Chapter 2
Akimara Pov.
Kaarawan ni ate sa susunod na dalawang araw, Umuwi ito upang makasama kaming pagsaluhan ang 20th birthday niya, Dalagang dalaga na talaga si ate, hindi ko maitatangging siya ang hinahangaan ko sa larangan ng pagandahan.
Sumasali ito sa bawat patimpalak, na kung tawagin ay mutya ng santa rosa, iyon ang pangalan ng lugar namin, Hanggang ngayon ay taglay niya pa rin ang walang kapantay na ganda.
"Naku ate, Sa akin na 'to ahh.." ini-angat ko ang pulang bistida na sa tingin ko ay hahapit talaga sa katawan ko, Nasa kwarto kami. Dala-dala ni ate ang mga damit niyang pinag-liitan na.
"Sa' yo naman talaga iyan mara, kanino ko pa ba ibibigay?"
"Ate naman, sa susunod iyong mga heels mo naman.."
Agad sumabat si mama sa sinabi ko. "Aba't anong binabalak mo?"
"Ma naman eh, dalaga na ako, natural lang na magpa-ganda at mag-ayos ako.." sumama na ang tingin ni mama, may iba na naman siyang iniisip.
"Magpa-ganda! At kanino mo naman inaalay iyang pag-papaganda mo?!"
Oh see, Here's come the armalite voice, ratatatatttt!
"Iyang kapatid mo, Natuto ng magsinungaling, noong isang araw ay nagpa-alam na may group project sila, yun pala ay nakipag-birthday sa kabilang baryo!" nilingon ako ni ate, nakataas na rin ang kilay.
"Ate k-kasi.." nagkakamot na ako ng ulo, "Birthday ni tristan, alam mo na, 21 siya. Enggrande iyong dibu niya.."
"Tristan?" si mama, ayan na naman. Tatakas na ba ako? "Sino iyon?"
"Siguro ay kaibigan iyon ni mara, ma.." si ate, ilang tango ang ginawa ko kay mama.
"Oo mama, Kaibigan lang.."
"Kaibigan?" kunot na ang noo nito, bago pa masundan ang sasabihin niya ay tumayo na ako.
"Babanyo lang ako!" tumakbo ako, ala-ninja ang kilos ko maging ng isara ko ang pinto ng banyo, Si mama talaga, napaka-strikto pag dating sa' kin, kung sabagay maging kay ate rin naman.
Ang totoo kasi ay nagkayayaan kami ni beka at ng ibang kababaihan na classmate ko rin, dahil sikat si tristan ay maraming dumalo sa birthday niya. Syempre hindi ako papayag na hindi ko makita man lang ang pamatay niyang suot noong gabing iyon, Naku lang talaga! Muntik pa akong mahimatay ng makita ko siya 'nung gabing iyon.
Ilang minuto akong nakatayo sa likod ng pinto, nang mainip sa loob ay bahagya 'kong pinihit ang pinto, nakasilip ang ulo ko at tinitingnan si mama kung naroon pa. Nang makitang wala na ito ay nakangiti akong lumabas.
"Sa wakas wala na si mama!" masiglang ani ko, naroon pa si ate sa kabilang kama, nagcecellphone na ito. "Nasaan iyong mga damit ko?" inilibot ko ang tingin, saan nila idinala iyon?
"Itinabi ni mama.."
"Ano! Ate naman eh!" pabagsak akong umupo sa paanan niya, yamot na yamot talaga. "Gustong gusto ko iyon!"
"Saka na pag dalaga ka ng talaga.."
"Ihh! Dalaga na ako, Nireregla na ako at malapit na akong mag debut.." ibinaba nito ang hawak na cellphone, nagfocus na sa' kin.
"Iyon na nga, Sa oras na mag 18 ka na ay mai-susuot muna ang nais mo.." hindi mawala ang pagka-busangot ko sa mukha, dalaga na kaya ako. "Parang ako lang, ngayon ko lang nagawa ang mga gusto ko, Tsk. Ang mga magulang natin ay masyadong conservative sa mga anak.."
"Mukha na akong manang sa mga suot ko.." ani ko, tinutukoy ay iyong mga pajama at tshirt na ibinili sa' kin ni mama, kailan ba ako makakapag-bisitida man lang.
"Kanino ka ba nagpapaganda talaga? Kay tristan ba iyan, sigurado ka?" napanguso ako, limang buwan pa lang ng makita ko si tristan, At talagang tumibok na ang puso ko rito, grabe talaga. "Oh baka may iba na diyan?"
Napanguso ako "Si tristan lang naman.." turan ko, ngunit muling sumagi sa isip ko si thor, sayang siya, Ang gwapo pa naman, buburahin ko na ba ito sa listahan ko? Nakakainis.
Sino naman kaya iyong xiomara?
Nanlaki ang mata ko, Napabaling ako kay ate na kina-atras niya, Natawa pa siya.
"Ano? May iba ka 'bang natitipuhan?"
tumango ako, ngunit walang balak sabihin iyon. "Ikaw ate, Umamin ka nga sa' kin..." pinaningkitan ko ito ng mata. "May boyfriend ka na ba?"
"Ano?!"
"Jowa, Nobyo, kasintahan, Ganon.." nag-iwas ito ng tingin.
"Bakit sa akin naman napadpad ang topic, tsk, matulog ka na.."
Nagpapadyak ako sa sinabi niya. "Si ate naman, Nag-sisikreto na!"
"Hoy mara, ang bata mo pa ngunit ang isip mo ay pag-nonobyo na.." tumayo na ito, lumipat sa itaas ng double deck namin. "Pag narinig ka ni mama, yari ka na naman.."
Lalong humaba ang nguso ko sa sinabi niya, halatang nililihis lang ang usapan, pero hindi naman siguro siya iyon, si ate? Magkakagusto sa tambay na iyon?
Grabe, Hindi lang naman siya simpleng tambay, Nag-aaral din pala ito.
_
Araw ng kaarawan ni ate, Bumalikwas ako ng bangon, nagmamadaling tumayo upang silipin siya. Ngunit ng makitang blanko ang hinihigaan nito ay nangunot ang noo ko, nasaan ang babaeng iyon?
Nagtungo ako sa banyo, naghilamos at nagtoothbrush. Nang matapos ay daglian akong bumaba sa sala, Sa bungad pa lang ng hagdan ay langhap ko na ang lutong gisa ni mama, Ang aga ang sarap ng agahan.
"Ma!" sumigaw ako, dumiretso ako sa kusina at doon nakita ko si mama. "Si ate?"
"Nagsimba.." tipid nitong sagot, ang niluto nito ay sinalin niya sa kalakihang bowl, napakamot ako sa batok.
"Bakit hindi niya ako sinama?"
"Bakit ka naman sasama aber?!" nakataas na ang kilay niya, bakit ba ako sasama sa kanya? Malamang magsisimba ako, si mama talaga. "May pasok ka pa.."
"Ano!" mabilis ako nitong nilingon ng mapasigaw ako, pinaglapat ko ang labi ng wala sa oras. "Ma naman eh, Kaarawan ni ate papasok ako?"
"Aba't tataas ba ang grado mo kung kaarawan niya! Walang liliban ngayong araw!" naiirita 'kong ginulo ang buhok, ayokong pumasok!
"Kumain ka na!"
"Hala si mama!" nagpapadyak na ako ng maglakad patungong lamesa, wala talaga siyang awa sa bunso niyang anak.
Pinanlakihan niya ako ng mata "Kung hindi ka papasok ay maglalaba ka!"
"Naku ma, May exam pala kami mamaya!" kinuha ko na ang pinggan at sumandok ng sariling pagkain, Sh*t. Maglaba daw ako? Isang katerbang laundry lamang ang naghihintay sa' kin kung sakali, Wag na lang. Papasok na ako!
Nakabihis na ako at handa ng pumasok nang tawagin ako ni mama, hawak ang bagpack ay nilingon ko ito, Wala talaga ako sa mood ngayong araw.
"Kung maaga ang uwian niyo ay diretso 'kang umuwi dito.."
"Bakit naman ma?!"
"May bisita ang ate mo, Mag-hugas ka ng pinggan.."
"Mama naman eh, Mahal mo ba talaga ako?"
"Pumasok ka na mara! Alas siete na.."
Hindi na talaga mawala ang pagkaka-kunot sa aking noo dahil kay mama, maging nang marating ko ang unibersiad ay hindi maganda ang timpla ko. Pinapauwi niya ako ng maaga para lamang maghugas ng pinggan? Ays! Sino ba mga bisita ni ate?
Sinipa ko ang bato na nasa quadrangle na nadaanan ko, hindi ko naman intensyon palakasin iyon ngunit bigla ay tumilapon iyon kung saan, Kamalas malasan pa ay may tinamaang tao.
Lumingon ang pamilyar na tindig sa' kin, hawak na ang ulo.
"S-sorry.." agad akong lumapit, "Harang harang kasi sa dinadaanan ko, sinipa ko lang.." ni hindi man lang ito nagpakita ng reaksyon, ano pa 'bang aasahan ko sa tristan na ito?
