Chapter 9

2531 Words
Akimara Pov. (Avoid him) "Oh, bakit tumatakbo ka?" si beka, nagtataka itong tumunghay sa' kin matapos 'kong makapasok sa silid. "Si tristan kasi..." hinihingal pa rin ako dahil sa pagtakbong ginawa. "Tch! Bakit ba kasi nawala sa isip ko!!" ginulo ko ang buhok, nakakainis! "Wait lang, ano bang nangyari kay tristan?" "Kinukuha na nito ang jacket niya.." problemado pa rin ako dahil sa jacket niyang iyon, kasalanan talaga ng pisnet iyon! Hindi naman ako! "Jacket? Paano siya nagkaroon ng jacket sayo?" naguguluhan pa rin ito ng magtanong, "Teka lang, huwag mong sabihing naiwan niya ang jacket sa bahay niyo?!" napaismid ako dahil sa tanong nito, grabeng imagination, saang lupalop nito nakuha ang tanong niyang 'yan. "Hindi ganon!" asik ko, hindi pa rin mawala wala sa isip ko kung paano reresolbahan ang nasira niyang jacket. "Hindi ba' t pasyente ko siya noong huling actual, nakasama ko siya at hindi sinasadyang nadumihan ko ang jacket nitong suot.." naalala ko na naman ang eksenang iyon, kasalanan rin ng mga babaeng freshmen kaya nagkaganon! "Hala, lagot ka! Grabe pa naman kung magalit si cristobal... tsk tsk.." "Tch, bwist siya! Masyadong suplado!... pag akong nainis hindi ko na papalitan ang jacket niyang nasira!" "Huy, nasira?" naitikom ko ang bibig, leche talaga. "Huwag mo muna akong tanungin, beka.." sumandal ako sa upuan, iniisip kung saan ako bibili ng jacket na halos hahawig doon. Dapat makabili ako agad. Breaktime na ng makapag-usap muli kami ni beka, dalawang sunod sunod na klase ang dumaan at halos wala ako sa sarili ngayon. Idagdag mo pa ang mga lessons na hindi ko naman talaga sadyang alam, kung hindi lang siguro ako nagbabasa ay paniguradong mahuhuli ako sa topic na pinag-uusapan namin. "Grabe talaga si salazar, may iba na namang target.." dinig ko sa kabilang table ang pag-uusap nila, hindi naman ako chismosa ngunit sadyang malakas lang talaga ang kanilang boses. "Oo nga, pansin mo, lagi siyang nasa nurse department.." "Pansin ko nga, dati' y sa tourism management ito diba?" "Dati oo, pero balita ko ay naghiwalay din sila.." Hindi ko alam kung bakit napanguso ako sa narinig, totoo talagang noturious playboy ito? Alam na alam lahat e. "Palagay mo, sinong target?" "Hindi ko alam, wala naman kinakausap.." Wala sa sariling kinagat ko ang sandwich, ilang sunod sunod na gabi kaming magkasama, magka-usap at gumala. May hindi pa inaasahan na nangyari, at kahit pigilan ko mang isipin na ako ang pinupuntahan niya ay hindi ko maiwasan. bakit nga ba siya mapapadpad sa klase namin kung ilang metro pa ang layo ng building nila? "Hoy, laglag na 'yang sauce.." doon lang ako bumalik sa wisyo, wala sa sarili kong kinuha ang tissue at pinunasan ang skirt kong nadumihan. "Ang lalim ng iniisip, kasing lalim ng collar bone.." pang-aasar ni beka, inirapan ko na lamang ito bago uminom. "Cr lang ako.." paalam ko bago tumayo at maglakad patungong comfort room. Nakakainis talaga, hindi na dapat ako nagpapadala sa mga chismis na yan. Pakialam ko ba kung totoo o hindi? Tsk, Disidido na ako, iiwasan ko na siya at hindi na muling kakausapin. Kunot ang noo ko ng basain ang hawak na panyo, pinunasan ko ang duming dumapo sa skirt ko at halos mapangiwi ako ng hindi man lang iyon maalis. Bumuntong hininga ako bago tumuwid ng tayo, isang klase lang naman at uuwi na kami. Lumabas na ako ng banyo at akmang liliko upang puntahan si beka, ngunit gulat na gulat ako dahil sa biglaang kamay na humila sa' kin. Hindi ko nagawang sumigaw ng takpan nito ang bibig ko. "Sshhh.." senyas nito, salubong na salubong ang kilay ko at halos hindi pa humupa ang gulat sa sistema ko. "T-thor.." doon lang ako nakapagsalita ng ibaba niya ang kamay, seryoso siya at