Chapter 3

3527 Words
Chapter 3 Akimara Pov. (BIRTHDAY) Nasa kwarto ako kasalukuyan, Nagtitingin sa f*******: ng kung anong balita sa mga kaibigan 'kong plastik sa laguna. Bakit ko nasabing plastik. Basta, Plastik sila. Iyong tipong naaamoy muna ang baho nila kahit hindi pa man sila nagsasalita, ngunit kung kausap mo sila ay parang santong anghel na hindi makabasag pinggan, pag nakatalikod na ako ay kung ano-anong nababalitaan 'kong chisimis sa' kin. Si beka lang naman yata ang tunay sa mga kaibigan ko, Na kahit isangla mo ay mapapatunayan 'mong hindi ito peke. Nailing ako, E-nexit ko ang f*******: at tumulala sa kisame, Maingay sa buong bahay, May bisita si ate na kababata niya doon sa lugar namin. Gamit ang malaking speaker namin ay nagconnect sila ng midifun karaoke. Napaka-ingay hindi naman kagandahan ang boses, napaismid na lang ako sabay dapa sa kama. Hindi ko pa man nagawang ipikit ang mga mata ng bigla ay pumasok si ate, Ofcourse shes beautiful today, She's wearing a red dress, A simply dress but it look a magnificent dress for me. Naiinggit ako dahil nakakapag-suot siya ng ganito, samantalang ako ay bawal, Nasaan ang hustisya? "May naghahanap sa'yo, Mara.." umikot ang mata ko, kunwari'y nagtatampo dahil hindi nito ako isinama sa simbahan. "Sabihin mo wala ako.." sagot ko, tinabunan ang sarili sa kumot. "Tumayo ka na riyan.." aniya pa, hindi ako umimik at nanatiling nakatabon sa kumot. "May ibibigay ako sa' yo.." karagdagang anas niya, sumilip ako ng bahagya. "Ano iyan?" "Basta, Bumangon ka muna.." At dahil mukhang importante naman iyon ay umupo ako sa kama, Ngumiti ito, ngunit ni hindi ko iyon sinuklian. "Ano ba iyon?" nagboboses malamya pa rin ako, pilit pinapakitang hindi interesado. "Ibibigay ko sa' yo 'to." may kinuha ito sa taas ng kama, Lumiwanag ang paningin ko ng makita kung ano iyon. "Isuot mo ito, Pinagpaalam na kita kay mama.." "Talaga?" hindi ko maiwasang maging magalak ang tono ko, iyong dress lang naman iyon, ang bistidang kaninang umagang lamang na hinahangad ko. Naku, Si ate talaga! Alam na alam niya kung paano ako lambisin. "Magbihis ka na, hinihintay ka ng bisita mo sa labas.." inabot iyon ni ate, kunot ang noo ko ng lumabas siya ng kwarto, sino naman kaya ang bisita ko? Gabi na ah, Naguguluman ay nagtungo na ako sa banyo, mabilisan ang ginawa 'kong pagligo. Nagtungo ako sa salamin na nasa kwarto at sinipat ang sariling ayos doon, Napangiti ako ng makita kung gaano kaganda ito. Nais 'kong umikot ngunit baka bigla ay magusutan ito, mamaya na lang siguro. Nakalugay ang buhok ko ng bumababa ako, Syempre tuyo na iyon dahil sa ginamit na hairdryer. Nasa bungad na ako ng hagdan nang bigla ay mapangiwi ako, Alam ko'y malayo-layo pa ang semana santa, ngunit bakit tila'y mayroon kumakantang pasyon rito! Natawa ako sa sariling naisip, Hindi ba sila nahihiya kapit-bahay? O kahit sa sarili man lang nila. Basag na ang ear drums ko sa mga boses nilang kay sintonado. "O, Dalaga na pala si aki!" bigla ay nagsalita ang isa sa mga kaibigan ni ate, lima sila, halos ay babae. Nginitian ko ito, iyong magagandahan talaga siya ng bongga sa' kin. "Kamukha lang ng ate niya, parang version 2 na xiomara.." "Hindi, mukhang maganda ang bunso.." natawa ang lahat dahil sa huling sinabi ng isa, maging si ate ay natawa rin, Kailan ba naging madamot ito sa' kin. Lagi siyang mabait, ayos lang sa kanya na lagi akong nakakalamang. Kaya mahal na mahal ko ito. "May naghahanap sa'yo, mara!" ayan na naman si mama, kagagaling