Third Person Pov.
(True color)
Malalim na ang gabi sa kamaynilaan, payapang gabi ang namumutawi sa paligid. Marahan ang bawat takbo ng sasakyan sa bawat kalsada, walang ingay na nangyayari at walang gulo sa bawat kalye.
Ngunit sa isang banda ay naroon ang dalawang bulto ng babae at lalake, sa tahimik na condo ay mainit nilang pinagsasaluhan ang kapusukan na nagaganap. Walang tigil at pagod silang nagpapalitan ng halik at bawat salpok ng kanilang katawan ay nagbibigay na kakaibang ingay sa sulok ng condo na kinalalagyan nila.
"Ugh, m-make it fast..." halos mabaliw ang babae sa ginagawang galaw ng binata, sinunod nito ang gusto, naging mabilis ang galaw ng lalake hangga sa pareho silang hingalin sa pangyayaring pinagsaluhan nila.
"Your really amazing, storm.." bulong ng babae, nakapikit ang binata habang pinakikiramdaman ang sarili. "Im still amazed on you.." bigla' y naupo ang binata sa pagtangkang paghalik ng babae, gulat na naupo ang dalaga dahil sa kinilos nito.
"Are you leaving?"
"Oo.." sagot ng binata, tumayo at kinuha ang pantalon na nagkalat sa sahig.
"Dito ka na magpalipas ng gabi, storm.." malambing na ani ng dalaga, hindi umimik ang binata habang nagbibihis para sa paghandang pag-alis.
"Marami pa akong gagawin.."
"Pero..." tumayo ang dalaga, hindi nito pinansin ang kahubaran. "Ngayon ka na lang pumunta rito aalis ka na agad?"
"Binigay ko na ang gusto mo, claire.." madiing anas ni storm, binawi nito ang kamay sa dalaga at muling tumungo sa kama upang kunin ang jacket na gamit.
"O-okay, Im sorry... Kailan ka ba babalik uli?"
Nilingon siya ng binata. "Pag may kailangan ako doon ako babalik.." napabuntong hininga ang dalaga dahil sa sinabi nito. "Alam mo naman kung anong meron tayo, ibibigay ko ang gusto mo at ibibigay mo rin ang nais ko.."
"Yeah, yeah...I know,. you dont need to repeat that.." naupo ang dalaga sa gilid, inabot nito ang bag na naglalaman ng pera. "How much do you need?"
"Bente.."
"Its that enough?"
"Bakit, dadagdagan mo ba kung tataasan ko?"
Natawa ang dalaga, naiiling na kumuha ng pera at nakangiting inabot iyon sa lalake. "Here, sobra na yan, I hope you' ll be back tomorrow if you want.. but if you busy let' s move it in the other day.."
"Busy ako sa darating na linggo.." ani ng binata, kinuha nito ang pera at hindi na nag-abala pang bilangin iyon. "Aalis na ako.." aligagang tumayo ang dalaga ng magtungo sa pinto ang binata.
"Wait,.storm.."
Nilingon siya nito. "What?"
"Uhm, may itatanong lang sana ako.."
"Tungkol saan?"
"Tungkol sa babaeng lagi mong kasama..." kumunot ang noo ng binata dahil sa sinabi nito, "Girlfriend mo ba iyon?"
"Bakit alam mo ang tungkol diyan?.." nagdududa na tanong nito. "Pinapasundan mo ba ako?"
"Gusto ko lang malaman kung anong nangyayari sayo.."
"Hindi mo naman kailangan gawin iyon, claire!" madiing ani nito, galit sa kung anong ginawa ng babae. "Labas ka sa personal na buhay ko, gawin mo ang gusto mo gagawin ko ang gusto ko.."
"Gusto ko lang malaman ang pangalan niya, storm.."
"You dont need to know her, huwag na huwag mong guguluhin ang babaeng iyon.."
"Is she important to you?"
"Importante man o hindi wala ka ng pakialam.." bumuntong hininga ang babae,
"Fine, hindi ko na uulitin.." ngumiti ito. "Im looking forward for your return.." dinampian nito ng halik ang binata, ngumiti ito bago tumalikod ang lalakeng galit pa rin.
Iniisip nito na bakit kailangan pang himasukan niya ang kanyang buhay, isa lamang siya sa mga babaeng tinatrabaho niya, iyon lang. Walang halong kaibigan at ka-ibigan, kumbaga ay trabaho lamang siya.
Hinagod nito ang buhok habang naglalakad patungong elevator, nang kumalma ay kinuha nito ang cellphone upang tawagan ang kanyang kapatid.
"Liander, kumusta si pilo?" tanong nito sa ikalawang panganay, kinakamusta niya ang bunsong kapatid na nasa anim ang edad.
