Chapter 15

1409 Words
Akimara Pov. ('Kapatid') Malamig ang hangin na pumapasok sa bintana, may kaonting sikat ng araw na pumapasok doon kasabay ng paghuni ng dalawang ibon. Unti-unting nagising ang diwa ko dahil sa lamig ng panahon ngunit nanatili akong nakahiga sa kama. Sabado ngayon at walang pasok, sobrang bilis talaga ng panahon at weekend na naman. Parang kailan lang ng yayain akong lumabas ni tristan noong isang araw, nakakagulat man ay hindi ko na iyon masyadong sineryoso. Utang iyon at ang tanging kapalit ay ang pagsama ko sa kanya bukas. May nalalaman pa siyang 'you owe me a date' kakilabot na linyang 'yan. Umupo ako sa kama at tinaas ang dalawang kamay, nakakatamad ngunit kailangan kong bumangon upang linisin ang bahay at maglaba. Linggo na bukas at baka umuwi na si mama, hindi niya dapat madatnan ang bahay na madungis. Siguradong masesermonan na naman ako at baka sumpungin ng kaistriktuhan. Malalagot ako kung nagkataon. Tumayo ako dala ang towel, nagtungo ako sa banyo upang maghilamos lamang. Mamaya na ako maliligo dahil pagpapawisan lang rin ako. Mahaba-habang araw na naman para sa paglilinis. Matapos iyon ay naghanda ako ng simpleng almusal, binuksan ko ang speaker at nagplay ng tagalog mild music. Idolo ko talaga ang mga makalumang kanta, hindi ko alam kung bakit sa edad kong ito ay hindi ako nahilig sa mga bagong tugtugin, All i want is classic and old songs. Habang tumutugtog ang musika ay nagtungo muna ako sa tindahan, wala akong load at nais ko sanang makausap si mama kung makakauwi ba ito bukas. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakakausap at nagtataka rin ako kung bakit wala man lang siyang mensahe upang maghabilin. Siguro ay ubod siya sa pagka-busy kaya hindi niya na magawa. Nasa gilid ako ng kalsada habang iniisip si mama ng matanawan ko ang pamilyar na tindig, nakayuko itong nakasandal sa pader. Gaya nung unang kita ko dito ay naninigarilyo na naman siya. Walang pinagbago, maging ang ayos at itsura nito ganun parin, gwapo as always. When our eyes meet i immediately look away, nag panggap akong hindi ko siya nakita at dumiretso ako sa tindahan. Kumakabog na naman ang puso, mababaliw na naman ako habang narito siya sa paligid. Ano bang ginagawa niya dito? Ilang araw ko siyang hindi nakita at ang huling pagkikita namin ay noong gabing may kasama siyang iba. Hindi man lang kami nakapag-usap 'non, syempre hindi niya rin naman ako pinansin. Dapat lang na iwasan ko ito dahil hindi na siya nakakabuti sa kalusugan ng puso ko. Pansin ko ang paglapit nito sakin, maging ang pabango niya ay nalalanghap ko ngunit hindi ko siya nilingon. Kinuha ko ang papel at doon sinulat ang numero ko upang ibigay sa tindera. "Kumusta, mara?" halos magsitayuan lahat ng buhok ko sa tenga ng magsalita siya, buong buo ang boses niya at napakalambing. D*mn, anong malambing? Sinulyapan ko ito, pinilit kong hindi maging interesado sa presensya niya ngunit parang natutupok ang sarili kong katatagan sa mukha nito. Napalunok ako at muling nag-iwas ng tingin, hindi makasagot at walang masabi. "May gagawin ka ba ngayong araw?" eto na naman ang malambot niyang tinig, nakaka-leche at gusto ko ng umuwi. sinasadya niya yatang palambutin ang boses niya upang madala ako. "Abala ako ngayon.." malamig na tugon ko, nagbayad ako sa tindera at agad ng tumalikod. Ngunit eto siya at nakasunod sakin, ano bang kailangan niya? "Ikaw talaga ang hinihintay ko.." medyo natigilan ako sa sinabi niya. "Nahihiya kasi akong dumiretso sa bahay niyo, baka may ginagawa ka.." huminga ako ng malalim bago ito balingan. "Ano bang sadya mo?" mataray ako kung magtanong, pansin ko ang pagkurba ng labi niya habang mataman kung tumingin. "May sasabihin lang sana ako sayo.." "Tungkol saan?" agarang tanong ko, nagmamadali at pinaparamdam ang kasungitan ko. "Hindi mo ba muna ako yayain sa inyo?.." may inangat itong plastik, sa sobrang kalutangan ko ay hindi ko man lang namalayang may dala siya. "Binilhan kita ng lugaw.." napangiwi ako, ano na naman klasing lugaw yan? Baka may mata na naman at ano anong sangkap. "Itlog lang ito.." segunda niya ng mapansin ang pagbabago ng itsura ko. "Marami akong trabaho sa bahay, hindi ba pweding dito na lang?" "Kailangan mo ba ng tulong?" marahas akong bumuntong hininga, nauubusan ng pasensya ngunit ayoko naman maging masama sa kanya. "Bibigyan