lang nito ng kusina at may dalang spaghetti. "Kumain na kayo.." ani niya sa mga bisita ng mailapag ito, napairap ako, bakit ang babait niya sa mga bisita. Samantalang ako laging pabulyaw kung tatawagin. Humakbang ako palampas sa kanila, inipon ko ang buhok sa gilid at agad binuksan ang pinto. Hindi ko alam kung anong ipapangalan sa reaksyong meron ako ngayon, napamaang na lamang ako ng makita kung sino ang bumungad sa' kin. "Hi, Mara!" Hangga ngayon ay tulala parin ako, siya ba ang bisita ko? Bakit hindi agad sinabi ni ate at ng nakapag-paganda pa ako lalo. "T-thor.." bukod tanging pangalan na lamang ang naibigkas ko, wala akong makapang-salita na ibubungad sa kanya. "Nariyan ba ang ate mo?" ang bibig ko'y unti-unting naglapat, Ang kaninang kislap sa' king mata ay tila nagdilim, Si ate ang pakay niya at hindi ako? Tama ba ang kutob ko na nobya niya si ate? "S-si ate?" tumango ito, "Hindi ba dito nakatira si xiomara?" Nawala na talaga ang magandang gabi ko, Parang bulaklak na bigla na lang nalanta dahil sa masamang damong ligaw. Paasa ang lalakeng ito! "Nasa loob.." matabang na ani ko, naka-iwas ang tingin. "Maaari ba kaming pumasok?" nangunot ang noo ko, Kami? Ilan ba sila? "Kayo?" "Oo, May kasama ako.." lumingon ito sa likuran, hindi ko nagawang sundan ang tinitingnan niya dahil naka-focus lamang ang mata ko rito, Matangkad talaga siya, maganda ang hubog ng mukha nito, may matangos siyang ilong at maayos kung manamit ngayon. Wala akong mapipintas sa lalakeng ito. "Tristan!" nawala ang paningin ko rito, ang pamilyar na pangalang tinawag niya ay papalapit na ngayon sa pwesto namin. At narito rin ang isang 'to! Sh*t, bakit hindi agad sinabi ni ate na kilala niya si tristan?! Hays! "Ano?!" syempre pasiring na naman ang tinig ni tristan, hindi marunong maging mahinahon ang isang to, sa palagay ko ay magiging strict lawyer ito kung darating man ang panahon. Pero ang hot ni future attorney ngayon. Dapat talaga ay sa kanya na lang ang puso ko! Hindi ito nararapat sa lalakeng may iniibig na! Bakit ba kasi sobrang nakakaagaw atensyon itong si thor? "Hey.." si thor, natawa si inasal ng kasama "Your always that bad temper.." aniya sa natatawa paring tono. "Im bored.." turan nito, lumingon siya sa'kin, tumaas ang kilay niya ng makita ako. Hindi ko maiwasang mailang ng hagurin nito ang kabuuan ko. "Your the annoying nurse student.." kinagat ko ang pang-ibabang labi, Aba't namumuro na ang dalawang lalakeng ito sa' kin. "Kilala mo si mara?" "Mara?" patanong na tugon niya, imposibleng hindi ako nito kilala, kahit naman transferee ako sa university ay may humahanga sa aking mga senior, kilala na ang pangalan ko kung tutuusin, ewan ko ba at sa kanila lang napukaw ang atensyon ko. "I didn't know her name, But we already meet.." aniya pa kalaunan, napaismid ako sa simoy ng hangin, Edi hindi mo alam ang pangalan ko! "Oh, Okay.." bumaling na sa' kin si thor, nakangiti "You look good tonight.." syempre hindi ko natago ang ngiting dulot ng sinabi niya, Sino ba naman ang hindi mangingiti kung pinuri ka ng gwapong ito. Manhid ka na lang kung hindi ka naapektuhan. "Thankyou." galak pa rin ang boses ko ng sabihin iyon, naputol lamang ang ngitian namin ng bigla ay magsalita si ate sa likuran. "Storm!" nagbigay daan ako ng mapalapit siya, natural lang na tumabi ako, boyfriend ni ate ang kaharap ko. Tsk! Hindi ko lubos maisip na pinag-papantasyahan ko ang nobyo ng ate ko. "Kanina ka pa?" tanong pa nito, hindi nakatakas sa