* * Nica's POV * * Nang pagdating namin ni Mina sa sala, gusto ko nang umatras pabalik sa labas ng mansyon nang makita kong hindi lang sina Mrs. Atienza at Mr. Atienza ang nasa sala, kundi kasama pa nila si Sir Dennis at Sir Billy. "Oh, mga hija, nandito na pala kayo. Pasensya na at pinatawag ko pa kayo kay Rosita kahit pauwi na kayo. Gusto ko lang kasi sana kayong makausap, lalo ka na, Nica," sabi ni Mrs. Atienza, na lalo pang nagpakaba sa akin. "Po? Ba...bakit po, Mrs. Atienza?" tanong ko nang pautal-utal dahil sa kaba. "Nica, hija, bakit hindi mo sinabi sa amin?" diretsong tanong ni Mrs. Atienza sa akin, kaya napatingin ako kay Sir Dennis na seryosong nakatingin din pala sa akin. Agad ko ring binalik ang tingin ko kay Mrs. Atienza dahil hindi ko kayang tingnan nang matagal si Sir D