"Nasa atanacio ospital na kami kuya, ayaw nilang tanggapin si pilo dahil kailangan daw ng pera.." tiim bagang na lumabas si storm sa elevator, galit na galit dahil sa nalaman.
"Papunta na ako diyan, hintayin mo ako.."
Malaki ang bawat hakbang nito patungo sa kanyang mutor na naka-park sa gilid, isi-nuot nito ang helmet at mabilis na pinaandar ang mutor patungong ospital kung nasaan ang dalawa niyang kapatid.
Hindi nito mapigilang mag-alala, apat na araw ng may lagnat ang bunso nila. Panganay si storm at halos pasanin niya lahat ng kanyang kapatid, lima silang lahat, dalawang babae at tatlong lalake.
Bente tres na ito, ang kasunod niya ay disi-nuebe, kinse at sampong taon. Ang bunso ay nasa anim na taon na ngayo' y hindi alam kung ano ang kalagayan dahil sa lagnat na dinaranas.
May mga magulang nga silang masasabi ngunit hindi nila ito kasama, mahaba habang kwento kung bakit silang lima lang ang magkatuwang sa buhay.
"GANITO NA LANG BA ANG KAPATID KO!" Sinisigawan na nito ang mga stuff ng makarating sa ospital, wala ng malay ang kanyang kapatid at hindi pa rin bumaba ang kanyang lagnat. "ANONG KLASENG OSPITAL ITO, TANG*NA!!!"
"Sir, aasikasuhin rin namin siya, hinihintay lang namin ang doctor.."
"KAILAN PA SIYA DARATING! PAG MALUBHA NA ANG KAPATID KO!" Halos lumitaw na ang litid nito sa galit, hindi siya mapakalma ng kahit sinong naroon. "I-ADMIT NIYO ANG KAPATID KO AT DALHIN SA ISANG KWARTO!"
"F-fillupan niyo m-muna ito.." ani ng guard, nauutal at halatang takot sa binatang nagwawala.
"PINAGLOLOK* MO BA AKO!" Kinuha nito ang papel, Pinunit niya iyon at itinapon mismo sa paanan ng kaharap. "GAGAWIN NIYO ANG GUSTO KO O IPADEDEMANDA KO ANG OSPITAL NA ITO!"
"We will admit the patient sir.." ani ng mga nurse na naroon, sakto lamang na kakadating lang ng doctor na ngayo' y agad inasikaso ang bata.
Doon lamang kumalma ang binata ng makitang tinitingnan na ang kanyang kapatid, hindi nito maatim na nasa ganoong sitwasyon ang bunso nila, buong buhay niya ay nilalaan nito sa mga kapatid, gagawin niya ang lahat para lamang may pangtustos sa bawat pangangailangan nila.
Kahit na magpagamit pa siya sa iba ay gagawin niya, hindi iyon labag sa loob ng binata. Sa mahabang taon nitong pamumuhay ay halos ang babaeng si claire na ang nagbibigay sa sustento nito, siya rin ang dahilan kung bakit nakakapag-aral at may scholar ang binata.
Kung tutuusin ay malaki ang utang na loob nito kay claire na handang ibigay ang kanyang kagustuhan at kailangan.
***
"Kumusta na ang kapatid mo?" nasa campus na sila, alas siete ng umaga ay nakaupo sila sa dulo ng cafeteria, kung saan ang lagi nilang tambayan at pwesto.
"Kailangan na muna nitong manatili sa ospital, mababa ang platelet niya.."
"Is he had a dengue?"
"Oo.." sagot nito kay tristan, kung tutuusin ay magkaibigan na ang dalawa simula noong highschool. Ang hindi lang pinapaboran ng kaibigan ay kung anong ginagawa ni storm, hindi ito sang-ayon kung paano ito lumikha ng pera. "Tang*nang ospital na ' yon, kung hindi pa tatakutin hindi matitinag!" si storm, hindi pa rin makalimutan kung paano nila tratuhin ang kanyang kapatid.
"Dapat ay tinawagan mo ako.."
"Para saan? May sarili akong diskarte.."
"Hindi ko sinasabing wala kang diskarte, tutulungan kita sa financial at kakailangan asikasuhin.."
Bumuntong hininga ang binata, hindi ito sumagot kung ano man ang tinuran ng kaibigan.
"Pinapaalalahan lang kita storm, huwag mo ng kitain ang babaeng iyon, alam mo kung anong pamilyang meron siya.."
Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. "Maimpluwensya ang pamilya nila, ngunit wala akong nakikitang masama sa ginagawa ko.."
"Talaga lang?" natawa ng pagak si tristan. "May asawa yung tao.."
"Hiwalay sila..."
"Pero kasal siya.." sagot niya sa kaibigang masama pa rin ang timpla. "Kasal sila, storm. Alam mo ang batas.."
"Tsk, paiiralin mo na naman ang batas.." tumayo ito, masama ang loob. "Si claire ay wala lang, sasabihin ko na sayo, trabaho siya at binibigay ko lang kung anong nais nito, wag ka na sanang mangialam!" Tinalikuran na niya ang kaibigan, diretso ang lakad nito palabas ng cafeteria at hindi man lang pinansin ang mga ilang babaeng tumawag sa kanya.
Wala siya sa kundisyong makipag-usap sa mga babaeng humahanga dito.
Tahimik ang pasilyo sa patutunguhan niyang gusali, tanaw nito ang malayong dulo ng hallway kung saan naroon ang pamilyar na babae.
Nakayuko kung maglakad ang dalaga, nakatingin sa paa at malalim na ang nagagawa niyang pag-iisip. Bigla' y nag-iba ang pakiramdam ni storm, ilang araw na ng huli silang magkita, At ang huling araw na iyon ay matinding tama sa pagkatao niya, naguguluhan ito kung ano man ang pagtingin niya sa dalaga.
Hindi niya mapangalanan kung ano iyon, ngunit ang nararamdaman ng binata ay magaan. Masaya at sobrang gaan talaga kung sila' y magkasama.
"Mara..." mabilis na nag-angat ang paningin ng dalaga, ang kaninang nasa isip nito ay nasa harapan niya na ngayon. "Hindi ka sumipot noong sabado.." ani ni storm, sinabihan niya ang dalaga na pumunta sa butarol noong huling araw, ngunit hindi ito pumunta, naguguluhan rin siya sa binata kung bakit ganito ang trato niya sa kanya.
"May inasikaso lang ako.." aniya, iwas na iwas kung tumingin sa kaharap, ang nagawa nila noong huli ay sariwa pa sa alaala ng dalaga, unang pangyayari iyon sa tanang buhay niya. Maging siya ay naguguluhan rin sa sarili kung bakit bigla' y nagiging malapit na siya sa binata, alam naman nito ang pagtingin niya, ngunit hindi nito lubos maisip na magagawa niya iyon.
"Halatang importante iyon kaya hindi ka nakapunta.."
"Pasensya na kung naghintay ka.." hindi pa rin ito makatingin. "Mauuna na ako.."
"Teka lang.." pigil ng binata, ramdam nito ang pagkagitla ng babae dahil sa paghawak niya sa kamay nito. "Tungkol sa nangyari n---"
"Kalimutan muna iyon.." putol ni mara, hindi na nito nais palalimin ang nararamdaman dahil na rin sa mga naririnig nito tungkol sa lalake.
"Kalimutan?" tanong ng lalake, medyo natawa kung paano ngayon magsalita ang dalaga. "Tumugon ka sa halik ko noong gabi.."
"Alam ko.."
"Para saan iyon?"
"Hindi ba ako pweding tumugon sa halik mo?" tanong ng babae, walang halong sarkasmo at pag-iinsulto, inosente kung pakikinggan ang tinig nito. "Gaya mo ay kaya ko ring gawin iyon, ikaw. Hindi ba' t kung sino sino rin naman ang hinahalikan mo.."
"Mara.."
"What?"
"Why are you saying this?" umiling ang dalaga, nakangiti. "Your treating me cold today.."
"Hindi naman, nagmamadali lang ako at sinasagot ko lang kung anong katanungan mo..." ngumiti itong muli, "Sige na, oras na ng klase..."
Mabigat ang loob ng dalaga sa pag-gawang pagtalikod nito, hindi nito nais tratuhin ng ganoon si storm. Ngunit dahil sa mga rumors na kumakalat ay nababagabag ito na lumalim pa ang pagtingin niya sa lalake. Tama ang nakakatanda niyang kapatid, hindi ito dapat mahulog sa lalakeng babaero, at matamis kung magsalita. Siya lang naman ang masasaktan bandang huli.
"Huy, late ka ha, puyat ba ang dalaga?" mataman kung umisisa ang kaibigan niyang si beka, totoong puyat nga ito, marami siyang iniisip at isa na doon ang lalakeng kanina lang ay kaharap niya.
"Nagbasa lang ako ng notes tungkol sa topic ngayon.." tamad na sagot nito, ang paningin ay nasa labas.
"Wow, sumisipag na yata, akala ko' y reporter ang pangarap, kakarerin mo na ba ito?"
"Wala naman akong magagawa, saka na ang pangarap pag natapos ko na ito at may mapatunayan sa papa ko.." nakangiwi kung tumitig ang kaibigan, alam nito ang tungkol doon, madalas kung magkwento ang dalaga sa kanya ukol sa buhay nito.
"Grabe naman ang papa mo.."
"For my own sake daw, iyon ang laging sagot.." bumuntong hininga ito, naalala na naman kung paano kaistrikto ang ama pagdating sa pag-aaral, lalong lalo na sa lalake.
"Tch, mga magulang nga naman.." sumandal si beka, wala pa ang prof. kaya malaya sila kung magkwentuhan, "Ang tagal ng prof. ha, late din siya.." hindi sumagot ang dalaga sa malalim na iniisip, alam nitong hindi titigil ang kaibigan sa pagsasalita, sanay na sanay na ito sa ugali niya.
"Alam mo, mara. May chismiss ako.." hindi pa rin niya nililingon ang kaibigan. "Tungkol kay salazar.." dahil sa narinig ay doon na nabaling ang atensyon niya, natawa na lang ang kaibigan dahil sa pinakita nitong reaksyon.
"Ano na naman 'yan?" tanong ni mara, kunwari' y hindi interesado.
"May nilalabas daw itong babae, hindi nga lang mapangalanan.."
bigla' y nag-iwas siya ng tingin, noong isang araw ay naging sunod-sunod ang paglabas nila ni storm, kinakabahan ito na baka siya ang nakitang kasama niya sa mga lakad nito.
"Kalat rin na ini-uwi niya iyon sa bahay, palagay mo? Anong nangyari.." hindi makatingin ng diretso si mara, naiilang at hindi na kumportable sa tanong.
"M-malay k-ko.."
"Sa palagay mo, may spg na nangyari?"
"WALA HA!" bigla' y tumaas ang kanyang boses, nang mapuna ang sinabi nito ay pilit siyang huminahon at ngumiti. "Ibig kong sabihin, wala akong alam, bakit ba tinatanong mo sa' kin? Ako ba ang kasama?"
Ngumiwi ang kaibigan. "May gusto ka kasi sa tao, curious lang naman.."
"Tch, porket gusto ko ito alam ko na?"
"Malay ko.." ngumiti ang babae ng matamis. "Hindi ka ba natuturn-off doon? gwapo nga ngunit ma-babae naman.."
"Inuumpisahan ko ng kalimutan siya.."
Natawa ang kaibigan. "Hahaha, grabe ang linyahan, akala mo talaga naging sila.."
"Inaasar mo ba ako?!"
"Hindi aa.."
Umirap ito at muli' y tumingin sa bintana, lagpas bente minutos na ngunit wala pa ang unang klase. Siguro ay hindi na ito makaka-pagumpisa ngayong araw.
"Pupunta lang ako sa locker.." aniya bigla, tumayo ito at hindi na hinintay makapag-salita ang kaibigan.
Gaya kanina ay tahimik siyang naglakad patungong locker, walang studyanteng nakakalat dahil narin oras ng klase. Sila nga lang ang bakante at walang prof. na nag-uumpisa ng klase.
Bumuntong hininga ito ng mabuksan ang locker, tahimik niyang kinuha ang dalawang libro at hindi man lang napansin ang pagdaan ng isang lalake sa kanyang likuran.
Nakuha na nito ang libro, nang isara niya ang locker ay halos mapalukso ito sa isang lalakeng nakasandal sa tabi ng kanyang locker.
"T-tristan.." aniya, gulat na gulat sa lalakeng walang emosyon. "Nakakagulat ka naman.."
"Where is my jacket?" tanong nito, wala ng oras pang magpaligoy-ligoy.
"Jacket? Hahaha, anong jacket?" sumama ang tingin nito sa dalaga,
"I told you to remove the stain, did you forget that?!" masungit pa rin ang binata, ganito na ang personality niya noon pa man, kahit kanino o sino man ang kaharap niya ay suplado talaga ito.
"Ahh, iyong bang puti mong jacket, hahaha. Oo nga pala.. nakalimutan ko kasi sa bahay.." kamot kamot ng dalaga ang ulo, iniisip nito kung bakit niya nakalimutan ang bagay na ' yon.
"Did you remove your lips marked?"
"H-hindi ko pa nalalabhan.." kamot pa rin ng dalaga ang buhok, kumunot ang noo ng lalake dahil sa babaeng kaharap.
"Ako na lang ang maglalaba.."
"Ha, hindi na! Ako na lang, nakakahiya naman.."
"Ako na, baka sirain mo pa, hindi ko na masuot.." napakagat ito sa labi, nasira na ang pinakakamahal nitong jacket noong isang araw. "Ihahatid kita mamaya, hihintayin kita sa tindahan.."
"Teka lang, huwag na, naroon si mama at magagalit 'yon, wag kang mag-alaala! Aayusin ko ito bukas...sige na, may klase pa ako!" tumakbo na ito palayo sa lalake na ngayo' y iritable na ang mukha, paborito iyong suotin ng binata kaya niya iyon hinahanap, hindi iyon basta basta jacket lang, bigay iyon ng pumanaw niyang lola.
*****