paningin ko ang pagbesohan nila kanina, bakit beso? Hindi ba dapat ay smack kiss o kaya warm hug? "Halos ngayon pa lang.." sagot ni thor, "May kasama ako, Si tristan, kaibigan ko.." nilingon niya si tristan, buong akala ko ay pati siya ay bisira ni ate. Kung ganon ay isinama lang ni thor ang supladong ito. Lumingon sa' kin si ate, sa tingin niyang iyon ay alam ko na ang iniisip niya. Pamilyar ba naman ang pangalang marinig niya, sana lanh ay huwag siyang magdaldal. "Oh tristan, Hello.." si ate, sinulyapan niya na ang mga bisita, hindi ko na nagawang tumingin sa kanila dahil naiimbyerna na ako sa sarili. Wala akong ideya kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ba dapat ay maging masaya na lang ako sa nakakatanda 'kong kapatid, Nagmamahalan sila at mukhang masaya sila sa kapwa isa. Siguro ay ngayon gabing mismo ay buburahin ko na sa listahan ang lalakeng ito, Si tristan na lang, Solo niya na ang Mara list crush, Napailing ako sa naisip, Masyadong childish ang laman ng utak ko. Nasa loob na sila ng bahay, naiwan ako ritong mag-isa, Naguguluhan ako kung sino ang tinutukoy nilang bisita ko. Samantalang wala naman akong naabutan kung hindi lang ang dalawang iyon, Nasaan na ba ang inaasahan 'kong panauhin? Nakaupo ako sa upuan na gawa sa kahoy, nasa tapat ako ng bahay, walang balak na makihalubilo sa mga bisita ni ate. Wala akong oras manatili doon at maging bingi sa mga boses nila na animo'y nawawalang kambing. Bakit ba napaka-mapaglait ko? Hindi naman siguro masamang maglait hindi ba? Kung tutuusin ay pang-singing contest ang boses ko, Mala-Moira Dela torre kung iisipin mo. Napangisi ako sa sarili, tablado silang parang lata sa akin lang. "Aki!" nalingit ako ng wala sa oras, kunot ang noo ko ng makitang tumatakbo si beka papalapit sa' kin. Gabi na ha, Akala ko ba'y may lakad ang may malaking dibdib na'to? "Anong ginagawa mo dito?" tumayo ako, sinalubong ko ang bruha na halos hingalin sa kakatakbo. "Ano pa ba, Edi makiki-kain.." "Akala ko may lakad kayo?" "Hindi na natuloy.." "Bakit, Tungkol saan ba ang pupuntahan niyo?" pag-uusisa ko ng wala sa oras. "Hindi ako sigurado kung enagagement party, basta.." luminga ito sa pintuan ng bahay, kumukurba pa ang nguso na akala mo'y isang chismosang kapit-bahay. "May pa videoke yata ang panganay ha.." "Oo, Walang hiyang boses, Ang sarap panakot sa batang umiiyak.." natawa siya sa sinabi ko, ang isang 'to ay may magandang tinig rin katulad ko, Mapaglait na kung mapaglait, may ipagmamalaki naman. "Hindi mo ba muna ako papakainin?" napangiwi ako sa tanong niya, hindi talaga nito pinapabayaan ang sarili. "Patay gutom.." sagot ko, hindi mawala ang pagkaka-arko ng kanyang nguso. "Ikaw ang nag-imbita sa' kin dito, Ambad mo!" inilingan ko na lamang ito sa tinuran niya, iginaya ko siya papasok sa maingay na sala, Pagpasok ko pa lang ay agad tumama ang paningin ko kay thor, Nakaupo ito sa mahabang sofa, katabi si tristan, maging si ate ay naroon rin, ano ba ang aasahan ko? Mag-syota ang dalawang iyan, Humanda talaga si ate sa' kin bukas. "Nariyan na pala ang bisita mo, mara.." si mama, may dala na namang pagkain, ang swerte naman ng mga kaibigan ni ate at binusog ni mama. Samantalang ako ay ginisa lamang ang kinain kaninang agahan. "Mano po.." napawow ako kay beka, marunong pala itong gumawa ng tradisyon sa mga matatanda, akala ko'y puro pagkain lang ang laman ng utak nito. "Kumain ka na, Hija.." mas lalo akong napawow kay mama, Mapapa-sana all ka na lang sa mga bisita