* * Nica's POV * * TOK TOK TOK Habang kumakain kami ng almusal, napa-lingon ng sabay si Mama at Papa sa pintuan nang may sunod-sunod na kumatok dito. Sabado, alas-siyete ng umaga, ganito kami kaaga mag-almusal dahil maaga rin pumupunta ng tubuhan at maisan si Mama at Papa. Ako naman ay alas-nuwebe ang punta ko sa mansyon pag ganitong Sabado hanggang Linggo, kasama ang kaibigan kong si Mina. "Nica!"...tawag sa akin ng taong mula sa labas ng pinto. "Oh anak, ang aga naman ata ni Mina? Alas-siyete pa lang ah," wika ni Papa sa akin nang marinig namin ang boses ng kaibigan ko sa labas. "Oo nga po, Papa. Sandali lang po at pagbubuksan ko siya ng pinto," paalam ko kay Mama at Papa para pagbuksan ng pinto ang kaibigan ko. "Magandang umaga, Mina! Ang aga mo naman ata?" bungad ko kay Mina

