Chapter 16

2048 Words
Akimara Pov ('Girlfriend') BUONG maghapon akong lutang habang naglilinis, matinding pala-isipan ang sinabi ni thor kaninang umaga na importante ang nararamdaman ko para sa kanya. Naguguluhan ako kung bakit, nagkakaroon na rin ba siya ng pagtingin sa' kin? Natitipuhan niya ba ako kaya kung bakit lagi niya akong iniimbita sa galaan, nalilito ako kung tama ba na paniwalaan ko ang isip ko, pero baka mali ako at umasa lang sa bandang huli. Ipinahinga ko ang likuran sa sandalan ng kama, nasa kwarto ako dahil tapos na ang lahat ng trabaho. Wala ng gagawin at oras na ng pahinga, siguradong maaga akong makakatulog nito dahil sa pagod na natamo. Bumuntong hininga ako, ipinikit ko ang mata ngunit agad din nagmulat ng maalala si mama. Hindi ito sumagot kanina ngunit nag-iwan naman ako ng mensahe, gaya nung una ay wala na naman siyang sagot. Inabot ko ang cellphone at lalong nadismaya ng wala itong reply. Ano ng nangyayari kay mama? Hindi ba ako nito naaalala? Nagbukas ako ng f*******: at nagscroll upang libangin ang sarili, nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa tungkol sa isang bagong pelikula ng may mag pop sa notification ko. Agad ko iyong tiningnan at halos mamilog ang mata ko dahil sa nakita. Storm Salazar Sent a friend request. Wala akong nagawa kundi titigan ang screen ng cellphone ko, In-add niya ako sa f*******:? Uso pala sa kanya ang social media? Imbes na i-click ang accept ay ang profile nito ang una kong pinuntirya. Katulad sa personal ay mas gwapo ito sa picture niya, nakatayo siya at may gitarang nakasabit sa likuran nito. Tumaas ang kilay ko dahil doon, marunong siya mag gitara? Nag-scroll ako sa timeline nito, ang dami niyang friends ngunit kaonti lang ang pictures. Puro mga write post ang nasa wall nito na inuulan ng komento at likes, wow famous ha? '-Ang ganda ng crush ko sa nursing^.^-' naitikom ko ang bibig dahil sa post niyang ito, nursing? 321 comments, 460likes. Napanguso ako, ang daming likers. -'500 likes, yayayain kong magsimba si crush..-' Napalunok ako, masyadong assuming ang isip ko at pilit isinisiksik ang sarili na ako ang tinutukoy niya sa post na ito. Ang landi talaga, '-I stole a kiss!" Simpleng post lang iyon ngunit umabot ng isang libong kumento, hindi ko maiwasang basahin ang mga comments at lahat ay pinapantasyahan ito. Ang dami talagang patay na patay sa lalakeng 'to. "I see a girl crying in the shed.." Nangunot ang noo ko, matagal na ang post na ito at hindi ko alam kung bakit niya pa ito isinama sa wall niya? At dahil hindi na ako interasado sa ilang post nito ay in-exit ko na ang f*******: na hindi man lang tinugunan ang respond niya. Saka na lang pag napatunayan ko ng may gusto rin siya sa' kin. NAKATULOG ako noong oras din na iyon, pag-gising ko ng umaga ay wala pa rin text si mama o tawag man lang. Iniisip ko na lang na baka masyado siyang maraming ginagawa kaya hindi na ito nakakapag-cellphone man lang. Saka na ako mag-aalala pag hindi na talaga ito matawagan, sa ngayon ay iisipin ko muna kung anong mangyayari ngayong araw. Sunday na ngayon, at ito ang araw na lalabas kami ni tristan. Ito rin ang araw na hinihintay ako ni thor, naguguluhan ako ngunit hindi pweding i-ghost ang supladong attorney, baka mahatulan ako at mayari na. Kakatakot pa naman ang lalakeng 'yon. Tamad akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto, tutungo pa sana ako sa kusina ngunit bigla na lang may kumatok sa pintuan, napakamot ako sa ulo at iniisip kung sino ang mang-gugulo sa ganito kaaga. 