ni ate. Nagtungo kami sa kusina ni beka, Hindi kami nakisama sa salang iyon, para lamang sa bisita ang espasyong meron ang bahay. Si beka lang naman ito, hindi naman maarte. "Hindi ba ako pweding maupo doon?" binabawi ko na ang aking sinabi, nakita lamang si thor ay naging pusa na kung humarot. Aba't mapapalamon ko ito ng salad nang wala sa oras. "Sige na, aki. Ngayon ko lang naman makakasama si storm, Naku! Ang gwapo niya! Maaari na akong mamatay bukas kung makakatabi ko ito.." Halos mapairap ako sa kanyang isinambit, Mamatay talaga! Iyong lalakeng kinahuhumalingan mo ay may kapareha na! "Edi mamatay ka na.." nabulunan ito sa sinagot ko, hinagip niya ang pitsel at agad nagsalin ng tubig, nanlalaki ang mata niya ng matapos itong uminom. "Ang sama mo talaga sa' kin, Naroon naman din si tristan ng buhay mo, edi makisama ka na rin!" "Wala ako sa kundisyon.." "Kung ganon ay ikukundisyon kita.." sumilip ito sa pintuan ng kusina, akala ko ay anong gagawin niya doon ng bigla ay sumigaw siya. "Tristan! May sasabihin daw sa'yo si aki!" hinila ko ito, anong kaisip batang ginagawa niya! "Hoy, Nasisiraan ka na ba! Baka marinig ka ni mama!" Nagkibit balikat ito, "Wala naman si tita.." sumilip ako sa hamba ng pinto, muli ay naibalik ko ang ulo ng makitang nakatingin si tristan sa gawi ko, Kasalanan lahat ito ni beka! "Doon ka na nga sa labas!" itinaboy ko ito, tinulak ko siya palabas ng kusina, Baka kung anong isipin ng lakakeng iyon. Malalagot pa ako kay mama kung nagkataon. Saktong pagpihit ko patalikod ay nadinigan ko ang yapak papalapit sa' kin, Akala ko'y si beka iyon kaya mabilis akong humarap at agad ay siniringan siya. "Hindi ba't sinab---" hindi ko na natuloy ang sasabihin, naitikom ko ang bibig sa eksenang ito, kumurap ako dalawang beses baka sakaling namamalik-mata lang ako. Ngunit hindi, totoo siya. "M-may k-kailangan ka?" nagkanda-utal utal na ako sa sariling kaba, Ang puso ko ay hindi humuhupa sa pagkabog, Ano 'bang meron sa lalakeng ito? "Kukuha lang sana ako ng baso.." sagot niya, I nodded to times before i turn my gaze on sink, I simple bite my lower lip to enhance the small smile right here, Nababaliw na ako. "Ikukuha kita.." nagtungo ako sa basohan, Nang makitang blanko ang laman 'non ay napangiwi ako, hugasin pala lahat ng baso, Oo nga pala! Nakatoka pala ako ngayong gabi para maghugas! Nilingon ko si thor, naghihintay ito sa gilid ng lamesa. "Ipaghuhugas lang kita saglit, Hintayin muna lang ako sa labas..." nakatitig ito sa' kin, pakiramdam ko'y kakapusin ako ng hininga dahil sa ginagawa niya, bakit sobra kung makatingin ito? "I'll wait you here.." wala sa sariling naglakad ako, nagtungo ako sa hugasin at doon kumuha ng baso. "Nursing pala ang kurso mo?" bigla ay nagsalita ito, hindi ko naramdaman ang pagtangka niyang paglapit sa pwesto ko, nangangatal na talaga ang kamay ko sa paghawak ng baso. "O-oo.." muli ay kinagat ko ang pang-ibabang labi, kanina lang ay nag-iinit ang ulo ko rito, hindi ko alam na kakalma ako ngayong kausap ko siya. "Napaka-galing 'mong sumagot kanina, Nakita ko iyon.." naalala ko na naman ang eksena kaninang umaga, naroon nga siya at nakikinig, Sa dami ng studyanteng nasa labas ay siya agad ang nakita ko. Siguro nga ay matindi na agad ang paghanga ko sa kanya. "Natural lang na alam ng isang katulad ko ang sagot doon.." medyo mag pag-mamayabang ako ng sabihin iyon, "Lahat ng tao ay alam ang sintomas at sign sa lagnat, napaka-dali lang ng tanong.." tumango-tango ito, hindi ko