* * Nica's POV * * Lord, patawad po kung nagsinungaling man ako sa kaibigan ko. Sana po maintindihan n'yo kung bakit ko nagawang hindi na lang sabihin sa kanya ang totoo. Ayoko lang pong pag-usapan pa kung ano man ang nakita ko dahil gusto ko na lang po itong burahin sa isip ko, yung mga nasaksihan ko. Dasal ko sa aking isip habang hinihintay si Mina sa labas ng mansyon dahil gabi na rin, alas nuwebe na kasi. Buong maghapon kong pinilit ipakita sa lahat ng mga kasama ko sa mansyon na maayos lang ako at masigla, kahit ang totoo, nanginginig ang mga tuhod ko mula nang masaksihan ko ang ginagawa ni Sir Dennis at ng babaeng kasama niya. Halos hindi na ako nakakain ng maayos kaninang tanghalian at hapunan namin. Mabuti na lang at napaniwala ko ang lahat na talagang masama lang ang pakiramdam

