Lira point of view: Napaismid na lang ako sa hangin nang makitang nandito rin sa isla si Adrian, ang napangasawa ko. Hindi naman lingid sa mga kaibigan kong mag-asawa lang kami ni Adrian sa papel at sa harap ng mga magulang namin. Ilang buwan na rin kaming kasal pero hanggang ngayo'y hindi kami nagtatabi sa iisang kama. Hindi ko kaya. Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng magliligtas sa buhay noon ng Lolo Simone ko sa military camp, ay ang Lolo Joaquin pa ni Adrian. Nagkaroon tuloy kami ng utang na loob sa pamilya Mondragon. Bago nalagutan ng hininga ang Lolo Joaquin ni Adrian noon sa hospital, nangako si Lolo Simone sa kanya na ipapakasal niya ang anak niya sa anak ng Lolo ni Adrian. Pero sa kasamaang palad parehong lalake ang naging anak nila kaya naipasa sa next generation an