alam kung kailan ako matatapos sa kakasabon ng mga baso. "Kung ganon ay pasado ka sa' kin.." "Ayy walang hiya!" nabitawan ko ang baso dahil sa binitawan niya salita, pasalamat na lang ako at nasa loob pa iyon ng lababo kaya hindi nabasag. "Oh, Are you okay?" tumango ako, hindi na ako makatingin sa kanya. "A-anong ibig 'mong sabihin?" binalewala ko ang pagka-hulog ng baso. Nais alamin kung anong pinupunto niya sa sinabing iyon. "Nothing, Dont think about that.." napanguso ako, binanlawan ko ang nahugasang baso. "Siguro ay maaari na kitang kunin na personal nurse pag nilagnat ako.." pinag-taasan ko siya ng kilay, personal nurse? Hindi ba pweding personal Girlfriend? Sh*t, Mara! Bawal na, Locked na ang puso niyan! "Mahal ang kinukuha 'kong bayad kung sakali.." sagot ko, kunwari ay naging mataray na. "Mababayaran kita sa nais mo, Ilang halik ba ang gusto mo?" "Ano?!" hind ko naiwasang mapasigaw, para akong kinilabutan dahil sa sinabi niya. Iisipin ko pa lang na hahalikan niya ako ay hinihimatayin na ako, paano pa kaya kung totohanin niya na! Oh my god! Pwedi 'bang doon kami sa labas! Hays, Masyado ka ng maharot mara. "Your cute!" he pinched my left cheeks, napahawak ako doon ng kunin niya ang mga nahugasang baso, tumalikod na ito palabas ng kusina at iniwan akong tulala sa sinabi niya. May kalandiang taglay rin pala ang thor na 'yon. __ Malinis lahat ng kasangkapan sa kusina, Pasado alas diyes ng mapatingin ako sa orasan, Maingay pa rin sa sala. Kanina lang ay narinig ko pa ang pagkanta ni beka na ubod sa lamig ang tinig, simula 'non ay wala na akong narinig na humirit pa sa mga kaibigan ni ate, siguro ay nahiya sa boses ni beka na mala-Regine lang naman. Nasa bungad ako ng pintuan, narinig ko ang paboritong kanta sa speaker ng bahay habang papalabas sa kusina, Akala ko'y si beka ang kakanta doon ngunit ng makarinig nang panibagong tinig ay nahinto ako sa pagtangkang pag-labas. ?Ang pag-ibig ay sadyang ganyan? ?Tiwala sa isa't-isa'y kailangan? ?Dati mong pag-ibig wala akong pakialam? ?Basta't mahal kita kailan pa man? Humakbang ako palabas, Nais kumpirmahin kung kanino himig ang naririnig ko, Ang tinig niyang napaka-sarap sa pandinig, Para ka nitong hinehela sa bisig niya tuwing bibigkasin nito ang bawat lyriko ng kanta. Ito ang paborito 'kong kanta, Kahit makaluma ay gustong gusto ko. ?Huwag kang mag-isip ng ano pa man? ?Mga paliwanag mo'y di na kailangan? ?At kahit ano pa ang iyong nakaraan? ?Mamahalin kita maging sino ka man? Simula pagtapak ko rito ay agad akong binungaran ng titig niya, Pakiramdam ko'y sa akin niya inaalay ang kantang hinihimig nito. Sabihin na nating katabi niya si ate ngunit ang paningin nito'y na sa' kin. ?Mahal kita pagka't mahal kita? ?Iniisip nila'y hindi mahalaga? ?Mahal kita maging sino ka man? Sumaliw ang kuryo ng musika, napaka-ganda sa pandinig nito. Lumulukso ang kilig ko sa loob kahit hindi tama, mali ang umibig sa lalakeng may mahal na. At lalong mali dahil kapatid ko iyon, Nagtataka ako kung bakit ganito na agad ang pagtingin ko sa kanya. Masyado akong gumagawa ng sariling konkolasyon sa isip ko. ?Mali man ang ikaw ay ibigin ko? ?Ako'y isang bulag na umiibig sa'yo? Para akong sinapol ng kanta, Nag-iwas ako ng tingin, hindi ba ito nahihiya dahil sa akin siya nakatitig? Napaka-lapastanganan niyang nobyo! Nakatingin na si ate sa' min, hindi dapat na makipag-titigan rin ako sa kanya. Bago pa man matapos ang kanta ay nagtungo na ako sa labas ng bahay, Masyadong pafall ang thor