MAY ISA pang student-teacher na dumating kinabukasan. Siya si Sir Matthew na nalipat galing sa ibang school. Palakuwento siya kaya mabilis ko siyang nakagaanan ng loob. Mahilig siya magkwento ng mga programa na na-impement sa pinanggalingan niyang school. Nalibang din ako sa mga shared story niya based sa limang taon niyang pagtuturo. Nalipat siya sa Masipag High School dahil maraming bilang ng dating guro ang magreretiro na. “Kapag may kailangan ka, you can always ask me, Teacher Zoie,” anito habang naglalakad kami palabas ng gate. Wala sina Anika at Paul dahil may importanteng pinuntahan. Si Marcus naman ay pumasok sa opisina matapos niya akong ihatid kanina. “Oo naman, Sir Matt, tiyak na kakailangan ko ang mga advices mo.” “May susundo ba sa iyo? Ihatid na kita,” “Ah…hindi na! Mag

