* * Nica's POV * * 6:00 in the evening Isa-isa naming pinasadahan ng tingin ni Mina ang mga nagmamadaling kasambahay ng mga Atienza pagdating namin sa mansyon. Nandito kami ngayon sa mansyon at kakarating lang namin ng kaibigan ko dahil pinatawag kami ni Mrs. Atienza. "Mina, anong meron? Bakit parang nagmamadali ang mga kasambahay sa mga trabaho nila?" takang tanong ko kay Mina dahil sa sobrang abala ng mga taong nadatnan namin, hindi na nila kami napapansin. "Ewan ko, Nica, pero malamang may biglaang bisita ang mag-asawang Atienza kaya siguro nagmamadali sila sa mga trabaho nila," sagot sa akin ni Mina habang seryoso kaming nakamasid sa mga kasambahay na abala sa kani-kanilang gawain. Maya-maya pa ay dumaan sa harap namin si Aling Berta, isa sa matagal nang kasambahay ng mga Atienza.