'tok.. tok.. tok..' Nairita ako dahil sa sunod-sunod na katok, nagpapadyak ako at sinagawan iyon. "SANDALE!" Matindi ang pagkakasalubong ng kilay ko ng buksan ko ang pinto. Ngunit lahat ng kairitasyon ay tuluyang napawi at napalitan ng gulat. Sandali, anong oras na ba? "Kanina pa ako kumakatok, kamote!" Napamura ako sa isip, umagang umaga ay tinawag ako na kamote, bwisit. Ngunit teka lang, bakit ang aga niya? Wala pa akong hilamos at sipilyo, Ohmygod! Wala sa sariling inayos ko ang magulong buhok, kunot ang noo ni tristan habang nakatingin sakin. "Kakagising ko lang.." ani ko, umirap pa muna siya bago magsalita. "Halata naman, amoy kama ka pa.." bigla kong inamoy ang sarili dahil sa sinabi nito, napanguso ako ng maamoy ang gamit kong detergent. Hindi naman amoy kama, "Ang bango ko pa.." hirit ko, imbes na sagutin niya ako ay bigla na lang nito akong nilagpasan, feeling home talaga ang lalakeng ito habang nililibot ang mata sa buong sala. "Wala pa si tita?" napamaang ako, kailan niya pa tinawag na tita si mama? "Hindi pa ito umuwi.." nakangiwing tugon ko, umagang umaga may bwisita ako na ubod sa kasungitan. "Gusto mo ng mainit na inumin?" alok ko, umiling ito na may halong kasungitan. "Maligo ka na at magbihis, sa labas na tayo kakain.." napanguso ako, "Ang aga ng date ha.." pansin ko ang pamumula ng tenga niya dahil sa sinabi ko, medyo natawa ako dahil halatang nailang ito. "May maaga pa ba sa alas otso? tirik na ang araw.." "Maaga pa kaya, sa normal na katulad ko ay hindi sapat na magising ako ng maaga sa araw ng linggo.." natawa siya bigla, anong nakakatawa? "Normal ka pala?" sinamaan ko ito ng tingin, "Anong palagay mo sakin, abn*rmal?!" "Pwedi rin..." "Aba' t ika--" "Maligo ka na, ang baho mo.." dumiretso ito sa sofa at iniwan akong naiirita, kung dati ay kinikilig ako sa kanya ngunit ngayon ay naiinis na, Ang lakas kasing mag-asar. Nagtungo muna ako sa kusina upang gumawa ng sariling gatas, hindi ako makakaligo ng bagong gising. Lalamigin lamang ang sikmura ko kung hindi ko muna paiinitan ang aking tiyan. Hawak ko ang tasa ng lumabas sa kusina, nadatnan ko itong nakatayo habang may tinitingnan bagay na kulay itim. Medyo nagtaka ako ng makitang lighter iyon, ngunit kalaunan din ay bigla kong naisip si thor, Ohmygod! Kay thor 'yan! Naglakad ako palapit dito, kunot ang noo niya habang nakatingin doon. Huli na pala ang dating ko dahil nabasa na niya ang tatak doon sa bagay na 'yon. "This is thor thing.." aniya, lumapit pa rin ako at agad iyong kinuha. "Nagkakamali ka.." binulsa ko iyon, nag-iwas ako ng tingin dahil sa pagtaas ng kanyang kilay. "I know that lighter, I have it too, parehas kami.." nilabas niya rin ang kanya, nagulat pa ako ng makitang hawig nga nito ang hawak kong lighter. "A-ah kas--" "He went here last day?" "O-oo, n-nag-usap lang kami.." kumunot ang noo nito, halatang hindi nagustahan ang pinahayag ko. "Kayong dalawa lang?" "Agad rin naman itong umalis.." lihis na sagot ko upang mawala na ang kakatanong niya, ngunit hindi pa rin nagbabago ang napalitan nitong ekspresyon. Mapapansin mong hindi niya talaga nagustuhan ang nalaman. "Hindi mo kilala si storm, mara.." may bahid na pagbabanta ang tinig niya na animo' y pinaparating na hindi dapat kausapin ang lalakeng iyon, ngunit wala naman akong nakikitang masama sa pag-uusap namin, ewan ko ba kung bakit. Kahit anong pilit kong isipin na hindi siya tama ay hindi sumusunod ang pasaway kong puso. "May pinag-usapan lang kami, hindi naman iyon gaanong importante.." "Tungkol saan?" "Kailangan mo pa bang malaman?" bumuntong hininga siya sabay iwas ng tingin. "Storm is not good for you.." eto na naman ang mapagpayo na lalake, sino ba ang didikta kung sino ang nararapat para sakin? "Alam ko.." sagot ko, batid kong pinaparating nito na hindi tama na umibig ako sa kaibigan niya, alam ko naman na mali, pero anong magagawa ko kung nagkagusto ako sa kanya? "Im just giving you a advice, wag mong masamain.." napanguso ako, hanep na advice. "Ayoko lang mapabilang ka sa mga babaeng binibilang nito sa mga daliri niya.." mas lalo akong napanguso, wala na akong nababalitaan tungkol kay thor na may nilalabas siyang babae, palagay ko nga ay sa akin siya naglalaan ng oras. Napabuntong hininga na lang ako. "Maliligo na ako.." tinapos ko na ang usapang iyon at iniwan siyang nakatayo sa sala, ngayon ko lang napuna na may concern side pala ang supladong iyon. Suot ang kulay mustard na bistida ay bumaba ako mula sa kwarto, kumulang kalahating oras na naghintay si tristan kaya halos halata sa kanya ang kairitasyon. Hindi kasi ako nakapag-handa at problemado ako kung anong