KABANATA 61

1572 Words

NANG HAWAKAN na ni Marcus ang braso ko ay ‘di na ako tumutol pa. Ang daming tumatakbo sa isipan ko ngayon at ‘di ko alam kung paano magsisimula. Narating namin ang stage na parang wala ako sa sarili. Inabot sa kanya ng isa sa mga kasabayan niyang nakaupo kanina ang isang medalya at certificate of recognition pagkatapos niyang kamay isa-isa ang mga iyon. Sa huli ay siya mismo ang nagsabit sa akin saka inilahad sa akin ang papel na nagpapatunay ng pagtanggap ko ng karangalan. Inabot ko ang kamay ko sa kanya at nang akmang hahawakan ko na iyon ay bigla niyang ibinaba ang kamay siya saka ako niyakap. Uminit ang pisngi ko dahil sa pagkakadikit ng mga pisngi namin kasunod ng pagdampi ng mainit niyang hininga sa taenga ko. “Congrats, love,” aniya sa mahinang boses saka ako magaang hinagkan doon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD