Akimara Pov.
(Nakaw na pagtingin)
Buong maghapon akong abala sa klase, aaminin 'kong sobrang hirap talaga ng kursong ito. Ngunit wala ng akong magagawa kung hindi ituloy na lang, Siguradong wala rin naman akong magagawa kung susuwayin ko pa ang utos ni papa.
"Di ba wala naman si tita diana?" nililigpit ko ang gamit ng magtanong si beka, tumango ako at sinara ang zipper ng bag.
"Sa linggo pa ang uwi, dipende pa kung maayos na ang lagay ni lola.."
Tumango ito. "Ayaw mo ba munang dumiretso sa bahay?"
"Wala naman akong gagawin doon.. uwi na lang ako.." naglakad ako palabas ng silid, 5;30 na ng hapon at medyo madilim na. Sa twing ber months talaga ay malamig na ang simoy sa paligid.
"Sumabay ka na sa' kin aki, please.. ikaw rin bahala ka, mamamasahe ka pa mamaya at maaabala.." napairap ako sa suhol niya.. "Ano na? Sige na aki.. hindi ko kasi alam kung anong susuotin.." bumuntong hininga ako, hindi ako nito tatantanan kung hindi ako papayag.
"Sige na nga, ang kulit mo.." pumalakpak ito, tuwang-tuwa.
"Yieeh! Salamat.. Paano ba naman kasi sila kuya walang alam sa fashion, mga buraot pag dating sa damit.." natawa ako, ganyan naman talaga ang mga lalake. Maswerte ako at may ate akong magaling mamili ng damit.
"Papahiramin na rin kita ng dress, dont worry.." tumango lang ako sa sinabi niya, bahala siya. Pakiramdam ko ay hindi kumpleto ang araw ko ngayon.
"Aayusan rin kita para may kulay naman ang mukha mo.." daldal nito, nakalabas na kami ng campus at tinatanaw namin ang kotseng susundo sa kanya.
Sana all talaga may kotse.
"Dapat maganda tayo dahil maraming boys sa party ni kuya mamaya, idagdag mo pa na birthday ko!" napaismid ako, ang daldal.. kailan ba siya titigil?
Huminto ang kotse sa tapat namin, sumakay si beka sa likod sabay senyas sa' kin na sumunod.
Naiiling ko na lang binuksan ang kotse sabay pasok sa loob. Magmemensahe na lang ako kay mama na nasa bahay ako ng kaibigan, para naman alam niya ang nangyayari.
Sumandal ako sa upuan at tumingin sa bintana, Abala akong nagmamasid sa labas ng may matanawan akong kotse sa gilid. Nangunot ang noo ko ng makita si thor na nakatayo doon at may kausap na babae.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot, buong maghapon ko siyang hindi nakita at nakausap.. Dati naman ay dumadaan ito sa silid namin upang sumilip kung minsan. Pero ngayon, Walang paramdam.
Umandar ang kotse paalis sa harapan ng campus, nadaanan namin sila kaya halos silipin ko kung sino ang kausap niya. Pero bigo ako, hindi ko nakita ang babaeng kausap nito.
Sino kaya iyon?
"Si thor iyon ha.." si beka, wala akong imik habang nakahalukipkip sa sandalan.
Bakit kailangan kong makaramdam ng kirot?
"Uyy, ayos ka lang?"
"Oo.." maiksing sagot ko na hindi nakatingin.
Nagtatampo ako bigla, kahapon lang ay ang dami niyang sinabi. May mga sweet lines pa siyang binitawan, tapos ngayon?
Napapikit ako, bakit ba hinuhusgahan ko siya agad? Malay ko ba kung kaibigan niya lang iyon.
Masyado na talaga akong naapektuhan kay storm, hindi ko na mapigilan ang pag-usbong ng nararamdaman ko sa kanya..
NARATING namin ang bahay nila beka, malaki ang bahay nila at may second floor. May garden sa harapan kung saan ay ayos na ang nakahilerang upuan at lamesa. Gaya ng bahay nila ay ganito rin ang tinitirhan namin doon kila papa. Ngunit dahil hiwalay na sila ay nagtitiis kami sa isang hindi kalakihang bahay.
"Umakyat ka muna sa kwarto aki, magdadala ako ng miryenda doon.." tinanguan ko lang si beka habang nasa gitna ako ng sala, abala ang mga tao rito dahil narin may gaganaping pagsasalo mamaya.
Umakyat ako sa silid nito, girly ang kwarto dahil kulay pink ang kulay. Maging ang kama drawer, kurtina at ano pang makikita mong bagay ay kulay pink.. Hindi gaya sa kwarto ko, kulay asul iyon dahil mahilig ako sa lightblue.. Ngunit dahil wala na ako sa puder ni papa ay simpleng kwarto lamang ang meron ako.
Hinagis ko ang bag sa kama at pabagsak na humilata doon, nakakamis ang buhay prinsesa. Iyong tipong pag-uwi mo ay may mag-aasikaso ng miryenda sayo, hindi muna poproblemahin ang hugasin at labahan dahil may nag-aasikaso na sa mga bagay na 'yon. Paniguradong si ate xiomara ay buhay prinsesa doon. Lalo na ang kabet ni papa.
Marahas akong bumuntong hininga, hindi ko kayang magtiis at tumira doon kasama ang babaeng sumira sa pamilya ko. Maghirap na o mapagod, hindi ako titira sa bahay na may demony*ta..
Bumukas ang pinto at niluwa nito si beka, suot pa rin nito ang uniform habang papalapit sa' kin na may dalang tray ng pagkain.
"Kain ka muna.." naupo ako at sinilip ang dala niya, sandwich at yemacake ang naroon.. Sosyal talaga ang mataba.
"Anong oras mag-uumpisa ang party?" I asked while cutting a peace of cake.
"Alas siete, isang oras na lang kaya maliligo na ako.." tumango ako at hindi pinansin ang pagtayo niya, wala ako sa kundisyon makipag-party ngayon.
"Ano sa tingin mo ang maganda dito?" nag-angat ako ng tingin habang hawak ang tinidor, may hawak na itong dalawang dress at halos pareho lang naman iyong maganda.
"I bet the red.." sagot ko, "Its your birthday, the red is suit today.."
"Sabi na nga ba at ito ang pipiliin mo, bet ko rin kasi e.." nilahad niya iyon sa' kin, pinangunutan ko siya ng noo. "Ito ang susuotin mo.."
"Ha.. e ikaw?"
"Meron na ako, red din.." sinamaan ko ito ng tingin.
"Akala ko ba undecided ka pa sa susuotin mo, galing mo rin no.." tinawanan niya lang ako matapos ibalik ang isang dress sa closet..
"I know you didn't come with me if i dont tell that.."
"Ewan ko sayo.. matutulog muna ako.."
"Ano! Huwag na.."
Inilapag ko sa tabi ang tray, balak munang umiglip dahil wala talaga akong balak mag-enjoy ngayon.
Nawalan ako ng gana dahil sa nakita ko kanina. Naging magulo ang isip ko dahil lang doon, ang bali-balitang lapitin siya ng babae ay tila kinumpirma iyon ng eksena kanina.
"Masakit ang ulo ko, beka.." ani ko sa nakikiusap na tono, mas gugustuhin ko na lang umuwi at maagang matulog. Ngunit dahil nakiusap itong baabeng 'to ay wala akong choice.
"Fine fine! Matulog ka na.. gigisingin na lang kita mamaya.." humiga ako sa kama ng hindi ito sinasagot, matamlay talaga ang buong sistema ko dahil kay thor. Nakakainis man isipin ngunit ito ang nararamdaman ko. Kung sana nga lang ay ganun na lang kadaling lumimot.
HINDI ko alam kung gaano ako katagal nakatulog, nagising na lamang ako ng may tumatampi sa kaliwang balikat ko.
"Ma' am akimara, pinapagising po kayo ni maam bethany.." naupo ako sa kama na ganun pa rin ang pakiramdam, tumingin ako sa bintana at nakitang madilim na doon.
"Nag-uumpisa na po ang party, Alas otso na po.." napabuntong hininga ako, kung hindi lang sana niya ako ginising ay diretso na ang tulog ko, Hays..
"Sige po.." tumango ito matapos lumabas, mabigat ang katawan ko ng maglakad patungo sa gilid upang kunin ang pulang dress, magmumukha yata akong bayaran sa damit na 'to.
Sleeve dress siya at makikita panigurado ang dibdib ko dito. Naku talagang babaeng iyon!
Dahil gusto ko rin ang damit na ito ay iyon na lang ang isinuot ko, matapos makapagligo ay nagtungo ako sa harapan ng salamin habang sinusuklay ang buhok ko. Napatitig ako sa salamin, I am really different tonight.. The dress i wear its really elegant and glorious.. Im speechless for what im look behind on this mirror.. Nagmukha akong bente anyos.
Nakapag-ayos ako sa loob ng kalahating oras, itinali ko ang buhoy ko sa mataas na pwesto upang lumitaw ang kabuuan ng likuran ko. Kahit sarili ko ay pinupuri ang kagandahan ko ngayon, hindi naman sa malakas ang confident ko.. Nagagandahan talaga ako sa kasuotan ko ngayon.
"Akimara.." nilingon ko ang pinang-galingan ng boses sa ilalim ng hagdan, ngumiti ako ng tipid dito.
"Kuya Jonas.." bumaba ako upang malapitan siya.
"Napahaba yata ang tulog mo.."
"Oo nga e, hindi ko na namalayan ang oras.." nangiti ako ng pilit.
"Kanina ka pa hinahanap ni tristan.." pinaglapat ko ang labi upang hindi masyadong magulat, hinahanap ako ni tristan? "Nililigawan ka ba ni cristobal?"
"Hindi aa.." mabilis na sagot ko, saan niya nakuha ang ideyang iyon?
"Akala ko manliligaw mo siya.."
"Sus, chismis lang 'yon.." pagbibirong ani ko, ngumiti siya.
"Gwapo at mabait naman ang magkapatid na cristobal, Iyong bunso nitong kapatid si tyler.. Nililigawan si beka.." napamaang ako, may nanliligaw na kay beka! Leche siya, hindi man lang sinabi sa' kin.
"Kung sakali man na manligaw si tristan sayo, sagutin muna.."
"Masyado ka pang excited sa' kin kuya, hindi nga kami magkasundo 'non.."
"Pero hinahanap ka niya kanina, tara!" hinawakan nito ang pulsuhan ko at iginaya sa garden nila kung saan ginaganap ang party. Napangiwi ako dahil sa lakas ng music sa dulo ng mga lamesa, para na akong nasa disco.
"Jonas!" may tumawag dito dahilan upang lingunin niya iyon, binawi ko ang kamay sa kanya sabay linga sa paligid, nasaan na ba si beka?
"Kanina ka pa hinahanap, nag-iinuman na sila sa likod!" sigaw ng kausap niyang lalake, kailangan mo talagang sumigaw dahil sa lakas ng speaker dito.
"Sige, susunod na ako.."
"Bilisan mo.." halos mga lamesa ang narito at ang mga bisita ay halos batchmate namin ngayon, wala iyong mga barkada ni jonas..
"Nasa pool si beka.." anang jonas, nilingon ko ito.
"May stagparty ako, engage na ako at hindi pweding matali agad, dapat party muna.." natawa ako.
"Ikakasal ka na kuya, dapat ay tigilan muna ang makisama sa mga babae.."
"Wala naman akong inimbitang babae, iyong mga barkada ko ang meron.."
"Sus, ganun rin yon.."
Nakuha sa wala ang pagtatalo namin, sa bandang huli ay mas nanaig ang sinabi kong huwag ng makipag-party pag may asawa na. Hindi ko alam kung bakit napaka-bitter ko sa tuwing usapang kasalan ang topic, nadala na yata ako sa kalagayan namin.
"AKI!!" napangiwi ako sa lakas na boses ni beka, napaka-ganda nito sa suot niyang dress at talaga namang ibinalandra niya ang mga naglalakihang dibdib nito. "OHMYGOD, Ang ganda mo! Ang haba pa ng hair dahil may naghihintay na papi!" natawa ako sa sinabi niya, pesteng papi na yan..
"Dinaig mo pa ang sounds sa lakas ng boses mo.." umirap ito, matapos ay patagilid na hinagod ang kabuuan ko.
"Joskoday, your really gorgeous.. sabi na nga ba at babagay yan sayo, pwedi ka ng sumalang sa kama!"
Pinanlakihan ko siya ng mata.. "Bunganga mo, beka!" natawa lang ito dahil sa reaksyon ko, D*mn.. I can' t believe that i have a crazy friend like her, walang filter ang bibig.
Someone clear his troat behind me, Bahagya kong nilingon ang ulo ngunit mabilis ko 'ring naibalik iyon kay beka.
Sh*t, The handsome cristobal is here. He' s wearing a black polo and d*mn. His really sizzling hot.. Naku mara, Pinagpapantasyahan mo na naman si cristobal.
Sana nga lang ay mabalik na ang pagtingin ko sa kanya. Bwist na storm, Ninakaw ang puso ko ng walang pahintulot..
**