Bumaling na muli ito sa harapan, balak ng maglakad "Uy, galit ka ba?" sumunod ako rito ngunit nagpatuloy lang siya sa paglalakad, hindi ko naman iyon sinasadya! Malay ko 'bang nariyan pala siya. "Hey!" pinantayan ko ito sa paglalakad, pero wala talaga. Napapanguso na ako habang nakatingin ang mga ilang studyanteng nadadaanan namin.
"Ang sungit.." bulong ko, hinayaan na siyang mauna ng hindi niya ako imikin, Galit talaga ang gwapong ito. "Hindi ko naman sinasadya iyon!" bulong ko pa, nakangiwi na ang itsura.
Siguro ang malas ko ngayong araw.
"Aray ko!" napadaing ako sa sarili ng bigla ay may tumama sa aking harapan, hindi ko namalayang huminto pala siya, Nabunggo ko pa tuloy ang likuran nito.
"Are you going to follow me in my room?" wala sa sarili akong luminga sa paligid, Ay tang*! Nasa senior ka mara.
"Hahahaha.." pilit na tawa ang pinakawalan ko, nakakahiya. "Dito ako dadaan, para shortcut!"
"Your a nursing student right?"
"Oo."
"If you gonna take the way here, you should go back now where you went.." hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, saan ako babalik?
"Mapapalayo ka lamang kung dito ka dadaan, that's what I mean.." umarko na lamang ang gilid ng aking labi, bakit napaka-seryoso niya?
"Talaga ba?" Nagkakamot na ako sa batok. "Salamat, hindi ko alam iyon.." kunwari ay nagpapasalamat pa ako, pero palusot ko lamang iyon para mabawasan ang kahihiyan.
Oo nga pala, Naroon sa kabilang gusali ang silid namin, bakit ba kasi lutang na lutang ako ngayong umaga.
Wala talaga sa loob ko ang pag-aaral, maging ang kurso ko ay si papa lamang ang may nais, kung ako ay gugustuhin ko pa ang lumabas sa tv. Ang nais ko kasi ay maging reporter, ngunit hinadlangan iyon ni papa, para saan daw? Kapahamakan lang daw kuno ang makukuha ko doon, Paanong kapahamakan? Eh hindi naman kasinungalingan ang isusulat ko sa article, Masyado lang talaga silang advance mag-isip!
Nasa classroom na ako, kahit naman labag sa loob ko ang kurso ay naiintindihan ko naman bawat lesson na meron kami, mahirap sa una, Ang daming dapat alamin, hindi basta basta ang kursong nais ni papa. Buhay ng tao ang hahawakan ko kung sakali 'mang makapagtapos ako.
"Define the fever and body temperature.." lumilipad ang isip ko sa katanungan ng lecturer, wala akong maisip, hindi ko alam kung may utak ako o sadyang hindi lang nag-fufunction ngayon.
"Miss Hernandez.." wala sa sariling napatayo ako ng marinig ang apelyido ko, narinig ko pa ang mahinang hagikgik ni beka, Kaasar!
"Can I repeat the question?"
"Y-yes please.." napakagat ako sa labi, pumikit ako, pilit minamasahe ang isip baka sakaling may mapiga ako kahit ano.
"Define fever and body temperature.."
Ang mga kamay ko ay naglalaro sa aking likuran, nabasa ko na ito sa libro, alam ko.
"Page 2, Mara.." narinig ko ang pag-bulong ni beka, tama! Nabasa ko iyon sa pahina dos!
"Fever is defined as a rise in body temperature above 99°F or 37.2°C" hindi ko alam na may maisasagot ko, tumango ng dalawang beses ang lecturer, ngunit halatang hindi kuntento.
Napansin niya ata kanina na hindi ako nakikinig kaya ako ang binato ng katanungan.
"How about the cause and symptoms?"
"Miss?"
"Do I repeat my question for you, hernandez?" napalunok ako sa tinig ng kanyang boses, hindi naman ako bingi, ngunit ako pa ba ang tinatanong niya, sa palagay ko ay Oo!
"The cause is Infections, bacterial and Allergic reaction.." tumaas ang kilay niya, hindi ko pa nasasagot ang sintomas, Mabuti na lang at naisipan 'kong magbasa ng libro noong isang araw. "High Coloured urine, Dry mouth, body pain and joint pain.." kinuha nito ang index card, may isinulat doon bago isenyas ang mga kamay niya.
"You may sitdown.." nakahinga ako ng maluwag, pumikit ako ng mariin bago tumingin sa bintana.
Napamaang ako sa pwesto ko ng makita kung sino ang nasa pwesto malapit sa labas, may nakikinig na palang mga studyante, ang hindi ko inaasahan ay ang isang lalakeng nakangiti na may hawak na libro.