kita ng ilang minuto, matapos 'non ay umalis ka na..." Naglakad na ako pauwi at hinayaan itong nakasunod, nakakaramdam ako ng inis at may parte sa pagkatao ko na nagtatampo. Ngunit anong karapatan kong mag demand ng eksplanasyon kung wala namang kami? Hindi naman tamang itanong ko na bakit hindi ka nagparamdam at nagpakita ng ilaw araw? Sino iyong babaeng kaakbayan mo sa birthday ni beka? Tsk. Mababaliw na ako. "Maupo ka.." ani ko, umaandar pa rin ang dvd at mga old song na pinatugtog ko kanina. "Gusto mo ng kape?" "Hindi.." sagot niya, nakaupo sa sofa at diretso ang tingin sakin. Muli akong umiwas at tinungo ang speaker upang patayin iyon. "Diretsuhin mo na ako, thor. Marami akong gagawin at naaabala mo ang oras ko.." napamaang ito sa sinabi ko, halatang nagulat ngunit agad rin bumuntong hininga. "Tungkol sa pinag-usapan natin noon.." paunang anas niya, nangunot ang noo ko dahil wala naman akong matandaan. "Niyaya kitang pumunta sa bahay, bukas.." pinaglapat ko ang labi ng matandaan ang sinabi niya. "May p-pupuntahan ako bukas.." sagot ko, bukas ang lakad namin ni tristan at hindi pweding lumiban ako sa araw na iyon. May utang pa ako dahil sa pesteng jacket na 'yon. "Ayos lang, kahit anong oras naman pwedi.." "Hindi ko maipapangako thor, atsaka pa. Wala naman din akong gagawin sa inyo.." bakit niya ba ako pinapapunta sa kanila? "Importante kasi ang araw bukas.." napanguso ako. "Bakit kailangan ako ang kasama mo? Nasaan iyong babaeng kasama mo sa party?" "Umuwi na siya kahapon.." parang wala man lang sa kanya ang tanong ko, kung makasagot ito ay akala mo' y hindi iyon big deal sakin. "Kahapon?" tanong ko, kung ganon ay matagal silang nagkasama? Kaya naman pala abala ito at hindi nagparamdam. "Oo, kailangan niya ng umuwi.." Umirap ako sa hangin. "Edi tawagan mo ito uli, wag na lang ako. Importante naman pala ang araw bukas.." "Ikaw ang gusto kong kasama.." "Bakit ako?" nagiging mataray na ako, pakiramdam ko ay pinaglolok* ako ng lalakeng 'to. "Ikaw ang gusto ko.." Naitikom ko na naman ang bibig, kumakabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Ako ang gusto nito? Anong ibig sabihin 'non? "Hindi ako pwedi, iyong kaakbayan muna lang noong gabi ang imbitahan mo.." nanatili akong nakatayo, iwas ang tingin at naiirita. Ngunit ang lalakeng ito ay tumikhim lang, doon ako napatingin sa nakangisi niyang labi. Anong nakakatawa? "Marami siyang gagawin at hindi ko ito maabala.." "Talaga lang ha?" nakataas na ang kilay ko, nakakainis lang kasi na kasama ko palang siya noong lunes tapos may iba naman pala itong pinagkaka-abalahan. "Wag na lang, baka magalit pa iyong kasama mo.." para akong nagtatampong nobya kung pakikinggan, bakit ako nagkakaganito? "Kapatid ko iyon, mara.." Nagulat ako dahil sa sinabi niya, kumurap pa muna ako upang pigilan ang namumuong pagkapahiya sa sarili. Para akong nagseselos kanina ngunit minsanan lang nitong inalis iyon. Pero hindi, kapatid? Ganoon kasweet? "Naka-akbay ka sa kanya, thor.." hindi pa rin ako kumbinsido, sobrang dikit talaga nila noong gabing iyon, imposible. "Malabo ang mata ni lexi, kailangan siyang suportahan sa medyo kadilimang lugar.." paliwanag nito, medyo nakangiti. "Isinama ko siya doon dahil hindi ito maiwan sa apartment, birthday niya at dinalaw ako nito.." hindi na ako makatingin sa kanya, mukhang hiningi ko pa ang paliwanag nito, halatang interesado tuloy ako. "Whatever.." sagot ko, nakatingin pa rin sa gilid. "Iyon lang ba ang sasabihin mo?" "Iyon lang, gusto ko sanang makapunta ka.." "Ano bang meron bukas?" "Malalaman mo kung dadating ka.." tumayo ito, may parte sakin nais kong pumunta ngunit nagdadalawang isip ako, bakit kailangan ako ang kasama niya? "Hindi pa rin ako sigurado.." "Ayos lang, I'll wait.." inilapag nito ang dalang plastik sa gitnang lamesa, nakangiti pa rin. "Naging abala ako nitong nakaraang araw dahil may problema sa bahay, umuwi muna ako kasama si lexi.." "O ngayon?" "Akala ko nagagalit ka.." pinagsikop ko ang braso at hindi tumingin dito, may talento ba siyang magbasa ng isip, ang galing lang. "Hindi ako galit, wala naman akong karapatan.." "Pero sasabihin ko pa rin ang dahilan, ayokong magkaroon ka ng sama ng loob sakin.." "Ano bang sinasabi mo, thor?" "Sa ngayon importante ang nararamdaman mo para sakin.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD