Pakiwari niya may nag-uunahang kung ano sa dibdib niya. “Talaga?” Tumango siya at saka ngumiti. “Espesyal ka sa akin kaya mahalaga para sa akin na maituro sa’yo ang mga bagay na dapat mong matutunan…” “Na hindi ako dapat nakikipaghabulan sa ibang lalaki, ganoon?” “Oo.” “Hindi rin ako dapat nakikipaghawakan ng kamay, hindi ba? Sabi iyon ni Mama eh…” Napakamot siya ng ulo. “Oo pero—” “Pero iba ka dahil special friends nga tayo…so okay lang,” mabilis nitong sabi nang akma niyang bibitiwan ang kamay nito. “Ikay…” “Alam ko naman iyon, Vince. Posibleng dose anyos pa lang ako pero hindi naman ako tanga.” “Wala akong sinasabing ganoon—” “Oo naman!” She smiled again. “Ang ibig kong sabihin ay naiintindihan ko ang ginagawa ko. Kung nag-aalala ka na baka ganito rin ako sa iba, huwag, Vince, dahil nauunawaan kong mabuti ang bagay na iyon…” Hawak pa rin nito ang isa niyang kamay habang titig na titig ito sa mga mata niya. “May mga lalaki rin akong kaibigan tulad nina Caloy, Andy at Alex…pero hindi ako ganito sa kanila. Madalas nga kasi akong pagsabihan ni Mama. Ewan ko ba…hindi ko nga maintindihan kung bakit ang lapit-lapit mo agad sa loob ko. Sorry kung iniisip mo palang—” “Wala akong ibang iniisip, Ikay…” Pinisil niya ang kamay nito. “Natutuwa akong marinig na espesyal pala talaga ako sa’yo kahit pa nga kung tutuusin ay pangalawang pagkikita pa lang natin ito. Ganoon ka rin naman sa akin…higit pa sa salitang espesyal. At kung pareho tayo ng nararamdaman, wala naman sigurong kaso kung tawagin man kita ng Special, tama?” Napatingala si Ikay sa kaniya, nakangiti ito at animo nagniningning ang mga mata. “Special? Hindi ba para sa magnobyo ang tawagang iyon?” “Depende siguro sa dahilan ng pagtatawagan. Itatawag ko iyon sa iyo, dahil espesyal ka sa akin, gayon din ang friendship natin na hindi inaasahang tumubo sa lugar na ito.” “Sa bagay. So, okay lang din na iyon ang itawag ko sa iyo, tama ba, Special?” Bumungisngis ito na tila kinikilig at bahagya siyang namula sa munting damdaming umusbong sa dibdib niya para rito. “Oo naman. Sige, ‘yan na ang tawagan natin bilang magkaibigan mula ngayon. Siya nga pala, gusto ko sanang humingi ng pabor sa’yo…” “Pabor?” Napakunot-noo ito. “Oo. Kung puwede sana, ingatan mo ang sarili mo…para…para sa…” “Para sa’yo?” Awtomatiko niyang nahaplos ang batok sa maagap na sagot ni Ikay. “Bakit hindi ka makasagot? Iingatan ko ang sarili ko para sa’yo? Iyon ba ang gusto mong sabihin?” Nang mag-iba siya ng tingin ay muli siya nitong dinunggol sa braso. “Nek-nek mo! Bakit ko naman iyon gagawin?” Tumawa ito nang tumawa. “Sinabi na rin sa’kin ‘yan ng mama ko noon. Ingatan ko daw ang sarili ko para sa kanila. Nag-iingat naman ako, ah! Sino pa ba ang mag-iisip ng sarili kong kaligtasan kundi ako, ‘di ba? So, bakit kailangang para sa kanila?! Hindi ba puwedeng para sa akin?” Pinigil niyang matawa sa sinabi nito. Akala pa naman niya ay nagkakaintindihan na silang dalawa. “Basta ingatan mo ang sarili mo…sa lahat ng aspeto--pisikal, emosyonal, as in sa lahat talaga ng aspeto, Ikay.” “Lalim naman…” reklamo nito. “Hindi ako nagbibiro,” seryoso niyang sabi. Nakipagtitigan siya sa dalagita nang sulyapan siya nito. “Iingatan ko rin naman ang sarili ko para sa’yo--sa lahat din ng aspeto…” “Talaga?” Lumuwang ang pagkakangiti nito, pagkuwa’y inilapit ang hinliliit sa kanya at saka ipiningki sa kanyang hinliliit. “Sige ba, deal, Special?” “Ano ‘yan?” kunwa’y tanong niya kahit nakukuha naman niya ang ibig nitong sabihin. “Pinky swear,” nakalabing sabi nito. Bago pa siya makahuma ay tinapik na ni Ikay ang pisngi niya at pagkuwa’y humagikgik. “Naduduwag ka, ano!” nakatawa nitong tudyo. “Game. Deal, my Special!” mabilis niyang naging tugon habang ang mga mata ay nakangiti rin dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD