NAGMAMADALI KONG hinanap ang banyo. Kahit na hirap ako sa paglakad dahil sa suot kong five inches na heels. Mahigpit hawak ang sling bag kong kulay silver na iniregalo sa akin ni Miss Kaye noon. Tila doon nakasalalay ang balanse ko. Palipat-lipat ang tingin ko sa paligid. Napabuga ako ng hangin nang makita sa bandang dulo ng pasilyo. Dali-dali akong naglakad hanggang sa may matigas na kung ano ang tumama sa akin. Nawalan ako ng balanse dahil doon kaya pumikit na lang ako sa nagbabadyang pagbagsak ko sahig. Napamulat ako nang may isang kamay ang humawak sa braso ko saka ako malakas na hinila. Namalayan ko na lang na nasa bisig na ako ng isang estrangherong lalaki. Sunud-sunod akong napalunok. He’s devilishly handsome. Nakatutok ang mata niya sa gulat na gulat kong expression. “Are you ok

