Tristan Cristobal Pov.
(You owe me a date)
The distance between love and like its really different, ang like na kung tawaging paghanga ay madali lamang iyon mawala.. Hindi katulad ng love na kung papanain ka talaga ni kupido ay kakaiba ang mararamdaman mo, pilit mo mang ayawan iyon ay wala ka ng magagawa kung sapul ang pana na 'yon sa puso mo.
That' s what I' ve learn based on my experience, Unang klase ng pumasok ako sa campus.. Ito ang huling taon na makakapag-aral ako dito, matapos ng isang taon ay muli akong mag-aaral ng anim na buwan upang sumalang sa board exam.
Tahimik ang paligid dahil napaka-aga pa, balak ko sanang lumiko upang tumungo sa library ng bigla ay matigilan ako sa babaeng nakatingin sa white board.
Hindi ko batid kung bakit ng oras na ito ay tinitigan ko siya, salubong ang kilay nito habang binabasa ang schedule na naroon, natawa ako ng hagurin nito ang buhok niya at pumamewang sa harapan. She' s nice cute..
Araw-araw ko siyang nakikita ng mga sumunod na linggo, napansin ako ng babaeng iyon ng madalas akong dumaan sa silid nila. Nang araw na ring iyon ay lagi ko itong nahuhuling nakatingin sa' kin, itanggi ko man ngunit natutuwa ako sa tuwing mapapatingin siya.
Sa sumunod na buwan ay nalaman kong hinahangaan ako nito, hindi ako nagpakita ng interes dahil na rin sa paghanga lamang ang nararamdaman niya. Sinusungitan ko ito sa twing magkakausap kami, bawat pagsasama namin ay laging may bangayan. Dumating pa sa puntong nag-iiba na ang pagtingin ko.
Hindi ko ito gusto, masyado pa siyang bata at hindi sapat na may gusto siya sa' kin.. Hindi muna ngayon siguro.
Ngunit lahat ng kahindiang iyon ay tinupok ng kakaibang pakiramdam ngayon, Seryoso itong naglalakad habang nakasunod kay jonas.. Sumigaw ang kaibigan nito upang mapangiwi siya.
Napailing ako ng biglang mapahinto ako sa ayos niya ngayon.
D*mn, She' s really beautiful..
"Joskoday, your really gorgeous.. sabi na nga ba at babagay yan sayo, pwedi ka ng sumalang sa kama!"
Tsk, bunganga talaga ng kaibigan niya.
Lumapit ako upang kuhanin ang atensyon nila, Lumingon si mara ngunit panandalian lamang iyon dahil muli itong pumihit paharap.
Kamote talaga..
"Goodevening.." she remain her possition, hindi lumingon at halatang ayaw talagang lumingon. "Kamote.."
Salubong ang kilay niya ng balingan ako nito, masama ang tingin. "Did you call me kamote again?!" she hissed, ngayon ko lang ito natitigan sa ayos niya. She' s wearing a lipstick tonight, blush on and high ponytail.. D*mn, All i can say is.. She' s definitely beautiful.
"tsk.." I divert my eyes on her, I can' t take any longer by looking on her lips..
"Hinahanap mo daw ako?!" nilingon ko ito, pilit siyang nagmamatapang sa itsura niya ngunit halata naman ang pagkailang.
"Bakit naman kita hahanapin?"
Natigilan ito.. "S-sabi k-kasi n--"
"Tara doon tayo!" hindi na nito natuloy ang sasabihin ng sumingit ang kaibigan niya, hinagod nito ang leeg kaya doon mismo tumama ang mata ko. Mabilis akong nag-iwas ng lingunin niya ako.
"A-ah, mamaya ko na lang ibibigay yung jacket mo.."
"B-bahala ka.." ani ko, ngumuso siya. "Sumunod ka na sa kaibigan mo.." utos ko, hindi nakatingin.
"Hindi mo talaga ako hinahanap?" lumapit siya, umatras ako at agad siyang sinamaan ng tingin.
"Why do you need to move closer?!" napairap ito.
"Ang O.A mo naman, parang lapit lang.. Wala naman akong sakit.."
"Hindi muna kailangan lumapit.." ganting anas ko, umismid itong muli bago mapalingon sa bagong dating lang na bisita.