susuotin ko, mabuti na lang talaga at may ilang dress na naiwan si ate sa closet niya. Salamat na lang talaga. "Ang bilis mo ha.." syempre sarkastiko ang pagkasabi niyang iyon, nginitian ko na lang siya na ubod ng tamis. "Fisrt date natin ito dapat lang na maganda ako.." hindi ito nakasagot sa pang-aasar ko, medyo napamaang siya at sa huli ay nag-iwas na lang ng tingin. Kaonting pag-aasar lang pala ay titiklop ang lalakeng ito. Nauna siyang lumabas ng bahay, maging ng sumakay siya sa kotse ay hindi man lang ako pinagbuksan. Ang sweet talaga ng date ko, napaka-gentleman. "S-saan tayo pupunta?" tanong ko, medyo nahiya ako dahil sa mga maingay na chismosa sa harapan ng bahay namin kanina. Syempre nagtataka ang mga iyon kung bakit may kotse sa harapan namin, lalo pa silang nagulat ng lumabas ang gwapong si tristan. Hindi talaga natago ng mga ilang dalaga ang kilig. Nakakahiya tuloy sa lalakeng 'to. "Kailangan 'mong humingi ng dispensa.." aniya habang diretso ang tingin sa daan. "Huh, kanino?" "Sa lola ko.." "WHAT?!" tumaas ang boses ko dahil sa narinig, hihingi ako ng dispensa sa lola niya? Paano iyon, patay na siya e. "Kamote ka talaga.." ayan na naman ang binansag niya sakin, nakakainis na ha. "Hindi mo ba nakuha ang sinabi ko?" Nagkaroon na ako ng kaonting ideya kung saan kami pupunta, medyo nagulat lang talaga ako dahil hindi pa umaandar ng tama ang utak ko, tsk. Napanguso ako. "Dadalawin natin ang lola mo.." "Exactly.." umismid ako. "That's her last gift for me, and i supposed to treasure it. pero dahil nasira ng dahil sayo ay medyo nagkaroon ng damage, ang hirap solusyunan.." "M-may bago naman akong pinalit..." hindi na ito sumagot sa sinabi ko, bumuntong hininga na lamang at batid kong ayaw niya ng makipagtalo. Ang galing lang dahil pinipigilan nito ang ugali niyang kasungitan, kung dati ay siguradong nakasigaw na siya at mainit na ang ulo, hindi ngayon. Nanatili na lang siyang tahimik at seryoso ang tingin sa daan habang nagmamaneho, nagbago na yata ang nakilala kong tristan cristobal. NARATING namin ang puntod ng kanyang lola sa loob ng isang oras, malayo ang lugar nito ngunit marami din taong narito upang bumisita sa pumanaw nilang kaanak. Tahimik si tristan habang hinahawi ang ilang tuyong dahon na natabon sa ibabaw ng bawat pangalan. Sumusunod ang bawat hibla ng kanyang buhok sa katamtamang lakas ng hangin, napaka-amo ng kanyang mukha at iyon mismo ang nagustuhan ko sa kanya noon. Maging ang mapupungay nitong mata na pumapares sa perpektong hubog ng kanyang ilong, ang gwapo talaga. "Hangga kailan mo ako titigan?" dalawang beses akong kumurap sabay tingin sa pangalan ng kanyang lola, hindi ito nakatingin sakin pero alam niyang pinagmamasdan ko siya? Ang galing talaga. "Kumusta po, lola?" binalewala ko ang sinabi niya, ramdam ko ang paglingon nito sakin ngunit nanatili na ang tingin ko sa ilalim habang nakatayo. "Pasensya na po sa nagawa kong kasalanan, hindi ko po intensyon na sirain ang pinakamamahal na jacket ng inyong gwapong apo.." dinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya hindi maiwasang sulyapan ko ito, mabilis na napalitan ang ekspresyon niya at pinantayan ang tayo ko. Napanguso ako ng titigan ako nito sa mata, kunot ang noo at parang may kung anong pinagmamasdan. "Seryoso ka ba sa paghingi ng dispensa?" nanatili siyang malapit, hindi ko alam kung sasagot ako o ano, pero sa huli ay tango na lamang ang nagawa ko. "Mabuti naman.." aniya ng tumango ako, magsasalita pa sana ako ngunit bigla na lang may sumigaw na umagaw sa atensyon namin. "ANAK!!" nagmamadaling lumapit ang magandang ginang sa pwesto ni tristan, "Nandito ka na pala!" niyakap niya ito ng ilang segundo bago bumaling sakin, nakangiti. "Goodmorning po.." bati ko, mas lalong lumapad ang ngiti niya at muling bumaling sa anak. "Is this your girlfriend, anak?" Nilingon ko si tristan upang humingi ng tulong ngunit gaya ko ay nabigla rin ito sa tanong ng kanyang ina. "Yieee, binata na ang anak ko! May girlfriend na.." Girlfriend? Mygod, Nalintikan na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD