* * Nica's POV * * "Oh, Nica, anong nangyari sa'yo? Para kang nakakita ng taong iniiwasan mo!" seryosong tanong sa akin ni Mina pagkapasok ko sa kusina, habang mahigpit kong hawak ang laylayan ng suot kong damit. Ganito kasi ako kapag kinakabahan o nahihiya—hawak-hawak ang laylayan ng damit habang nakayukom ang mga kamao. "Sandali, may nakita ka nga ba? Nakita mo ba si Sir Dennis nung naghatid ka ng inumin?" gulat na tanong ni Mina nang hindi ko agad nasagot ang una niyang tanong. "Kaya nga ako nag-alok kay Aling Berta na ako na lang magdala ng inumin kina Mrs. Atienza kasi sabi ni Megs, wala naman si Sir Dennis at Sir Billy doon," halos pabulong na sagot ko kay Mina. "So nandoon siya at nakita mo nga siya kaya ganyan ang itsura mo—halos mapunit na yang laylayan ng damit mo," wika ni M