It was storm with another girl, He' s holding her shoulder when enter the place. Nilingon ko si mara na nanatiling nakatitig kay storm, I know her feelings now. Base sa nakikita ko ay nabaling na kay thor ang pagtingin nito na dati ay na sa' kin. Malaking pagsisisi iyon ng mapuna kong wala na siyang nararamdaman, hindi ko na sana inisip na menor de edad pa lamang siya.
"Mara.." tawag ko upang agawin ang atensyon niya, nilingon ako nito. Doon lang napatingin si storm ng hindi na nakatingin si mara.
"A-ano, m-may sinasabi ka ba?" pansin ko ang pag-igting ni storm, bago pa ito makalapit kay mara ay hinila ko na siya paalis doon.
"S-sandali l-lang.."
"Maupo tayo doon.." paliwanag ko, lumapit kami sa lamesa nila jonas at doon ay ipinuwesto siya sa dulong bahagi.
"Uyyyy ang lovebirds nandito na!!" pag-aasar ng mga ka-senior ko, gaya dati ay hindi ko iyon binigyan pansin, sanay na ako..
"Bigyan natin ng inumin si hernandez!" bigla ay sigaw ng isang babae, batchmate din at nasama lang sa mga senior.
"Hindi siya umiinom.." ani ko, ramdam ko ang paglingon ni mara sa' kin ng sabihin ko iyon.
"Ayos lang naman.." sinamaan ko ito ng tingin.
"Your just 17, mara.." halatang nagulat ito.
"Alam mo?" nag-iwas ako ng tingin sabay kuha sa nakalahad na inumin para sa kanya.
"Huwag kang masyadong uminom.." natawa ang karamihan dahil sa inasal ko, hindi naman maaaring sabihin kong instalk ko siya noon, mabubuking ako.
"Si tristan talaga protected boyfriend!" sigaw ng isang lalake sa lamesa, Naiiling na lamang ako bago lingunin si storm na saktong papalapit sa mesa.
"Oh si storm, nahuli na naman!"
"Sinundo ko pa e.." aniya, tinutukoy ang kasama. Nilingon ko si mara ng minsanan nitong lagukin ang hawak na baso, napatuwid ako ng upo dahil sa pag-ngiwi niya.
"Hindi naman juice yan mara!" asik ko, tinawanan niya lang ako matapos balingan ng tingin si storm. "Last na 'yan!" sinulyapan ako nito, nakalabi.
D*mn, bakit kailangan niyang lumabi ng ganyan?
"Isa pa.."
"Tama na.." ngumuso ito, nagpapacute sa' kin.
"Sige na, tristan.. Masama talaga ang araw ko ngayon.." napabuntong hininga ako dahil sa muli nitong pagsulyap kay storm, nakaakbay siya ngayon sa katabi niya.
"I-uuwi na kita kung gusto mo.." pag-aagaw ko sa kanyang atensyon, umiling ito.
"Gusto ko ng isa pa.." narinig iyon ng kasamahan namin.
"Bigyan pa daw ng isang shot si hernandez!" agad nagsalin ang isa at mabilis na nilahad iyon kay mara, tipid na ngiti ang iginawad nito matapos kunin iyon.
"Malalasing ka kamote." sermon ko, nginitian niya lamang ako.
"Kasama naman kita.."
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi nito, "May pasok ka pa bukas.."
"Alam ko.." aniya, muli ko siyang binalingan at doon ay nahuli ko na naman itong nakatingin kay storm, marahas akong bumuntong hininga bago ito hilain paalis doon.
"Oh, Lovebirds! Magsosolo na ba kayo!"
Hindi ko na binalingan ang sumigaw at tumawag sa table na iyon, they're must misenterpret what were doing..
Hindi ko na rin nais makita ang pagsulyap sulyap ni mara sa lalakeng iyon, ano ba ang iniisip ni storm at bakit ganun siya kung kumilos.
Tama ba ang iniisip kong pinaglalaruan niya lang si mara.
"T-tristan saan mo ba ako dadalhin?!" si mara, medyo iritable ng makalabas kami doon. Binitawan ko ito ng matapat kami sa kotse.
"I-uuwi na kita, mara.." pinangunutan niya ako ng noo.
"Bakit?"
"Hindi ka dapat umiinom sa loob.." pagdadahilan ko.
Inirapan ako nito, mapupungay ang mata niyang nakatingin sa loob.. "Maayos lang naman ako, kung masobrahan man ay dito na lang ako matutulog.." hindi ko gusto ang ideya niyang iyon, kahit kailan ay hindi talaga siya nag-iisip.
"Ihahatid na kita.."
"Bakit ba atat kang ihatid ako?" natatawa na siya, "Sabihin mo nga, gusto mo ba akong masolo?" hindi ko makuhang matawa sa isinambit niya, mukhang natamaam na ng alak.
"Kung oo, uuwi ka na ba?"
"Bakit gusto mo akong makasama?" tsk, ang kulit talaga.
"Gusto ko lang, tigilan muna ang kakatanong.. Uuwi na tayo.." binuksan ko ang pinto ng kotse, nakangisi pa rin ito ng pumasok at maupo sa loob.
"Are you starting to like me, tristan?" hindi ito tumigil sa kakatanong, nakakarindi.
"I already like you, is that enough to keep your mouth shut?" asik ko ng hindi nakatinigin, wala akong natanggap na sagot kaya panandalian ko itong nilingon. Gulat siyang nakatitig sa' kin bago iiwas ang paningin sabay tawa.
"B-binibiro lang naman kita, seryoso agad.."
"Hindi ako nakikipag-biruan, mara."
"Huh, talagang gusto mo ako?"
"Hindi ka talaga titigil sa kakulitan?" lumiko ako patungo sa daan papunta sa kanila, siguro naman ay makakauwi na kami ay tapos na itong magtanong.
"Tsk, alam mo.. gusto kita.." anas niya, medyo nagulat ako ngunit pinatili ko lang na kalmado ang sarili. Alam ko naman ang tungkol doon.. "Ngunit dati iyon, hindi na sa ngayon.. naguguluhan rin ako kung bakit ganon kabilis ang nangyari.." napabuntong hininga ako, ito ang pagkaka-alam ko sa like.. Ang nararamdaman ni mara ay simpleng paghanga lang na madaling mawala. Hindi katulad ng love, hind ako siguro kung tama ang nakikita kong paghanga niya kay thor.
"Gustong-gusto talaga kita noon, pero.. Nagbago e.."
"Because you already fall inlove with storm.." segunda ko agad, hininto ko ang kotse sa tapat ng bahay nila at pinatay ang makina.
"H-hindi sa ganon.."
"Dont make it complicated, mara.. Your fallen for him.. stop denying.." ngumuso ito, hindi sumagot.. "Labas na, kukunin ko yung jacket ko.."
"H-hindi ka muna papasok?" nagsalubong ang kilay ko,
"Lalake ako, mara. baka nakakalimutan mo.." halatang hindi nito naintindihan ang pinupunto ko, tsk. kamote talaga..
"Lalake ka nga, anong problema?"
"Sinong kasama mo?" lihis na tanong ko, umiling siya.
"Wala.."
"Tapos papasukin mo ako, tayong dalawa lang?"
"E ano ngayon, hindi muna man siguro ako pinagnanasaan hindi ba?" nag-iwas ako ng tingin, she' s really straight to the point.. Kamote kahit kailan.
"Whatever, mara.." irap na saad ko sabay labas ng kotse, ano pa bang aasahan ko sa isang kamote?
Lumabas na rin ito, binuksan niya ang pinto ng bahay at muli akong binalingan.
"Pasok!." she shout at loud, parang walang katabing bahay kung makasigaw.. Hindi ako tatagal rito kung ganoon lagi ang bibig niya.
Humakbang ako papasok sa loob, gaya noon ay simple at malinis ang sala nila. Walang pinagbago.
"Maupo ka muna, kukunin ko lang sa itaas.." aniya, naupo ako sa mahabang sofa habang binabalingan ang litratong nasa gilid ng flower vase.
It was mara and her sister, may isang frame kasama ang mama niya.. Silang tatlo lang, wala ang papa nito.
Muling nabaling ang tingin ko sa hagdan, pababa na doon si mara dala ang hindi kalakihang paperbag. Kagat nito ang labi habang pababa doon, I dont know what Im looking at her intently.. She' s just not cute, definitely cute and beautiful. Yung tipo na hindi lang ganda ang meron siya, may katingian itong hindi mo makikita sa iba, And I can' t explain what is it.
