TANGING ANG ilaw sa maliit na lampshade ang liwanag sa loob ng silid. Hindi ko na in-on ang bentilador dahil malamig na ang hangin mula sa bintanang bahagya lang nakabukas. Kung tutuusin, sa ganitong komportableng higaan na may malamig na hangin ay sapat na upang makatulog ako ng mahimbing. But sadly…hindi naging madali para sa akin. Namamahay ba ang tawag doon? Kanina pa kasi ako pabiling-biling sa higaan. Kahit na anong pikit ng mata ang gawin ko, hindi ako makatulog! Ilang minuto, oras na ba ang nakalipas? Hindi ko alam! Paano naman kasi wala pa si Marcus! Ang sabi niya kanina ay susunod na rin siya agad pagkatapos niyang hugasan ang pinagkainan namin. Nakatapos na ako lahat sa pagligo at pagbihis, wala pa rin siya? Hindi ba at iyon naman ang gusto ko! Ayaw kong maabutan niya