Nakita ni thor ang pagsagot ko!
Mabuti na lang at may naisagot ako, kung hindi! Ayy ewan ko lang.
_
Halfday ang pasok ngayong araw, Ang ngiti ko'y lumalagpas sa aking tenga, Ang mga tenga ko'y kumakaway sa bawat studyanteng nakakasalubong ko, Mga kapwa rin silang nakangiti, mapapansin 'mong kaligayahan nila ang walang pasok.
Hindi ko alam kung anong meron, pero ang chismis banda doon ay nadinigan ni beka, May pagpupulong daw ang mga propessor, hindi ko lang masiguro kung tungkol saan.
"Kaarawan ni ate ngayon, gusto mo 'bang pumunta sa bahay?" tanong ko rito, nasa maingay na pasilyo na kami. Tinatahak ang daan palabas ng unibersidad.
Nilingon ako nito, nakanguso. "Hindi ako pwede, may dadaluhan rin kasi kami mamaya.." tumango ako, sayang naman, katulong ko na sana siya sa paghuhugas ng plato, hahahaha!
"Sayang naman.."
Lumabas na kami, lumihis ito ng daan dahil may bibilhin daw muna ito sa isang book store, sinasama niya ako ngunit tinanggihan ko na lamang. Uuwi na lang ako kesa mangitim sa kakalakad, kung sanang hindi mainit, kaso lang ay alas dose na ng tanghali.
At kahit walking distance lang ang bahay ay pumara pa rin ako ng tricycle, Malapit lang kaya tricycle lang ang sinakyan ko, ngunit kung dadayo ka pa sa kabilang baryo ay jeep na ang gamit. Kung hindi lang mainit ay kanina pa ako naglakad, pero syempre hindi dapat pabayaan ang kutis.
Nasa akma akong sasakay ng makita ko si tristan sa gilid ng kalsada, Halatang stress ito habang may kausap sa telepono, hindi ko alam kung bakit bigla ay nilapitan ko siya upang magtanong.
"Tristan.." nilingon ako nito, sakto lamang ng matapos ito sa katawagan.
"Ano?!" medyo masungit ito, hindi na iyon bago sa' kin. "Ikaw iyong babaeng bumato sa' kin kanina.."
"Ha, hindi ah! Ahh ano, ibig 'kong sabihin ay hindi naman kita binato.."
"Kung ganon anong tawag doon sa ginawa mo?"
"Naibato?" pinangunutan niya ako ng noo, maging ako ay natangahan sa sinagot ko, Nailing na lamang siya, muli itong nagtipa sa cellphone at animo'y may hinihintay na sasagot doon.
"Mukhang may problema ka? Matutulungan ba kita?" nilingon niya akong muli.
"Maibabalik mo ba ang wallet ko kung sakali?" syempre masungit pa rin ito, what's new?
"Iyong wallet mo ay nawawala?"
bumuntong hininga siya, palagay ko ay nakukulitan na ito sa' kin "Hindi ba at pinara mo ang tricycle na iyan?" lumingon ako sa mamang driver, Aba't naghihintay pa rin.
"hehehe, nakita kasi kita at mukhang problemado kaya lumapit ako, Ano ba ang maitutulong ko?"
"Wala.."
"Wala ka 'bang pamasahe?" ani ko, alam ko na ang problema nito.
Nag-iwas siya ng tingin, salubong pa rin ang kilay. "Pahihiramin kita ngayon kung nais mo.."
"Hindi na, may susundo sa' kin.."
"Hmmm." tumango-tango ako, ang hirap talagang kausap ng isang tulad niya, samantalang iyong thor ay halatang pala-kaibigan, ngunit ang pagkaka-halintulad lang nila ay sadyang pareho silang may itsura.
"Bahala ka, Uuwi na ako, kung ayaw mo.." humakbang ako, kunwari ay sasakay na, nang nasa pinto na ng tricycle ay sumulyap ako rito, nakatingin na siya sa' kin. "Ayaw mo?"
"Tsk.." napapikit na ito, lumapit na sa' kin, napangiti na lang ako sa ugali niya.
Kinuha ko na ang pitaka, sayang naman kung maghihintay pa siya dito, napaka-init ng sinag ni haring araw. sayang ang kutis niya, baka mawala ang pagka-gandang lalake nito.
"Ibabalik ko ito bukas, Salamat.." tumango ako, sumakay na sa tricycle para makauwi na.
"May kapalit iyan bukas.." ani ko, nakasilip sa tricycle habang papalayo na sa kinatatayuan.
Waahhhh! Ang gwapo niya talaga!
__
to be continued