NASA HARDIN ako at malayang pinagmamasdan ang pagsasayaw ng mga naglalakihang bulaklak ng rose, gumamela at sunflower. May iba’t iba pang uri ng bulaklak halos kalahati lamang ang sukat ng iba. May mga bukiring tanaw mula sa kinauupuan ko. Ipinikit ko ang dalawa kong mata saka marahang sinamyo ang simoy ng hangin. Ang lamig niyon ay nanuot sa bawat bahagi ng aking katawan. It calmed my whole body. Sa tuwing tinititigan ko ang buong paligid ay unti-unti ng bumabalik sa normal ang paghinga ko pati na rin ang takbo ng isipan ko. Bigla ring bumabagal ang t***k ng puso ko. Magda-dalawang buwan na ako sa lugar kung saan natagpuan ko ang tunay kong magulang. Noong una ay hindi ako makapaniwala. Nang makita nila ako ay sabay pa silang napaiyak saka ako niyakap ng mahigpit. Hindi rin sila tumigil