Lumapit ito sa' kin, suot pa rin niya ang damit na lalong bumagay sa hubog ng kanyang katawan. Hindi siya matangkad at maliit, kasaktuhan lamang ang taas niya at may maganda itong alon-alon na buhok, kung titingnan mo ay mababatid mong malambot iyon. Sigurado akong mabango pa d*mn, what i am thinking?
"Ehem.." tumikhim ito, hindi ko pinahalata na nagulat ako upang hindi masyadong ilang ang eksena namin. "Titig na titig ha.."
"Lasing ka ba talaga?"
"Hindi naman, nahihilo lang.."
"Sa susunod wag ka ng uminom, masyadong mababa ang tolerance mo sa alcohol.." napanguso ito.
"Para kang tatay ko kung manermon.."
"Tsk.." inilahad ko ang kamay, "Nasan jacket ko?"
"N-nandito.." aniya, tinutukoy ang paperbag, akma ko iyong kukunin ng bigla ay itago niya iyon. "S-sandali lang.."
"Ano ba mara?!"
"K-kasi ano e.." hindi ito makatingin ng diretso.. "Hindi ba' t sinabi mo na hindi ka magagalit ngayon?"
"Walang akong sinabi mara.."
Pinanlakihan niya ako ng mata. "Pero iyon ang kasunduan sa interest ko, tristan.. Madaya ka.." napabuntong hininga ako, d*mn that interest..
"Fine..Give it to me my jacket.."
"T-teka muna, may n-nangyari kasing hindi inaasahan e.." mas lalong nangunot ang noo ko. "H-hindi kasi sinasadyang na damage yung likurang bahagi nito.." ngusong paliwanag nito na mas lalong nagpasalubong sa kilay ko.
"Akina.."
"Hindi ka galit?"
"Just give me back to me.." madiing ani ko, tumungo ito matapos ilahad ang paperbag.
"Do you know the value of this jacket?" medyo masungit na anas ko habang kinuha iyon. Hindi ito sumagot, nanatiling nakayuko habang kagat ang labi. "I treasure this more than my old things, tapos minsanan mo lang sinira?"
"P-pasensya na tristan, pinalitan ko naman ng bago.."
"Wala akong pakialam sa bago, mara!" singhal ko, gulat itong tumingin sa' kin. "Ito ang huling regalo ng lola ko, paborito at lagi kong gamit. Pero ngayon, wala na!" napapikit ako dahil sa pagtitimpi, d*mn. How can I control my anger this time?
"P-pasensya na... S-siguro nga kamote ako kaya nagkaganyan.. Dapat lang na magalit ka sa' kin.." napabuntong hininga ako dahil sa tinig nito, parang may kung anong konsensya ang dumaan sa' kin ng makitang napakalungkot niya. F*ck, tristan. Your so rude..
"Bayad na ako sa patubo mo.." ibinalik ko ang jacket sa paperbag bago tumayo. "Ikaw naman ngayon ang may utang sa' kin.." d*mn. Kailan kaya kami matatapos sa utangan?
Mabilis itong tumango. "Sige, kahit anong gusto mo ibibigay ko, kahit ano.."
"Anything?"
"Oo naman, makabawi lang sa ginawa ko.."
"Okay.." tumango tango ako.. "Sunday, magkita tayo ng sunday.."
"Ha, e. Baka may lakad ako..."
"Akala ko ba kahit ano?!" nagsusungit na naman ako,
"S-sige na n-nga.." kagat nito ang labi ng siyang kinainis ko.
"Pwedi bang tigilan mo ang ginagawa mong yan, manarism mo ba ang kagat-kagatin ang labi mo?!"
Natawa ito. "Paano mo nalaman?"
"Tsk, may mga kaonting sugat akong nakita.. Nilalagyan mo ba yan ng oil?"
"Hindi.."
Napairap ako. "Wag mo ng gagawin yan.."
"Pero manarism ko ito at hindi maiiwasan na gawin ko iyon.."
"Sa lahat ng manerism torture yung sayo.." bulong ko, iwas ang tingin.
"Ha? Anong sabi mo?"
"Nothing important.." ani ko, humakbang ako papalapit dito ng ilang pulgada.. "You owe me a date, mara.." bulong ko, hindi ko na inabalang maghintay ng kasagutan dahil hindi rin naman kailangan.
Lumabas ako ng bahay dala ang jacket na medyo may ngiwi ang mukha, anong nangyari bigla?
Niyaya ko ba siyang magdate?
*****