kunot rin ang noong nakatingin sa' kin. "Hindi naman yata tamang hilain mo na lang ako basta?!" "Bawal ba?" "Oo! Paano kung may makakita sa' tin?!" "So? I don' t care, we almost kiss last last night, did you forget it?!" bigla' y nailang ako sa sinabi niya, nag-iwas ako ng tingin at wala ni kahit anong makapang isasagot, bakit umurong yata ang dila ko? "Bakit ba iniiwasan mo ako??" doon muli' y napaharap ako, pilit nilalabanan ang titig niya na kahit sino ay matutunaw talaga. "Hindi kita iniiwasan.." matapang na sagot ko, hindi naman pweding sabihin na, 'bakit paki mo?' masyado naman yatang bastos iyon. "Talaga lang?" "Bakit naman kita iiwasan?" hindi ko alam kung bakit bigla' y nagkaka-ganyan siya, isa na ba ako sa mga sinasabing target nila? d*mn, pinaglalaruan niya lang ba ako? "Kung ano man ang nangyari sa atin kagabi ay kalimutan mo na 'yon, ganun rin naman ang ginagawa ko.." Nanatili itong titig sa' kin, hindi sumagot at halos mabibigat lang na paghinga ang naririnig ko. "Pabor lang sana.." ani ko, umangat ang kilay niya at naghihintay ng kasunod "Huwag mo na sana akong guguluhin.." "Bakit? Maayos naman tayo hindi ba?" "Tayo?" hindi ko maiwasang matawa ng bahagya. "Wala namang tayo, thor.." "Kailangan ba ng may tayo para maging maayos?" "Hindi ako nakikipag-laro thor, kung isa lang naman ako sa magiging libangan mo ay tigilan mo ng mapalapit sa' kin.." gaya kanina ay mabigat ang loob kong tumalikod, hindi ko siya gustong tratuhin ng pabalang at bastos. Ngunit iniisip ko rin lang naman ang sarili ko, paano kung maging isa ako sa mga laruan niya? Paano naman ako aahon kung ngayon pa lang ay hulog na ako sa kanya? Nang makalapit sa mesa ay agad na akong nagyaya sa susunod na klase, marami pang tanong si beka ngunit tanging pag-tango at iling lamang ang naisagot ko. Maging sa klase ay halos liparin lamang ang boses ng prof. sa harapan. Wala ang isip ko sa klase, lumilipad iyon sa labas at itanggi ko man ay nasa iisang lalake iyon tumatakbo. Ilang araw lang kaming nagkakilala ngunit kung tutuusin ay naging malapit na ako sa kanya, hindi naman masama ang pinakita niya sa' kin. Naging mabait siya at kung tratuhin ako nito ay kakaiba talaga, pero napag-isip isip ko na hindi tama, maling mali ang ginagawa ko. Para akong sira at patay na patay kung sumunod sa bawat sasabihin niya. Tch, makakasama lang siya sa kalusugan ng puso ko. "Bakit ang tamlay mo?" si beka, hindi talaga nito mapapalampas ang pananahimik ko. "Kailan ba ako naging maingay?" Ngumiwi siya. "Hindi iyon ang sinasabi ko, matamlay kako.." Inayos ko ang mga papel sa mesa ko, tapos na ang klase at halos palabas na ang mga classmate ko sa silid. "Nasimot yata ang energy ko sa lesson.." palusot ko na lamang, nakuha ko naman itong mapaniwala kaya tinulungan na ako nitong magligpit ng gamit. "Kung nahihirapan ka magtanong ka lang.." Natawa ako. "Top student lang?" "Pangarap lang, aabot din tayo sa top." hindi ako interesado sa sinabi niya, hindi ko rin naman gusto itong kurso ko, nagdududa pa nga ako kung matatapos ko ito o hindi. Ayoko talaga! "Saan ang diretso mo?" "Bahay.." tamad na sagot ko, nasa hallway na kami patungong labasan. "Library muna tayo.." "Tsk, passss!" yamot na ani ko, kakatapos lang ng klase libro na naman! Sumasakit na ang ulo ko. "Samahan muna lang ako, alam ko namang tamad e.." sinamaan ko ito ng tingin, grabe kung maka-tamad. "Sipag mo ha.." Wala rin akong nagawa sa pangungulit nito, nakayuko ako sa mesa habang nasa harapan ko siya at nagsesearch ng topic about sa lesson namin kanina, balak niyang gumawa ng notes para sa long quiz namin bukas. "Huy, aki! Tulungan mo ako!" Mabilis akong napa-angat, salubong ang kilay "Akala ko ba sasamahan lang kita?!" "Ano?! Hindi ka mag-aaral! Paano kung bokya ka bukas?!" "Pakopyahin mo na lang ako sa notes mo, mamaya na ako magbasa!" muli akong yumuko sa mesa, wala pa man ilang segundo ay ginulo na naman ako nito. "Hanap ka na lang ng libro physiologic and psychosocial alterations.." "Tsk! Ayoko!" "Paano mo mapapasa ang last sem kung ganyan ka, dalawang taon na lang aki!" muli akong nag-angat, awang ang labi at ayoko talagang mag-aral. Ngunit dahil seryoso ngayon si beka at tila nadala ako sa galit galit epek niya kuno ay tumayo ako sabay hanap sa hinihingi nito. Bakit ba kasi pinipilit akong mag-aral ni papa bilang nurse? Kaasar, Tumungo ako sa nakahilerang shelves, naghahanap ng libro tungkol sa topic na pinag-aralan namin kanina. Kung tutuusin ay kahit hindi ako nakinig ay maipapasa ko naman iyon, hindi ko alam kung bakit kaonting review ko lang ay handa na akong sumalang sa long quiz. Nasa itaas ng bahagi ang pshycological book, dahil maliit ako at sobrang taas ng shelves ay hindi ko iyon abot. Pero sa takot kong masermonan kay beka ay pilit ko pa 'ring inabot iyon. Napabuntong hininga ako, hindi ko talaga makukuha iyon kung walang tulong ng mas tatangkad sa' kin. Humarap na ako upang sana' y magpasuyo sa iba, ngunit laking gulat ko ng may mabangga akong matigas na dibdib sa harapan ko. "Pshycology.." anang baritonong tinig, hindi ko makuhang kumurap dahil sa napako na ang paningin ko dito, nasa itaas ang paningin niya. Binabasa ang librong tingka 'kong kunin. "Hindi mo ba abot?" pakiramdam ko' y inaasar ako nito sa paraan na pananalita niya, edi siya na ang matangkad. Sana all na lang. "If you want to help me, just get that book. You don' t need to insult my height.." natawa siya sa tinuran ko, ang nakakakiliti niyang tawa ay parang lumilikha ng kuryente sa tenga ko, tsk! Anong nakakakiliti? Bwist naman. "Ang cute mo.." kinuha nito ang libro, nag-init bigla ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. lintik na pafall! Hinablot ko ang libro ng ilahad niya iyon, nakangiti pa rin ito at tila pinagtatawanan ako. "Tch, thankyou." asik ko, pairap. natawa siya lalo. "My young lady is cute.." "Shut up.." nilagpasan ko na siya, dinig ko pa ang mahinang pagtawa nito kahit na nakatalikod na ako. Pero kahit ganon, parang sasabog na ang dibdib ko sa malakas nitong pagkabog. Dinadaga na naman ang puso ko dahil sa mapang-akit na ngiti ng isang salazar. "Eto na po!" binagsak ko iyon sa harap ni beka, dahil sa kanya ay nasalanta ang oplan pagde-dedma ko kay thor. "Hindi ka galit niyan?" "Ewan ko sayo, may libro naman sa bahay, kailangan pang mag-research.." halos magtunog nagrereklamo na ako dito, totoo naman, aanhin pa namin ang librong binili kung hindi rin gagamitin? Kakaiba rin ang babaeng 'to. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako siniringan, wala itong reklamo kaya halos umirap na lamang ako. Hinugot ko ang upuan, nagtaka pa ako kung bakit pati ang katabi kong silya ay umurong rin. Kaya pala natameme na ang kaibigan ko ay nasa likuran ko pala ang dahilan. "Can I sit here?" "Hin---" "Oo naman, wala naman naupo diyan... umupo ka na.." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ng sumabat si beka, hindi ba ito nakakahalatang ayoko siyang maupo dito? "Thanks.." Wala akong nagawa ng maupo siya, naupo na rin lang ako kahit na para ng sinisilaban ang pwet ko sa kaba. "Akina 'yan! Anong topic?!" kinuha ko ang libro, nagtatakang tumingin sa' kin si beka habang nakataas ang kilay. "Akala ko bang kokopyahin muna lang?" "Ang bagal mo.." sagot ko, kinuha ko ang libro at hindi pinansin ang lalakeng tahimik ng nagbabasa. Sigurado akong isa iyong law book na laging sinasabi sa' kin ni tristan. Napapikit ako ng wala sa oras, Oo nga