na' yon! Naglakad ako padiretso sa kanto, Malinawag pa sa labas dahil sa mga poste ng ilaw, syempre marami 'pang tambay sa daan, hindi na nawawala ang mga tambay dito sa bawat kanto. Nagtungo ako sa tindahan ni aling rusing, laking pasasalamat ko na nakabukas pa ito sa ganitong oras. Inilabas ko ang barya sa bulsa, Tumawag ako doon na agad naman niyang nilabasan. "Ano iyon mara?" "Pabili po ng soda.." ibinigay ko ang halaga ng binibili, nauhaw ako sa eksenang iyon kanina, para akong tinuyuan ng lalamunan dahil sa mapag-akit niyang titig. "Isang yosi!" nabaling ang paningin ko sa tabi, Nangunot ang noo ko ng makita ang lalakeng suplado? Yosi? Kung ganon ay naninigarilyo din ang isang 'to? "Humihithit ka rin?" nilingon ako nito sa katanungan ko, ini-abot ni aling rusing ang mga nais namin bago siya sumagot. "That's a violation for republic act 9165.." laglag panga ako sa sinabi niya, ang abogadong ito ay hindi makausap ng matino kahit kailan. "I dont understand a thing!" naupo ako sa batuhang upuan sa tapat ng tindahan, ininom ko ang sodang binili habang siya ay lumalanghap ng nakakamatay na usok. "Comprehensive drugs, your word its not good to hear, humihithit? D*mn, Hindi magandang pakinggan.." "Tsk.." napangiwi na lang ako sa kaartehan niya, hindi ko alam kung bakit tila nabawasan ng kaonti ang paghanga ko rito, kung nasa sitwasyon ako noon ng lulong sa pagibig niya siguradong humandusay na ang magandang katawan ko dito. Nakakapagtaka, siguro nga ay napunta na lahat kay thor! Argh! Hindi siya pwedi! "Sinusundan mo ba ako?" "Sa iyo ba ako bumili?" aba't may sagot agad ang lawyer, masubukan nga. "Hindi, pero dito ka bumili.." "May tindahan pa ba bukod dito?" "Oo, doon sa kabilang kanto.." nakaturo ako palampas sa kalsadang malayo rito, tumingin siya doon bago sa' kin. "This is the very nearest store, do I need to go there for some smoke?" natiklop ako sa katanungan niya, sabi na nga at tatahimik na, hindi talaga ako mananalo sa abogadong ito, marunog talagang sumagot. "Pwedi naman.." nasagot ko na lamang, hindi ka mananalo mara, tumahimik ka na lang. "Tsk.." itinapon nito ang natirang yosi bago bumili ng candy sa tindahan, hindi ko pa man nauubos ang soda ng bigla ay umalis na ito. "Hoy Tristan!" tawag ko, Hindi man lang ako hinintay para may kasabay akong pauwi. "Eto ang bote!" inilapag ko iyon sa harap ng tindahan, tumakbo ako para habulin ang lalakeng ubod ng kasungitan. "Bakit hindi mo man lang ako hinintay?" hinihingal na ako ng mapantayan ko ito, grabe! Nasira ang outfit ko ngayong gabi. "Kasama ba kitang pumunta rito?" umikot ang mata ko dahil sa sagot niya, hindi na ako makikipagtalo. "Hindi, makikisabay lang.." "Masyado 'kang maingay." napanguso ako, kung maka-masyado wagas. "Maganda naman.." hindi ko na narinig ang pagsagot niya, pinantayan ko ang lakad nito hangga sa makarating kami sa tapat ng bahay. Kapwa kami nahinto sa paglalakad dahil sa eksenang nakita namin, ang paa ko'y parang napako sa kinatatayuan, ang mata ko'y hindi nilubayan ang dalawang bulto na naghahalikan sa may upuan. Pinilit 'kong lumunok, ngunit masyadong mabigat ang nararamdaman ko ng oras na ito. "Tsk, let's go.." napukaw ako ng hilain ni tristan ang kamay ko, pumasok kami sa loob habang hawak pa rin ako nito. Si thor ay may kahalikan sa labas. Ngunit hindi iyon si ate. Naguguluhan ako. ___ to be Continued. Kindly read my two stories, Leave a comment if your interested. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD