* * Dennis's POV* * "Sir Dennis? Naku, kayo nga po! Magandang gabi po, Sir Dennis, nandito na po pala kayo," gulat na bati sa akin ng security guard nang makita ako matapos niya kaming pagbuksan ng gate papasok sa loob ng hacienda. Kung hindi ako nagkakamali, Jimmy ang pangalan ng security guard na ito. Natatandaan ko kasi ang mukha niya; siya pa rin pala ang security guard dito mula nang umalis ako papuntang Amerika. "Jimmy, right?" tanong ko sa kanya. "Opo, Sir Dennis. Naku, nakakatuwa naman at naaalala niyo pa po ako sa tagal niyo pong nawala sa hacienda," masayang wika nito. "Sa susunod, siguruhin niyo muna kung sino yung pinagbubuksan niyo. Delikado 'yan. Hindi mo pa nakikilala, pinapapasok mo na agad," seryosong sermon ko rito, habang nakatingin lang sa amin si Billy na nasa tab