pala. Dapat ay malusutan ko na ang lalakeng iyon. Bukas na bukas din ay maaga akong tutungo ng bayan upang maghanap ng jacket. Sumandal ako sa upuan, palihim na sinulyapan si storm na ngayo' y tahimik pa rin sa' king tabi. Grabe, bakit hangga sa pagbabasa ay napaka-gwapo niya pa? Kahit wala itong ginagawa ay para ng nagkakarera ang mga paro-paro sa tiyan ko. Lalo na sa tuwing sasagi sa isipan ko kung paano siya kagaling humalik, hindi ko pa nga alam sa sarili kung maayos ba ang pag-tugon ko sa kanya. Marunog ba ako? Gusto kong sampalin ang sarili dahil sa naiisip, ano ka ba mara, nanahimik yung tao. "You should read that book.." bigla itong nagsalita, dalawang beses akong kumurap bago iiwas ang pagtingin sa kanya. Hindi nakatakaa ang matindi niyang pag ngisi na animo' y nasisiyahan. Naramdaman ba nitong nakatitig ako sa kanya? Kinagat ko ang pang-ibabang labi, dumapo ang tingin ko sa librarian na ngayo' y may kausap na pamilyar sa mata ko. I swallowed one time when my eyes meet, masama agad ang tingin niya na akala mo ay may nagawa na naman akong mali. I immediately divert my eyes on the book, hindi matagalan ang tingin niyang parang kakainin ako ano mang oras. Sa peripheral vision ko ay pansin kong papalapit ito sa table namin, dali dali 'kong kinuha ang libro at agad itinakip sa mukha ko na kunwari' y nagbabasa. Para akong maiihi dahil sa kabang bumabalot sa' kin, kinakabahan ako dahil nasira ko lang naman ang jacket niya. Hindi naman siguro niya iyon kukunin kung hindi importante sa kanya iyon. Bakit ba kasi napaka-tanga ko kung kumilos? Ramdam ko ang paghinto nito sa likuran ni beka, kinanta ko na ang Abc sa isip para kahit papaano ay kumalma ang dibdib ko. "Oh, tristan.." si storm, pinanatili ko pa rin ang tingin sa libro, kahit anong gawin nila' t pag-usapan ay hindi ako lilingon o titingin, nakakamatay! "May kailangan ka?" "Si mara.." para akong mahuhulog sa upuan ng banggitin nito ang pangalan ko, kung ganon ay ako sa sadya niya talaga? Nilingon ako ni thor, hindi ko makita kung anong reaksyon nila. Ngunit ng sipain ako ni beka alam ko ng kinikilig na ito. "Nag-aaral siya.." ani ni storm, bakit ba wala ni isa ang makapag-salita sa' min ni beka? "Talaga lang ha?" sa pananalita ng isang to ay mapag-maliit rin, porket matalino ganyan na? Suntukin ko kaya siya sa bones! "Your reading pshycological book.." doon na ako nag-angat ng tingin, sakto talaga na nagmata ang mata namin na halos dumagundong sa kaba ko. Kung dati siguro ay mamatay na ako sa kilig, ngunit ngayon. Para na akong mahihimatay sa kaba. "Im impress to you hernandez, you really study well.." "Tch, ano tingin mo sa' kin, kamote?" "No, Im impress for how you read the book, its really amazing, kanino professor mo natutunan magbasa ng baligtad?" "Huh, baligtad?" binalik ko ang tingin sa librong hawak ko, at ang tanga ko talaga! Baligtad nga, "HAHAHAHA, Ang galing ko pala, akalain mo 'yon.." natawa si thor sa gilid ko, maging si beka ay hindi na rin naitago ang tawa dahil sa kahihiyang naitamo ko. Sige lang, mabulunan sana kayo. "Ano bang kailanga mo, istorbo ka.." si thor, gusto kong matawa dahil sa prangka niyang magsalita. "As i've said, Si mara. Bingi ka ba?" nagpalit palit ang tingin ko sa kanila, hindi ba' t mag kaibigan ang dalawang to? Nakataas ba ang red flag sa kanila kaya war muna? "What do you need to her?" "None of your business.." ay wow, sana may business. "Let' s go, follow me.." "Ha, teka.. saan??" "Gusto mo bang maging dos lahat ng grado mo?" "A-ano!" "Sumama ka sa' kin, kamote.." napakurap-kurap ako dahil sa tinawag niya, a-ano daw! Kamote? Peste, pangalanan ba naman akong kamote, sa ganda kong ito? ____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD