NANLAKI ANG mga mata kong napalingon kay Cathy na ngayo'y nakasakay pa rin sa ibabaw ko! Ramdam ko ang panginginig nito habang isa-isang kinikilala ang mga kaibigan kong ngayo'y prente ng nakatayo sa gilid namin habang nakahalukipkip ang mga ito. Sa sobrang takot nito'y naihian pa ako ng walanghiya! Nandidiri at nangangati ako sa ihi nitong umagos sa balat ko kaya sinenyasan ko si Irish na kunin na ito. Napangising asong ulol naman itong dahan-dahang lumapit habang pasipol-sipol pa! Lalo namang namutla si Cathy nang sa kanya matiim na nakatitig si Irish habang nakangisi ng 'di mapagkakatiwalaan. Napailing na lang ako ng lumuhod ito sa tagiliran ko at pinasadaan ang kabuoan ni Cathy. Damn! Irish! Kunin mo na, nangangati na ako sa ihi niya! Mahina namang nagtawanan sina, Liezel, Dian

