* * Nica's POV * * "Magandang umaga po, Aling Berta, Ate Mhel, at Rosita," bati ko sa kanila ng naka-ngiti nang makarating kami ni Mina sa mansyon. Sa likod ng kusina kami dumaan papasok, dahil pag ganitong alas-nwebe ng umaga, nag-aalmusal na ang mga amo namin. Ayokong dumaan sa harap at madadaan pa namin sila, lalo na't nandito ang anak ng mga ito kasama ang kaibigan nito. Nakasanayan na rin namin ni Mina na sa likod dumaan tuwing Sabado at Linggo ng umaga. Sa gabi naman, pag uuwi na kami, minsan sa likod na rin kami dumadaan. "Magandang umaga sa inyo," bati ni Mina na naka-ngiti rin, pero napansin ko na parang may hinahanap siya. "Oh, nasaan si Blush On, Rosita?" tanong ni Mina kay Rosita kaya napatingin ako sa kanya. "Mina..." mariin kong wika sa kaibigan ko para suwayin siya. Tin

